CHAT LANG PALA

1.9K 23 3
                                    

Sisimulan ko sa nakaraan na kaysaya at sa ngayon na sobrang basta!

Naalala ko pa nung nag-hi ka sakin at nung nanligaw ka sa chat
Pakiramdam ko seryoso ka kaya sineryoso din kita
Hindi ko nga pinapansin ang iba mareplyan kalang agad
Lagi akong kinikilig sa mga sweet messages mo at sa mga pick up lines mo na kahit corny bentang benta sa akin
Ikaw rin ang nag papangiti sa sibangot kong mukha
Lagi pa tayong nagkakamustahan,lagi mokong  pinapakilig kahit na sa simpleng bagay.
Ang sabi mo noon na kahit anong mangyari hindi moko iiwan at syempre dahil mahal kita naniwala ako!
Kaya gabi gabi akong puyat dahil sa akala ko totoo, totoo na seryoso ka pero hindi naman pala hindi naman pala bukal sa loob mo.
Naalala ko pa nung sinabi mo na hintayin kita ngunit nakita ko na may kasama kang iba at nung nag uusap kayong dalawa na parang walang ako walang tayo sa  mundo nyo
Hindi ako manhid para hindi malaman kung ano ang espesyal sakanya!dahil nakikita ko ang saya mo kapag kasama mo sya na dapat ako ang nasa pwesto nya!
Ay mali!mali!mali!
Mali palang magselos ako dahil wala namang ikaw at ako!
Mali rin palang masaktan ako dahil hanggang asa lang naman ako!
Pinilit ko mang pigilan ang tunay na nararamdaman pero syempre ito naman ako na gustong magustuhan mo rin!
Napapaisip ako ano nga bang lugar ko diyan sa puso mo?
O siguro ang mas dapat na itanong ay kung may lugar nga ba ko diyan sa puso mo?
Syempre hindi mo alam,hindi mo alam na nasasaktan ako sa tuwing magkasama kayo!sa tuwing nagtatawanan kayo pero ako?nandun nasa isang tabi nakadukmo iniisip na sana ako ang kasama mo sa pagtawa mo!
Nasasaktan ako kahit hindi dapat dahil wala namang tayo!
Kaya pasensya kung nahulog ako sayo!
Pasensya kung minahal kita ng sobra kahit na alam kong ako lang ang nakakapit sa relasyong ito  relasyong ako lang pala ang may alam!
Kaya ngayon tama na!
Dahil nakakapagod mag habol ng taong ayaw mag pahabol.
Nakakapagod masaktan ang pusong pinaka iingatan mo at ng dahil sa maling tao ito ay masasaktan,masasaktan ng paulit  ulit sa isang dahilan dahilang walang patutunguhan.
Kaya patawad kung iniisip ko na more than friends tayo na dapat palang iniisip ko chat lang pala!

Hope you like it guys!

Spoken Word PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon