Dalawang likod

404 5 0
                                    

Bakit, bakit sa tuwing naglalakad ako madalas nilang sinasabi na "bakit ka naglalakad ng patalikod? "

Madalas nilang sinasabi na humarap ako at huwag ko silang talikuran.

Palagi nalang ulit ulit nalang ang mga linyang sinasabi nila, na kesyo sayang daw ang bra, na Highschool nako pero baby bra parin ang gamit ko.

Mga sabi sabi na huwag daw akong didikit sa pader dahil baka hindi ako makita.

Na kadoorknob lang ang laki ng dibdib ko.

Ano bang pake nyo kung maliit ang dibdib ko?

Ano bang pake nyo kung hindi ako biniyayaan ng dalawang malaking melon na sa tuwing maglalakad ay nagsasampalan?

Ano bang pake nyo kung hindi kami biniyayaan ng dalawang umaalog sa tuwing bumababa ng hagdan.

May special talent naman kaming maliliit ang dibdib dahil kaya naming tumalon, tumakbo ng walang tumatalbog.

Pero kahit ano pa ang sabihin ninyo masaya na ako sa kung anong meron ako dahil ito ay biyaya ng Diyos .

Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon