Bakit?!
Bakit lahat nalang pinupuna mo!
Lahat nalang ng gagawin ko may opinyon ka!
Matanong nga kita, ikaw ba walang mali sayo? Perpekto kaba? Hindi naman diba.
Pero bakit Kung makahusga ka, makapang puna ay kala mo perpekto ka!
Bakit ba kailangan mo pang punahin lahat?
Pero,tumingin ka muna sa salamin bago ka manghusga,tignan mo muna kung walang kapunapuna sa'yo para sa gayoy hayaan kitang manlait.
Hindi mo alam,oo Hindi mo talaga alam na may nasasaktan sa mga panlalait mo, kahit pabiro Oo may nasasaktan ka! Hindi mo alam kasi masaya kang nanlalait masaya kang may nasasaktan.
Atensyon?
Ayun ba yung gusto mo?!
Satingin mo mapupunta yang atensyon sayo eh kung sa ugali mo palang wala ng magkakagusto!
Itong tula ay hindi ko ginawa para mag parinig sa'yo, itong tula ay aking ginawa para matauhan ka at baka sakaling malaman mo o nyo ang mga nararamdaman ng mga nilalait nyo.
Thanks for reading hope you guys like it
BINABASA MO ANG
Spoken Word Poetry
PoetrySa pamamagitan ng pag-gawa ng tula ang aking nararamdaman ay naisusulat.