Mahal, tanda mo pa ba ang ating unang pagkikita?
Marahil ay hindi na—
dahil hindi na ako ang 'yong iniirog.Sana hayaan mo ako sinta—isalaysay sa madla, ang ating lumipas na pag-iibigan.
Pag-iibigan na napaglipasan na ng panahon .Sa tuwing nakikita ko ang iyong mga ngiti, mahal ako'y lalong nabibighani sa 'yo, napapangiti sa kadahilanang mahal—
mahal na nga kita.Madalas tayo na magkasama sa ilalim ng puno, kumakanta kasabay ng mga kaluskos ng mga dahon, nagtatakbuhan sa parang na animo'y mga bata, na sabik makalabas.
Ang sarap balikan ng mga alaala,
kahit sabihin pa—ito'y isang alaala na lang.Bakit ikaw at ako pa ang napili ng tadhana para paglaruan?
Bakit hindi na lang tayo inilaan ni Bathala sa isa't isa?Labis ang lungkot at sakit,
pagkalugmok ang naramdaman nang ako'y lisanin, aking sinta!
Ngunit ano nga ba ang aking magagawa kung ang laman ng iyong puso ay siya at hindi ako.Siguro nga may inilaan si bathala para sa ating dalawa.
Isang taong magbibigay ng lahat-lahat
at magpaparamdam ng tunay na pagmamahal.
BINABASA MO ANG
Spoken Word Poetry
PoetrySa pamamagitan ng pag-gawa ng tula ang aking nararamdaman ay naisusulat.