Heto na naman ako.
Heto na naman ako na umaasa sayo!
Heto na naman ako sa panibagong araw na nagtatangatangahan.
Umaasa na naman sayo,sayo na hindi alam ang pahalagahan ako.
Maraming tula na ang aking naisulat maraming luha na ang pumatak sa matang sayo lang nakatingin.
Hindi ko masabi sayo ng diretsuhan ang mga ito, dahil sigurado ako na hindi mo iyon papahalagahan,dahil ano nga ba tong ginagawa ko? Eh isa lang naman itong katangahan.
Isa? Dalawa? Tatlo? Marami na,marami ng tula ang naisulat ko patungkol sayo!
Pero ano? Wala! Tanga parin ako sayo! Umaasa parin ako sayo!
Bakit kasi Ikaw pa!
Bakit sa'yo pa nahulog ang puso ko, sayo na hindi kayang saluhin ang pusong ikaw ang nilalaman!
Iniisip kita pero iniisip mo sya!
Nagpapakatanga ako sa'yo pero nagpapakatanga ka sakanya!
Mahal kita pero mahal mo sya!
Umaasa,
Nagmamahal sa'yo!
BINABASA MO ANG
Spoken Word Poetry
PoetrySa pamamagitan ng pag-gawa ng tula ang aking nararamdaman ay naisusulat.