Sabi nila kapag daw "no label no pain",
pero para sa akin "no label more pain".
Oo, dahil mahirap--
mahirap pumasok sa isang relasyong walang label 'yung tipong parang kayo pero hindi naman.
'Yung sweet kayo sa isa't isa pero hanggang do'n lang.
Nagseselos ako pero wala naman akong karapatan...
Wala!
Dahil wala namang "TAYO".
Oo nga't merong ikaw at ako,
pero wala namang matatawag na "TAYO"!
Ang hirap 'di ba?
Hindi mo alam kung sa'n ka ba talaga lulugar.
Mga salita mong nagpapa-kilig sakin
s'yempre ako naman 'tong walang ibang ginawa kun'di ang kiligin at umasa.
Umaasa sa mga sasabihin mong kataga..
'yung aasa sa mga pangako mo na hindi mo ako iiwan
Na hindi mo ako sasaktan at mamahalin mo ako nang lubusan.
O 'di ba walang label pero parang kami?
Pero wala!
Kahit wala ang pagtrato mo'y parang pang ka-ibigan.
Ika'y parang kapsulang kaya kong inumin..
Kahit walang label handa kong lunukin.
Kaya kahit masakit para sa'kin na parang tayo pero wala basta masaya.
Makukuntento muna ako sa kung anong meron tayo--
Hihintayin ko at aasa na baka magkaro'n ng TAYO.
Pero alam mo minsan napapatanong ako sa sarili ko..
Masaya nga ba talaga ko...
O, puro bigat lang ang dulot nang walang TAYO?
Kailan ba ko magkakaro'n ng karapatang magselos? Karapatang magalit, at magtampo?
Kailan ako magkakaro'n ng karapatan sa pagitan ng relasyong parang tayo pero 'di pa sigurado?
Walang label kaya ang labo.
Pero may nakapagsabi na mas okay raw ang no label..
Free to heartbreaks.
Oo siguro? Pero pa'no kung nahulog na 'kong tuluyan sa'yo?
Nafafall na ako--
Nahuhulog at 'di sigurado kung sasaluhin mo.
'Di ba pwedeng TAYO talaga?
'Yong mahal mo ako at mahal kita.
Ayoko na kasing magtago.
Ayoko na kasing mangapa dahil sa labo.
Ayoko ko nang magkunwari at higit sa lahat ayoko nang lokohin pa ang sarili ko.
'Yung akala ng marami tayo na pero akala lang nila 'yun.
Sa araw-araw ba naman na magkasama tayo,
Sa araw-araw ba naman na magkausap tayo...
Sinong hindi mag-aakala na walang tayo?
Mahirap talaga 'yung parang kayo pero walang label.
Mga kabataang tulad ko na nakatikim ng kapsulang walang label,
'Yung merong ikaw at ako pero walang label.
'Yung more than friends tayo pero less than couple.
![](https://img.wattpad.com/cover/121208953-288-k203313.jpg)
BINABASA MO ANG
Spoken Word Poetry
PoetrySa pamamagitan ng pag-gawa ng tula ang aking nararamdaman ay naisusulat.