Ano nga ba tayo?
Meron nga bang tayo?Mga tanong na tinatanong ko pa kahit na alam ko na ang sagot,sagot sa katotohanang walang tayo!
Pero pilit paring pinagsisiksikan ang sarili ko sayo kahit na Ika'y walang pakielam!
Pinipilit ang mga bagay na hindi naman dapat.
Mga mali na pilit paring ginagawa.
Mga tama na pilit iniiwasan.
Pagmamahal sayo na hindi mo magawang mahalin ako pabalik dahil hindi ako, hindi ako ang mahal mo.
Pag- aalala sayo na ni minsan hindi mo ako inalala.
Pag iisip sayo na ni minsan hindi ako pumasok sa isipan mo.
Kasi nga hindi ako, hindi ako ang mahal mo.
Ano nga ba ko sayo?
Wala!,pero pilit parin akong naghahabol at nagpapakatanga sayo.
Pero pangako balang araw mag sasawa rin ako,mapapagod rin akong maging tanga.
Ngayon kailangan ko munang umiwas at lumayo sayo.
Paalam......
Thanks for reading...
BINABASA MO ANG
Spoken Word Poetry
PoetrySa pamamagitan ng pag-gawa ng tula ang aking nararamdaman ay naisusulat.