Hindi ko alam kung bakit ikaw ang aking natipuhan.
Na sa tuwing ikaw ay aking nakikita tila hindi ako mapakali.
Sa tuwing ikaw ay titingin sa akin nagiiwas tingin nalang ako pero,sa utak ko kilig na kilig na ako.
Bawat pag ngiti mo na bumubuo ng araw ko
Sa tuwing ikaw ay maglalaro ng basketball mga mata koy nakatuon lang sa'yo.
Lagi kang inaabangan.
Lagi kang sinisilayan
Lagi kang iniisip
Pero ako pa inaabangan mo, sinisilayan mo, at iniisip man lang?
Pero satingin ko wala ka namang nararamdaman para sakin dahil ako lang naman tong naghahabol sa'yo.
Nagmamahal kahit hindi minahal.
Ang 'yung tagahanga.
BINABASA MO ANG
Spoken Word Poetry
PoetrySa pamamagitan ng pag-gawa ng tula ang aking nararamdaman ay naisusulat.