Ikaw at ako sa ilalim ng buwan.
nakasandal sa'yong mga balikat,habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw .
Simoy ng hangin ay napakasarap damhin.
Nakaupo sa puting pinong buhanginan.
Ikaw at ako ay magkahawak ang kamay.
Sabay na sumisipsip sa napakasarap na buko.
Masayang nakikinig ng paboritong kanta.
Ikaw at ako ay nagmamahalan.
Pagmamahalan ng totoo at tapat.
Pagtitiwala sa isat isay ating ginagawa.
Ikaw at ako pero walang tayo.
Dahil lahat ng itoy isang imahinasyon.
Imahinasyong imposibleng mangyari.
Ikaw at ako ay mabubuhay lamang sa aking imahinasyon.
Kasabay ng paglubog ng araw ay ang pagpikit ng aking mga mata na hudyat ng pagkalimot sa aking imahinasyon.Thanks for reading readers, sana support nyo lahat ng poetry ko. Labyah
BINABASA MO ANG
Spoken Word Poetry
PuisiSa pamamagitan ng pag-gawa ng tula ang aking nararamdaman ay naisusulat.