I Found Something! (Chapter 10)

137 4 5
                                    

Daniel's POV

Hala nawawala yung sketch pad ko. Sayang naman yung mga drawing ko dun.

Pero pumasok sa isip ko na okay lang na nawala yun kasi sarli ko namang sketchpad yun at hindi kay lola. Kung kay lola yun naku, lagot ako.

Hindi ko inalala yun at dumiretso dun sa kitaan namin nila Jenny.

Nakita ko na dun si Hanzel na naka dilaw na jacket at  nagsiCellphone.

"oh! Andyan ka na pala eh." sabi sakin ni Hanzel.

" ah oo eheh. Nasaan na yung iba? "

" Si Jessi papunta na daw, si Mary bumili lang ng pagkain tapos si Jenny nasa food court lang daw nilibre siya ng kuya niya, eh hindi siya makatanggi kaya ayun."

" ah sige."

Napaisip ako dun ah, nasa Food Court siya pero hindi man lang kami nagkita? Well, hindi narin nakapagtataka. Sa sobrang dami ba namang tao.

Naghintay nalang kami dun at nagusap ng iilang bagay.

" Pa'no pala kayo naging magkakaibigan?" tanong ko.

" Ahh sa school lang kami nagkakilala nung elementary. Ako nga hindi ko rin alam kung bakit ko sila naging kaibigan eh hahah kasi Loner ako nun. Mas gusto kong mag-isa kaysa may kasama. Hanggang sa niyaya ako nila Jenny na maglaro. Alalang alala ko pa yung laro namin dun 'Luksong Tinik' aha lagi pa nga akong talo eh. Ikaw? Pano naman kayo nagkakilala nung kaibigan mo si Ji- ano ba yun?"

"Jisung."

"Oo ayun, Pano kayo nagkakilala?" tanong niya sakin.

" Kami naman parang sa inyo lang din nagsimula sa laro laro ganun. Dun naman yun sa Korea. Naging magkaklase kami tapos nakipaglaro siya sakin eh parang hindi pa yata siya sanay magkorean nun kaya nakapag-tagalog siya sakin, nagulat nga ako eh kasi nagtagalog siya tapos koreano. Kaya ayun naging magkaclose kami since."

"Ahhh"

Biglang dumating si Mary na may dala-dala ring Avocado flavor na Ice cream na isang pint.

"Oh andito ka na pala ano... Ahh. Anong pangalan mo? " nagtatakang tanong niya sa akin habang sumosubo ng ice cream.

" Daniel" at nakipagkamay ako sa kanya.

" Ah ako si Mary, buti free ka ngayon. Minsan lang rin kasi kami mamasyal sa sobrang busy."

Hindi narin ako magtataka kung bakit niya sinasabing minsan lang sila mamasyal. Kasi lagi namang tambak sa section 1 ever since. Buti nga medyo magaan pa yung pinapagawa sa amin ngayon eh pero hindi ko na maimagine sa susunod na mga grading.

Jenny's POV

Haay ang tagal naman ni kuya bumili ng pagkain. Late na ako sa kitaan namin oh.

Ilang minuto pa ang lumipas nang biglang dumating si kuya at may dala-dalang dalawang cup na malaki na may lamang kit kat na ice cream. At parang may pera ata si kuya ngayon ah kasi Dairy Queen pa yung binili niya talaga ahah.

May napansin ako sa kanya nung papalapit siya sa akin.

" Oh kuya pati ba naman damit mo, nag-share ka pa ng ice cream?" biro ko.

Pero ang napansin ko din iba yung kulay nung nasa damit niya sa hawak hawak niyang ice cream.

At ang huli sa mga napansin ko na kapansin-pansin sa lahat may hawak siyang parang... Sketchpad?... Tama ba?

"Ahysh, nalagyan pala ako ng ice cream nung nakabangga ko kanina tsk" inis niyang sabi sakin.

"Haay naku kuya, teka ano pala yang hawak mo na kulay brown?"

A Life that is Drawn [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon