AMNESIA

718 9 0
                                    

Sana
Sana mamaya,bukas,o sa isang araw
Magising nalang ako sa isang amnesia.
Yung bang pagka-gising ko wala na,
Wala na yung sakit,at yung mga kasinungalingan nung araw na mahal na mahal kita yung araw na sobrang nagpapakatanga ako sayo!

Sana pagka-gising ko makalimutan kona yung mga araw na magkasama tayo pero sya ang nasa isip mo!
Yung araw na nalaman ko na sya, sya parin ang gusto mo.
Yung araw na ginawa mo akong panakip butas lang, panakip butas para makalimutan mo sya!

Naalala mo paba yung tinanong kita?!
Nung tinanong kita kung gusto mo ba sya?!
Dika makaimik kasi totoo!totoo na may gusto ka sakanya,hindi ako tanga para hindi mapansin!

Alam ko naman,alam ko naman na kahit nandito nako naghahanap kapa ng iba,hinahanap mo parin sya!

Alam ko naman na kapag pinapili kita kung sya o ako ,sya ang isasagot mo!
Dahil parang sya ang gusto mo kesa sakin.

Ako na palagi mong kasama
Ako na laging nandyan kapag may problema ka!
Ako na iniisip na totoo ang pagmamahal mo!
Pero siguro ngayon, kailangan na kitang pakawalan,ikaw,pati narin ang mga alaala ng kahapon!

Dahil ayoko ng maging panakip butas lang.

Bago ko tapusin itong pyeseng tungkol sa atin o sabihin na nating sa akin at sa inyong dalawa!

Gusto kitang yakapin ng mahigpit kasi alam ko na bukas hindi na iyon mauulit,dahil bukas tapos na,wala ng ikaw at ako na magkasama dahil mapapalitan na ng ikaw at sya!

Kaya siguro hanggang dito nalang.

Inspired from the story of author lala_webster
'I wish I could wake up with amnesia'

Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon