Where am I? (Chapter 13)

144 5 2
                                    

Jenny's POV

Teka, sugatan ba talaga ito kanina? Kung maexcite  akala mo katatapos lang sumakay sa isang ride sa circus.

Pero maiba tayo. Paano ko nagawa 'yon? as in may lumabas na arc na hangin sa kamay then boom! parang nasa Avatar ako yung kay Aang.

Isa akong Air bender, kaso pangarap ko nung bata ako ay maging isang Water bender yung kokontrolin ko yung tubig mga ganun.

Pero astig nga naman talaga.

" Ang galing taga-Wind Parcel ka nga! dahil sila lang lahat ng mga parcels ang kayang maglabas ng ganoong power," saad sa akin ni Dlaine.

Hay buti nalang tama yung pagkakasabi ko, kung pumalya ako naku 'di ko na alam kung anong mangyayari sa'kin.

" UuuoyuOg " isang 'di maipaliwanag na tunog ang aming narinig.

" Ano yun?" Tanong ni Dlaine habang hinahanda na ang kanyang espada.

" Ah... Eh... Tiyan ko iyon" sabi ko.

Kanina pa kasi ako nagugutom eh, ang tagal ba naman nilang maglaban parang inabot yata iyon ng tatlong oras.

Inantok nalang ako sa paglalaban nila, pero hindi ko yun naramdaman habang napapalitan na sila ng atake sa isa't isa.

" Ah, sige kumain ka muna sa amin bago ka umuwi sa inyo. Ah- paumanhin mahal na Prinsesa, sa aking hindi kagalang-galang na pa- pananalita," pautal-utal niyang sabi sa akin habang iniyuyuko ang kanyang ulo sa akin.

Ano ba naman iyan, hindi naman kasi ako Prinsesa eh. Pano 'to?

" Ah- eh o- ayos lang, magasalita ka ng komportable kapag tayong dalawa lang ang naguusap."

Ano ba naman 'yan Jenny! Saan mo nakuha 'yang ganyang klase na pabor yaaahh! Sasabog na yung utak ko.

" Ah, sige" sabi niya naman sa'kin at ngumiti.

Mga kalahating oras ang inabot ng aming paglalakad sa kahabaan ng kagubatan.

Sa pagikot ng aking paningin sa paligid, wala itong pinagkaiba sa earth pero 'di ko naman masasabi na nasa ibang planeta ako.

Pero baka nga nasa earth parin ako kasi parehas lang eh. Yung mga puno, mga hayop na nakikita ko gaya ng squirrel, dear, mga kabayo, paru-paro at marami pang iba na makikita lang din sa earth.

Kung nasa earth parin ako, bakit ako may kapangyarihan? Ano 'to? Patay na ba ako?

Nakarating narin kami sa sinasabi ni Dlaine na Parcel.




Water Parcel Nation



Isa lamang itong simpleng siyudad pero malayo sa siyudad na maraming building, sasakyan.

Ito ay malayo sa sibilisasyon, ang mga bahay dito ay mga kubo lamang at mayroon din silang kastilyo na kulay asul na maliwanag sa mga mata.

Nakatayo na kami sa harang ng kanilang parcel.

Nakapagtataka na walang mga gwardya na nagbabantay dito at tanging isang pader lamang ito.

Itinapat na ni Dlaine ang kanyang palad sa tapat ng pader. Naglabas siya ng parang susi na tubig.

At tila binubuksan ng susi tila nakakandadong pader.

Unti-unting kumorteng pinto ang bahagi ng pader na nasa aming harapan at bumukas ito.

Ngunit hindi pa natatapos doon ang kamangha-manghang pangyayari na aking nasaksihan.

Pagpasok namin doon ay parang may tubig na pumoprotekta sa buong bayan.

A Life that is Drawn [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon