She (Chapter 16)

80 5 0
                                    

Author's Note:

Sa chapter po na ito, may medyo corny na part pero feel free to comment, if  that part is improper. Hope you like it!

Nananaginip ba ako? Ano 'to?

Napasigaw ako nung pagkakita ko sa kaniya, pero tinakpan niya ang bibig ko gamit ang kaniyang kaliwang kamay, at inilagay ang hintuturo niya sa kaniyang kanang kamay sa kaniyang labi.

" Shhh 'wag kang maingay, maririnig tayo ni Papa," sabi niya.

Papa? Magkapatid kami? Naging babae yung kuya ko sa tunay na mundo? Waahh ayokong magkaroon ng ate.

Tinanggal na niya ang kamay niya sa bibig ka at pinigilan ko naman ang aking sarili na magingay.

" Ikinagagalak kong makilala ka Jenny," sabi niya.

" Magkamukha tayo, a-anong pangalan mo?" tanong ko.

" Jenny," sabi niya.

" Huh ako si Jenny, Hi- teka ibig sabihin ba nun ako ay ikaw?" nagtatakang sabi ko.

" Hindi, ako si Jenny Leafera. Ang tunay na Jenny Leafera," sabi niya.

Huh? Nasa harapan ko ngayon ang isang prinsesa naku po ito na yata ang katapusan ko.

" Ah Le- Leafera? Pa- patawad ho kamahalan dahil inagaw ko ang posisyon niyo. Patawarin niyo ho ako, Hi- Hindi ko talaga ito nais. Isa lamang itong aksidente patawarin niyo ho ako," nagmamakaawa kong sabi sa kaniya habang nakayuko.

" Ano ka ba Jenny, " sabi niya habang nakangiti at inangat ang aking ulo.

" Naiintindihan ko ang ginawa mo Jenny, at hindi kita parurusahan na gaya sa iniisip mo. Nandito ako upang humingi ng pahintulot sayo magsagawa ng isang kasunduan."

" Ma-maraming Salamat ho mahal na prinsesa, ka-kasunduan? Anong klaseng kasunduan?" tanong ko.

Kinakabahan ako sa kasunduang ito. Oo maganda siya, maamo ang mukha at mabait. Parang pinuri ko lang yung sarili ko at nakaharap sa salamin. Pero alam ko na mayroong nilalaman ang kasunduan na sinasabi niya na bumabagabag sa utak ko.

" Teka, bago ang lahat magpapakilala lang mu- " napigil ako sa pagsasalita nang inilapat niya ang kaniyang kamay sa akin.

Akala ko nga magpapalabas siya ng hangin yun pala pinapatigil niya lang ako.

" Kilala na kita, ikaw si Jenny Amara , labing pitong taong gulang. Isang simpleng babae pero hindi ganoon kasimple, may simpleng buhay at masayang pamilya. "

Pa- pa'no niya nalaman yun? Sinabi ko yun sa prologue ah este yun yung sinasabi ko lagi pag magpapakilala ako. Napahanga niya ako, sikat pala ako dito.

'Di man lang niya sinabi. Dapat sinabi niya narin yung buong talambuhay ko di'ba.

" Pa'no mo nalaman? " tanong ko.

" May nakapagsabi lang sakin, "

" Sino? " nagtataka kong sabi.

" Ba-basta, wala nang oras Jenny. Makinig ka nalang sa kasunduan. Meron ka nalang walong araw na nalalabi pananatili mo dito sa mundo ko. Habang wala ka sa inyo, ako muna ang papalit sa'yo. Maging maingat ka sa bawat galaw mo dito, tandaan mo, isang maling galaw. Magbabago ang lahat. "

" Te-teka-"

Biglang sumigaw si Kristine sa labas ng kwarto ko.

" Ate sinong kina-kausap mo diyan? Ate ayos ka lang ba? " sabi ni Kristine.

Kaya bumulong nalang si Jenny (Leafera) sa'kin.

" Tandaan mo ang aking bilin, aalis na ako."

At bigla siyang tumalon dun sa terrace. Kasabay naman ng pagpasok ni Kristine dito sa kwarto ko.

A Life that is Drawn [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon