Mortal? (Chapter 20)

40 2 0
                                    

Dedicated to KymesRine


Jenny Leafera's POV

Ilang araw na simula noong unang pagdating ko rito sa mundo ni Amara. Noong una nahirapan ako sa mga bagong nakikita ko ngunit nasanay na din ako.

Gabi na pero hindi parin ako makatulog, iniisip ko yung guro namin sa doon sa isang aralin. Si Bb. Uy, nakita kong halos hindi makaimik yung mga kaklase ko sa tuwing nagtuturo siya.

Malimit lang siya magturo, laging nagpapasulat, at pagkatapos noon ay sinisigurado niyang detalyado't kompleto ang aming sulat. Kanina nga ang isa kong kamag-aral, nagbigay siya doon ng papel niya at nakita na hindi ito kumpleto kaya tinapon niya ito.

At isang pagkakamali ang nagawa ko.

" Ginang! "

" Yes, Ms. Amara?" sambit niya habang nakataas ang kanang kilay.

" Bakit niyo ho tinapon ang sulat niya? Pinaghirapan niya iyon?"

" At sino ka para magreklamo? Estudyante ka at ako ang guro."

Naririnig ko ang pasigaw bulong ng mga kaibigan ni Amara na pinapatigil na ako sa pagsasalita. Hindi na ako nakapagtitimpi, kapag nakakikita ako ng ganyang klase ng tao.

" Alam ko, ngunit tao rin ho ako, kami!"

" Huh! Kailan ka pa nawalan ng takot sa'kin Ms. Amara. Gusto mo yatang madumihan ang records mo dito sa paaralan, at matanggal sa section na'to," sambit niya habang pinandidilatan ako ng mata.

Hindi na ako makapagtimpi sa galit ko, wala ni sino man ang nagtataas ng kilay at boses sa'kin.

Binuksan ko ang kamay ko, at nag-ipon ng lakas. Huminga ng malalim upang makabwelo sa pagpapalabas ng kapangyarihan. Ngayon siya naman ang mapapahiya sa harap ng mga estudyante niya.

Pumikit ako at unti-unting idinilat ang mga mata ko na may galit na namumuo. Sa oras na ilalapat ko sa kaniya ang kapangyarihan ko sa kaniya, ito narin ang magiging huling hantungan niya.

Hindi sa wala akong takot sa mga guro, pero naghahanap parin ako ng respeto.

Bigla kong itinapat ang palad ko sa mukha niya, at inilabas ang kapangyarihang inipon ko kanina lang.

Pero, walang nangyari...

" At ano 'yan Ms. Amara? Balak mo pa akong saktan? Huh! Sa oras na gawin mo 'yon ay alam mo ang mangyayari sa'yo."

Tumunog na ang batingaw, hudyat na ng pagtapos ng klas. Nakatulala lang ako at hindi makapaniwala. Wala akong kapangyarihan sa mundong ito? Paano nangyari iyon? Hindi ko malalabanan ang sarili ko, isa na akong MORTAL?

" Ms. Amara, hindi pa tayo tapos. Dalhin mo ang magulang mo bukas, at gusto ko silang makausap."

Niligpit ko ang lagayan ko ng gamit ng walang kagana-gana. Hindi ko alam kung paano ako mabubuhay ng walang kapangyarihan.

Naglakad ako palabas ng pinto nang nakatulala at walang imik. Gusto ko nang bumalik sa mundo ko... Kahit... Wala na akong babalikan.

Nawala ang pagkatulala ko ng may umakbay saking lalaki, hindi ko siya kilala at hindi ko naaalalang isa siya sa kaibigan ni Jenny, pero pamilyar ang kanyang wangis.

" Jenny! Ayos ka lang ba?"

" Ah, Oo."

Hindi ko na makayanan ang pag-akbay niya sa'kin kaya kumalas ako. At dumistansya.

" Ah! Sorry, masyado na agad akong feeling close sa'yo. Oo nga pala, nagyayaya si Sung sa San Lazaro, libre niya daw."

Ayokong may umistorbo sa'kin, wala akong oras sa mga ganitong gawain. Mas mabuti nang manatili nalang ako sa tahanan ni Amara. Sasagutin ko nalang siya ng naaayon sa iniisip ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 22, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Life that is Drawn [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon