You look Like II (Chapter 19)

48 3 0
                                    

Jenny's POV

*Habang kumakain nung kalahati nung tinapay*

May kamukha nanaman, gaya ni Daniel. Si Dlaine.

Ibig sabihin mayroong mga tao sa mundo ko na may kahawig rito.

Pwede akong humingi ng tulong sa kaniya pero paano? Hindi ko man alam yung pangal-

Teka...

Kinabukasan...

Ayun! Buti naalala ko yung suot niyang sapatos kahapon.

" Myra!" tawag ko.

Tumigil siya sa paglalakad.

" Myra!"

Umupo siya sa harapan ko.

" Bakit mo ako tinatawag?"

Sabi ko na, tama yung hula ko.

Noong gabi na inisip ko yung pangalan ni Daniel at Dlaine. Pinag balilbaliktad lang yung mga letters.

Kaya ginawa ko yun sa pangalan ni Mary, at ang posible lang na nakikita kong pangalan niya ay Myra. At buti tumama yung hula ko.

" Uy, bakit mo ako tinawag?"

Hindi ko namalayang nagsasalita na pala siya.

" A- ah, gusto ko sanang humingi ng tulong."

" Tulong? Anong klaseng tulong? Hindi ba't bilanggo ka? Baka ibang tulong na ang hinihingi mo."

" Manghihingi lang ako ng tulong sa pagkain, kahapon kasi yung kalahati lang ng tinapay ang nakain ko."

" Hindi ka ba pinapakain ng tama riyan?"

" Hindi eh,"

" Uhmm,"

Parang nagdadalawang isip pa yata ito.

" Sige pag nakalaya ako, ipaghahanda kita ng isang mahabang mesa na punong puno ng pagkain."

" Ahh," nagdadalawang isip parin siya.

" Dalawang mesa."

" Hmmm,"

" Apat na mahahabang mesa at isang bilog na mesa."

" Ano sa tingin mo makukuha mo ako sa pagkain?"

" Ano payag ka ba?"

" Sige,"

Sabi ko na eh, makukuha ko rin ito sa pagkain.

" Pero,"

Naku, may kondisyon pa yata.

" Paano ka makasisigurong magagawa mo iyon?"

Teka, nahuli 'ata ako doon. Paano nga ba,

" Tingnan mo wala kang maisip, makaalis na nga."

Alam ko na.

" Kung hindi ko matutupad ang pinangako ko, magtatrabaho ako sa'yo ng habang buhay,"

Napatigil siya sa paglalakad at tumingin sa'kin.

" Anong akala mo sakin mayaman? Isa lang akong simpleng babae na may simpleng buhay."

Teka parang pamilyar yun ah.

" At kahit magtrabaho ka sa'kin wala akong maipapa-sweldo sa iyo."

" At tsaka bakit ba ako nakikinig sa'yo, isa kang bilanggo, paniguradong hindi ka nagsasabi ng totoo," dagdag pa niya at umalis.

" Teka lang! Teka bumalik ka!"

A Life that is Drawn [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon