Palagi kong ini-isip kung ano ba ang sagot sa tanong na gusto na ba kita?
Akoy nahihirapang sagutin dahil di ako sigurado sa nararamdaman ko,itoy sobrang nagpapagulo sa aking isipan .Naalala ko pa yung mga araw na pinaparamdam mo ang hindi ko dapat maramdaman sa'yo , na parang ikaw ay may pagtingin sa akin.
pero hindi ko yun pinapansin dahil hindi ba't ginagawa mo rin sakanya yan? ,kaya't ayokong umasa,dahil baka ganun ka lang talaga at baka binibigyan ko lang iyon ng malisya.
dahil natatakot ako na baka mahulog ako,mahulog sa isang patibong na akoy hindi na pwedeng makaahon .
Pero bakit ganun?
Sa tuwing tayoy mag kasama tila iba na ang turing ko saiyo.Bakit sa tuwing hindi kita nasilayan ay hinahanap ka ng aking mga mata?
At sa tuwing wala ka ay tila kulang ang araw ko,at tila sa oras na makita na kita ang araw ko ay kompleto na.
Gusto naba kita?
Nahulog naba ako sayo?Pero bakit ganon?bakit parang di ako sigurado sa aking nararamdaman, bakit parang nag dadalawang isip pa ako?
Hindi ko malaman kung ano ba itong gumugulo sa akin at tila akoy naguguluhan?
Siguro nga't hindi ako sigurado sa nararamdaman mo!Dahil napapansin ko,Oo,napapansin ko yun,yung mga ngiti mo sa tuwing kasama mo sya.
Mga ngiti na malimit lang makita sayo.
Yung saya mo kapag nag kukwento ka tungkol sakanya!Alam mo nagseselos ako selos na selos,sa tuwing magkasama kayo!
Sobrang saya ko kapag nakikita kitang tumatawa,pero sobrang sakit sa tuwing naririnig ko yung mga pagtawa mo na ang masakit hindi ako ang dahilan,hindi ako kundi sya!Ang sakit lang nung kinukwento mo sya sa akin,sa akin pa talaga!
Minsan napapaisip ako,napapansin mo kaya na gusto kita?
Napapaisip karin ba kung kamusta nako?
Nafefeel mo kaya itong nararamdaman ko para sayo ?
Iniisip mo rin kaya na iniisip kita?Siguro Hindi!
Mag aaksaya kapa ba ng oras para mag isip at damhin ang nararamdaman ko?wala ka namang pakielam sa akin!Pero bakit naman ganun?
Bakit?
Bakit nagbigay ka ng motibo na gusto moko?
Bakit pina- asa mo ako?
Bakit naman pina-fall mo ako?Ang tanga ko tanga tanga ko!
Umasa ako sa binibigay mong motibo
Pinanindigan ko na totoo,totoo yung motibo na gusto mo ako!kahit hindi naman!Siguro ngayon alam ko na,alam ko na,na ganun ka talaga makitungo,at mali ang motibong iniisip ko!
Pasensya,pasensya,pasensya!Salamat po sa pagbasa ng panibago kong pyesa!
QUEENPRINCESS here~~
BINABASA MO ANG
Spoken Word Poetry
شِعرSa pamamagitan ng pag-gawa ng tula ang aking nararamdaman ay naisusulat.