Expectation vs. Reality (Chapter 4)

178 12 8
                                    

Habang nagmamadali sila sa pag-akyat sa hagdan, meron silang kanya-kanyang internal monologue.

"Gaash, terror pa naman si miss Uy, and I'm kinda tired na. It will make me look haggard oh my gash, I don't want my classmates to see me like this. But I have no choice na! I'm very tired na!" isip ni Mary.

" Yung Portfolio ko pa naman di ko pa napapasa, baka nagchecheck na sila ng assignments! baka may surprise quiz si ma'am! baka hinahanap na ni maam yung research paper na pinapagawa niya sa grupo namin, baka di ko naibigay sa kanila yung na-encode ko. I'm starting to get paranoid! " ang iniisip naman ni Hanzel.

"Hala! ngayon lang ako male-late sa subject ni ma'am, yun na nga lang pinambabawi ko kahit di ako nakakaperfect sa mga enumeration niyang quizzes! " ang nasa utak ni Jessi.

" Kasalanan ko 'to, this is all my fault, guys I'm very sorry, Hindi na talaga. Sana hindi magalit si ma'am, kahit alam kong magagalit talaga siya," sisi naman ni Jenny sa sarili.

Nagulantang silang apat sa kanilang nakita.




Daniel's POV

Bakit kaya ang tagal nila Jenny? sa bagay wala naman kaming subject teacher ngayon, sayang hindi ko tuloy siya mamimeet.

May sakit daw kasi siya ngayon, si Ms. Uy yata yun. Parang nagkatrankaso daw announce ng co-teacher niya sa amin kaya tahimik lang daw kami, kasi nakakahiya section 1, tapos maingay.

Mga ilang minuto pa yung lumipas dumating sila Jenny. Kumaway ako pero hindi nila ako napansin. Lahat sila pawis na pawis tapos parang gulat na gulat sa mga nakikita nila.

Sa pagkakaalam ko normal naman yung mga kaklase namin halos lahat nga lang nag-aaral, wala namang nakakagulat dun kasi star section at lahat matatalino.

Umupo na silang apat sa kani-kanilang upuan. Yung isang babaeng kasama nila punas ng punas sa sarili at nagpapabango,

Si... Hindi ko siya kilala, pero yung pinakamaliit sa kanila at lalaki, nagbuntong hininga sabay aral, tapos yung isang lalaki umupo lang at ang huli si Jenny na halos hindi maipinta ang mukha.

"Jenny! A-anong nangyari?" tanong ko.

Tahimik lang siya at 'di umiimik,

Parang walang naririnig kaya hindi ko nalang rin tinuloy yung pagtatanong at nagaral nalang rin gaya ng ginagawa ng mga kaklase ko. Pero kinalaunan sumakit yung mata ko kaya napagdesisyonan ko nalang magdrawing sa likod ng notebook ko.



Jenny's POV

Nung nakita namin na wala si maam Uy, hindi parin ako nakahinga ng maluwag. Dahil inilagay ko sa delikadong sitwasyon yung mga kaibigan ko, na baka maging dahilan ng pagbagsak nila.

Sa school na 'to, walang tinitingnan na estado na kung mayaman ka man o mahirap, hindi ko lang alam kay Jyabami.

Pero sa aming mga normal na estudyante, isang maling galaw lang namin at katakot-takot na 70 ang makikita namin sa card namin. At pag may bagsak ka, mahirap nang habulin yun para makatungtong ka ulit sa star section.

At yun ang ayaw kong mangyari, na may bumagsak at may bumaba dahil sa kagagawan ko iyon ang pinakaayaw ko sa lahat.

Isa si Ms. Uy sa mga walang awa na teacher na nagbibigay ng 70 sa mga estudyante niya, perfectionist kung baga. Kinatatakutan din naming makabanga.

Kaya ito ako ngayon parang lantang gulay, walang imik, walang naririnig at lugmok ang mukha.

Haay dapat inalala ko na "may tamang oras para sa lahat ng bagay" na laging sinasabi ni...

Hindi ko alam pero bigla nalang akong naluha, tumulo ang luha sa aking mga mata ng di inaasahan.

Bakit ko pa kasi inaalala yung malulungkot na bagay eh. Erase na erase.

Iisipin ko pa paano ako makakabawi sa kanilang mga kaibigan ko.

Parang nagfastforwad ulit yung oras, as usual. Hindi ko namalayan na uwian na pala.

Pagkatapos magdismiss ng huling period namin, kinausap ko sila Jessi, Hazel at Mary.

Nahihiya ako sa kanila, kahit nagtatawanan kami, meron parin kaming kahinaan lalo na sa pag-aaral namin dito sa Orion.

"Guys sorry, dahil sakin napagalitan na sana tayo ng teacher natin. Nakikiayon lang talaga yung panaho pero *bigla akong naiyak*  kung *singhot* nagkataon bagsak *singhot* na sana tayo, " hagulgol ko.

"Ano ba naman yan eh pinapa-cry mo ko,okay na kami we're alright okay?" sabi sa akin ni Mary sabay comfort.

"Oo nga." Iyak ni Hanzel sabay yakap sakin, baby pa talaga toh ahah.

"Uy ano ba ang papangit niyong umiyak! umuwi na tayo. Pinapatawad ka na namin Jenny, basta wag mo nalang uulitin kasi baka matimingan na tayo sa susunod." Sermon niya kahit maluha-luha rin.

Makaka-survive din kami sa school na ito, at ga-graduate ng sama-sama.

Kahit ang daming nangyari ngayong araw na ito. I end up my day with a smile.

A Life that is Drawn [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon