The Beginning (Chapter 9)

148 4 5
                                    

July 16, 2017
Sunday, 8:00 a.m

Jenny's POV

"Pa!"

Sigaw ko sa aking paggising nang may luha sa aking mga mata. Hindi ko maintindihan pero bakit hanggang ngayon, sinisisi ko parin yung sarili ko sa nangyaring iyon.

Hanggang ngayon, binabangungot parin ako at kinakain ng pagluluksa sa nangyari.

Bumukas yung pinto at pumasok si mama.

" Jenny, anong nangyari? Bakit narinig kitang sumigaw? " nagaalalang tanong sakin ni mama habang papunta sa kama ko at dahan-dahang umupo.

" Ma napanaginipan ko po u.. huhu ulit si... Papa huhu" at sa bawat pagsambit ko kay mama nun ay kasabay ang mga luhang tumutulo sa aking mata, luha na naging simbolo ng konsensya sa nangyari.

" Anak, hi- hindi mo kasalanan yung nangyari... Maliit ka pa noon tsaka hindi naman natin alam na... Na may ganoong aksidente."

Oo, yung napanaginipan ko, totoo yun.

Siyam na taon palang ako nun nung nagpupumilit akong bumili ng ice cream kay papa, dahil nga minsan lang kami nagkakasama sa isang taon.

Seaman yung papa ko kaya parang mabibilang mo lang sa daliri yung araw na nasa bahay siya, kaya sabik na sabik ako pag ibinabalita sa akin ni mama na uuwi na si papa.

Si kuya naman hindi ganoon ka-excited na umuwi si papa kasi sabi niya sakin na sanay na siya na si mama yung lagi niyang kasama at kabonding araw-araw.

Pero ako, naghahanap ako ng pagmamahal ng isang ama kasi parang may kulang sa puso ko pag hindi buo yung pamilya namin.

Kahit pa sabihin na sanayan lang, pero nandun parin yung pagkauhaw ng pagpoprotekta at pagaaruga sa iyo.

Dahil gusto nga ni papa na makabawi sa'min pinasyal niya kami ni mama.

Hindi na sumama si kuya nun kasi gusto niya daw na mag-stay sa bahay, kaya ako lang yung sinama.

Pero sa hindi inaasahan, yun na pala ang huli naming pagkikita.

Nabangga siya nun ng truck noong patawid na siya papunta sa'min, sa huling sandali ng kanyang buhay ay nakit ko siyang nakangiti papalapit sa akin ngunit ito ay nabura sa isang iglap.

Walong taon na ang nakararaan pero hanggang ngayon sinisisi ko parin yung sarili ko sa pagkamatay ni papa, sinisisi ko yung sarili ko na sana hindi nalang ako naging makulit nun para sana ngayon nakasasama ko pa siya.

Pero hindi ko na maibabalik ang nakaraan. Kung mayroon lang sanang paraan.

Nagiiyakan parin kami ni mama, at ako hindi ko mapigil ang pagtulo ng mga luha ko.

" Taha na anak, matagal na yun at ang nakaraan dapat iniiwan na lang doon at hindi na ibinabalik pa."

"Pe- pero ma..." Pautal-utal kong sambit.

"Wala nang pero pero..." Pinunasan niya ang mugto kong mga mata.

" Sige na kumain ka na doon at malamig na yung hinanda kong pagkain sa inyo ng kuya mo."

"Sige ma..." Tumayo ako at naunang lumabas sa kwarto. Naiwan si mama sa kwarto, pero bago ko pa isara ang pinto ay nasaksihan ko ang pagtulo ng luha sa mga mata ng aking ina.

Kahit ipinapakita niya sa akin na okay lang ang lahat. Alam kong sa loob niya ay nandun parin ang lungkot.

Pagkalabas ko ng kwarto, dumiretso na ako dun sa mesa namin sa sala. Nakita ko dun si kuya na kumakain kaya sinamahan ko narin siya.

A Life that is Drawn [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon