Feast (Chapter 15)

92 5 1
                                    

Third Person's POV

Habang nasa ibang mundo si Jenny, ang kaniyang kapatid na si Paulo ay dumating galing sa kanyang lakad.

" Ma! Nandito na po ako,"

" Oh nandyan ka na pala, kumain ka muna bago ka umakyat sa taas," ika ng kaniyang ina.

" Hindi po, busog na ako. Nilibre kasi ako ng mga katrabaho ko. Si Jenny, kumain na ba yun?"

" Hindi pa nga eh, nandun yun sa taas. Natutulog na siguro. Subukan mo ngang gisingin baka naguutom na yun nakatulog lang. Kanina pang hindi yun bumababa."

" Ah sige po, gisingin ko nalang."

" Sige," masayang tugon ng kaniyang ina.

" Teka , bakit ngayon ka lang?" tanong ng ina.

" Ah, eh. Sige ma gigisingin ko na si Jenny ah."

Dali dali namang umakyat si Paulo at dumiretso sa kuwarto ni Jenny. Nagtataka siya sapagkat walang ni isang ingay ang naririnig, ni paghilik nito na sanay na siyang naririnig kay Jenny.

Pagpihit ni ng door knob ay dahan-dahan niyang binuksan ang pinto.

" Jenny? " wika nito habang binubuksan ang pinto.

Una niyang tiningnan ang kama ngunit wala dito si Jenny at sunod niyang tinignan sa lamesa.

" Jenny?"






Jenny's POV

Bu-buhay si mama malakas ang kutob ko, may pag-asa pang magkaroon ako ng buong pamilya ngunit nasan si kuya?

" Nasaan ang kuya ko?"

" Kuya? " nagtatakang tanong ni Kristine.

" Jenny wala kang kapatid, ikaw lamang ang nagiisang anak na babae ng Pamilyang Leafera dito  sa Wind Parcel. Ngunit nagkaroon ka lang ng kapatid dahil sa'kin."

Akala ko'y mabubuo na ang pamilya ko dito pero hindi pala. Wala yung kuya ko, yung kuya kong lagi lagi akong inaasar pero mahal ko.

Nakita ko sa kaniya na parang hindi siya ganun kalapit kay papa nung bata pa kami, pero alam ko na nung nawala si papa ay sumakit din yung damdamin niya nun. Kaya na-miss ko tuloy si kuya bigla.

Hindi ko na alam kung gusto ko pang bumalik o hindi. Kung mananatili ako makakasama ko si papa ng matagal pero kulang parin ang laman ng puso ko dahil wala si kuya.

" Si-sigurado ka bang-"

Naputol yung sasabihin ko kay Kristine dahil pumasok yung isa sa mga taga-silbi.

" Mga prinsesa, hinihintay na po kayo ng mahal na hari at reyna para sa piging," sabi nito sabay yuko at alis.

Hindi ko tuloy natuloy yung tanong ko.

" Oh siya siya, halika na at hinihintay na nila tayo, " sabi sakin ni Kristine.

Tumango nalang rin ako. Hanga din ako dito kay Kristine at hindi nagmana dun sa nanay niya na masama ang tingin sa'kin.

Sumunod nalang ako kay Kristine papunta dun sa kainan. Habang naglalakad kami, napansin ko ang laki ng buong palasyo.

May mga malalaking poste at mahahabang hagdanan. Mga naglalakihang bintana. Iba yung dinaanan namin kanina kaya nakita ko yung ibang sulok ng palasyo.

Dumaan kami sa isang tila hardin na may fountain sa gitna. Dumaan kami sa gilid nito kung saan nagbibigay sa'min ng lilim mula sa araw.

Samut saring mga halaman ang aking nakita. Mga iba't ibang uri ng bulaklak at iba't ibang kulay din nito.

A Life that is Drawn [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon