A life that is drawn✍ (Chapter 1)

472 19 73
                                    

Author's Note:

Isa pong paalala, ako po ay baguhan pa lamang. Kung may mga mali po ay libreng magbigay ng komento.

Kung perfectionist po, ay hindi ito ang nababagay sa inyong libro. 😊✌

Maligayang Pagbabasa po... 📖😊

Jenny's POV

Ako si Jenny Amara ,17 years old. Isang simpleng babae, well not that simple hahah joke seriously simple lang talaga, may simpleng buhay at masayang pamilya. Fan ng Anime, Kpop at mga Ka dramahan sa mundo. Hindi ako ganun kanerd pero gusto ko ng libro... Na may pictures. Haha... At ito ang unexpected journey ko.

July 14, 2017
Friday, 6:30 a.m

Ordinaryong araw as usual.

" Nom nom nom nom 200x! " sambit ng alarm ko.

Biglang bumukas yung pinto at sumigaw yung mama ko,

" Jenny gising na, tanghali na oh! "

" Teka lang ma inaantok pa ako," tinatamad pa yung pagkasabi ko.

" Ayaw mong gumising ah, malalate ka na! "

Ang salitang ayaw na ayaw kong marinig LATE, biglang bumukas yung antok na antok kong mga mata.

" Eto na ma, gising na ako"

Dahil nga dapat nasa school na ako ng 5:30 a.m, ganun ka-strict yung school namin na dapat ganun kaaga ay nasa school ka na, dahil narin siguro inaalala nila yung mga estudyanteng mag-ko-commute pa.

Ginawa narin nila yun na policy para mamaintain yung disiplina sa pagpasok ng mga estudyante.

Binilisan ko yung pagkilos ko. Yung pagkain na halos di ko na nginuya, yung tubig na pinangligo ko 'di ko na pinansin kung gaano kalamig. Yung kilos ko na parang nagbubuod ng istorya.

At sa wakas natapos rin.

" Ma alis na po ako."

" Sige nak ingat ka Love you!"

" Love you too ma!" sabay kiss sa cheeks.

Lumabas na ako sa gate namin. Medyo natagalan nga, kasi yung aso ng kapitbahay namin nakabalandra sa harap ko, puro nagtatatahol ba naman 'kala mo lalapain ka.

Pero success nakalabas rin, paglabas ko nakita ko na yung mga kaibigan ko.

" Ang tagal mo namang kumilos!" sambit ng isang lalaki na matangkad, bagsak ang buhok at naka-full bangs, singkit ang mga mata, matangos ang ilong at may kaputian.

Siya si Jessie Pineda, ang kaibigan kong sobrang siga pero malambot ang puso sa amin.

Siya si Jessie Pineda, ang kaibigan kong sobrang siga pero malambot ang puso sa amin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
A Life that is Drawn [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon