Sumapit na naman ang araw ng mga patay.
Araw ng mga pusong namayapamga pusong nakalibing
Mga nararamdaman na pilit nililibing.
Pusong namatay dahil sa sobrang pagmamahal sa'yo!
Simulan natin nung araw na patay na patay ako sa'yo.
Pero tila nanghina at nanglulupaypay ang aking puso ng malamang Ika'y may nobya/nobyo na!
Ang sakit!
Ilang buwan o taon na nga ang pag asa ko sayo!kaya ang sakit dahil sa inaakala ko na pwede, na matututunan mo rin akong mahalin.
Pero heto ang pusong nagmamahal sa'yo ay nakaburol na!
Pinaglalamayan na.
Gusto ko ng ilibing.
Gusto ko ng makalimot.
Kaya heto ang pusong nagmamahal sa'yo ay nakalibing na, kasama ang mga alaala, sakit, lungkot at sama ng loob ay nakalibing na.
Ang pagmamahal ko sa'yo ay isusulat nalang sa isang lapida na magsisilbing alaala sa aking katangahan.
Paalam sa pusong pinatay mo at sa maling nararamdaman sa'yo.
Paalam Paalam
Happy Halloween guys.
BINABASA MO ANG
Spoken Word Poetry
PoetrySa pamamagitan ng pag-gawa ng tula ang aking nararamdaman ay naisusulat.