John Michael

447 4 2
                                    

Siguro Oo,

Kaya ko pa namang ngumiti at pigilan ang luhang nag uunahan ng lumabas!

Ngingiti na para bang walang nangyari,tatawa na kahit ang mga mata ay pumupungay na!

Makikipag usap sa'yo na para bang ayus na ang lahat, na parang nakalimutan ko na ang lahat.

Magkukunyari na masaya kahit sa totoo ay milyong karayum na ang tumutusok sa puso ko!

Bakit ba kasi naging tanga ako sa'yo sa gayong alam ko naman na kilala mo lang ako kapag may kailangan ka...na minahal kita kasi lagi kang nasa tabi ko,na palagi tayong nag uusap.....

Lumalapit ka sa akin hindi dahil gusto mokong makatabi at makasama kundi dahil may kailangan ka!

Yung akala ko na lagi kang nandyan sa tabi ko pero may kailangan ka lang pala!

Minahal kita dahil sa isang dahilan at nasaktan ako sa iisang dahilan.....

Naghangad ako ng pabalik mong pagmamahal pero ang bumalik sakin ay lungkot at sakit....

Pero mawawala rin to,hindi man ngayon pero gagawin ko hanggang sa makalimot sa'yo.....

Mawawala rin to wag ka lang lumapit sa akin pakiusap,iba nalang pagod nako!

Umasa ako, minahal kita nagpakatanga ako sa'yo..... Pero ngayon pagod nako,pagod nakong magsunod sunuran at maging kakilala mo kapag may kailangan ka!!!

Tama na ang pagiging kamay mo sa lahat ng bagay, dahil wala naman akong napapala,umaasa pa nga ako lalo sa'yo.

Alam ko naman na kilala mo ko dahil alam mong may makukuha ka sakin,pero ngayon hindi na, wag na ako iba nalang.

Yow shout out po sa mga JOHN MICHAEL dyan ganyan naman kayo eh 😒😑 dyan lang pag may kelangan.... No offend ah real talk lang to guys.

Ps:ang pogi ng author nito.

Pps :para sa lahat ng JOHN MICHAEL dyan my middle fi*gers salute you Labyu

Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon