Drawing✍ (Chapter 2)

320 19 59
                                    


" Alam mo anak kapag nagdrawing ka ng isang bagay na gustong gusto mo, maaabot mo iyon. Kapag ibinuhos mo doon ang buong puso at isipan mo."

Tinanim ko yun sa isipan ko hanggang sa pagtanda ko, na lahat ng gusto kong mangyari sa totoong buhay ay iguguhit ko ng buong puso.

Pero bakit ganun? sa tagal ng panahon ng pagpupursigi ko na maabot yung hinahangad ko sa buhay, bakit hindi ko man lang ito matupad. Hindi ko mawari, sa tagal ng panahon hindi ko mawari bakit... Wala...



Daniel's POV

Naku anong oras na first day na first day ko mahuhuli pa ako sa klase

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Naku anong oras na first day na first day ko mahuhuli pa ako sa klase. Kasi naman wala bang elevator dito? 4th floor ba naman aakyatin ko tas tatlong ikot pa yung hagdanan.

Public ba talaga 'to?By the way, sanay naman akong magexercise kaya sige lang.

Ilang minuto pa ang lumipas, tumatagaktak na yung pawis ko sa sobrang pagod.

Sa wakas, nakahinga narin ako nang nakarating narin ako napabuntong hininga nalang ako sa pagod, buti nalang kapapasok palang ng mga kaklase ko.

Magpupunas muna ako ng pawis nakakahiya naman humarap ako ng ganito sa kanila.

Pagkatapos kong magpahinga ng sampung segundo, huminga ako ng maluwag at nag-abang nalang ako dito sa labas.

" Please come in," sabi ni ma'am Maybuena.

Nakilala ko si ma'am Maybuena kasi siya yung nagpa-test sa aming mga late enrollees, buti nga nakapasa ako dun.

Napasama pa kami ng best friend ko dun sa sampung kinuha, kaso magkaiba kami ng section.

Ito na yun nakapasok na ako sa Orion University. Kaya ko 'to. Pumasok ako at tumayo sa gitna.

" Okay, so as usual and as a tradition of every school, I allow you to introduce yourself."

Hindi ko alam pero kinakabahan parin ako hanggang ngayon sa introduce yourself na yan, kahit purgang purga na ako since elementary.

Hindi ko man lang nadevelope yung speaking skills ko mula elementary hanggang Grade 10 ako.

Mas tumutok ako sa written,  kaya hanggang ngayon nahihiya parin ako sa mga kaklase ko.

" He-Hello everyone, I'm Ong Daniel. I'm a Half Filipino and Korean. I'm 18 years old and I really love drawing."

Walang natulong yung paginhale at exhale ko sa kabo ko.

Pero atlis medyo nabawas bawasan, kaso dahil na rin sa kaba ko 'di ko narin nacheck kung tama yung grammar ko, sana di nila napansin kung mali man.

Habang nagsasalita ako hindi ko maiwasang tignan yung isang babae na nasa harapan ko, kasi nung pagkasabi ko ng drawing biglang parang kuminang yung mga mata niya at nagulat.

A Life that is Drawn [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon