2nd Day (Chapter 18)

59 3 0
                                    


Jenny Amara's POV

Narinig ko ang pag tilaok ng manok sa kalagitnaan ng pagtulog ko.

" Ano ba naman, inaantok pa ako, "

Biglang may kumatok sa pinto.

" Mahal na Prinsesa, kailangan niyo na pong maghanda. Nais ng inyong ama na sabay kayong kumain," sabi nung babaeng kumakatok.

Medyo naalimpungatan na ako nung nagsalita yung babae.

Pinilit ko nalang yung sarili kong tumayo kahit antok na antok na ako. Naghikab pa ako.

Dumiretso ako dun sa lamesa dun sa kwarto ko na may salamin. Nanalamin ako, at nagulat ako sa nakita ko.

" Luh ang pangit ko, mukha akong sinabunutan sa itsura ko."

Nagsuklay na ako, nakita ko ang sinag ng araw sa bintana doon sa repleksiyon ko sa salamin.

Naalala ko yung nasa panaginip ko, yung mala-bugtong na sinabi nung bilog na liwanag sa panaginip ko.

' Ang oras ay pantay, ang araw ay buhay, limitado ang kulay.'

Ano kayang ibig sabihin nun? Hindi talaga ako magaling sa mga ganito kaya wala akong maisip na sagot. Nagbihis na ako ng dress, lagi naman eh. Naiirita na nga ako sa mga dress dito, nami-miss ko nang mag short at mag t-shirt.

Lumabas na ako, may nag-aantay na babaeng taga-silbi. Siguro siya yung kumatok kanina. Naka-ngiti siya sa harap ko.

" Sumunod po kayo sa akin mahal na prinsesa, napagdesisyonan ng mahal na hari na sa hardin kayo mag-almusal."

" Sige, maraming salamat."

Sumunod na ako sa kaniya papunta dun sa sinasabi niyang hardin. Mga inaboy pa kami ng limang minuto sa paglalakad bago namin marating yung lugar na 'yon.

Pagdating ko dun, namangha ako. Napakaraming bulaklak tapos may mga naka-arkong rosas sa daraanan ko papunta dun sa paikot na lamesa, kung saan naka-upo sila dun.

Habang naglalakad ako papunta sa kinauupuan nila, nakita ko si Papa na nakangiti sa akin gayundin ako. Hanggang ngayon naiiyak parin ako habang nakikita ko yung ngiti niya pabalik sa'kin.

Pagdating ko doon, binati ako ni papa.

" Kumain ka na aking prinsesa."

" Si- sige po."

Habang kumakain ako ng pagkain, oo nga pala yung pagkain na hinain sa'min ay parang salad ganun, kasi dahon dahon tapos may kamatis. Masarap naman siya, lasang dahon.

So ayun na nga, habang kumakain kami, nasa tapat ko yung step mother ko at napaka-arteng kumakain nung pagkain.

Yung tipong tinutusok niya yung salad tapos yung hawak sa tinidor ay nakataas yung hinliliit niya.

Biglang may narinig kaming pagsabog kung saan. Nataranta si Papa.

" Mga kawal!"

Pero walang dumadating. Kinakabahan na kaming lahat. Naririnig mula sa kinaroroonan namin ang pagsigaw ng mga tao.

Hindi man lang kami makatulong sa kanila, nag-panic narin yung step mother ko. At si Kristine na halos lumuwa na yung mga mata niya sa sobrang takot.

Napanatag si papa nang may narinig siyang naglalakad papunta sa'min pero may halong pagkabahala.

Mabagal siyang naglalakad papunta sa amin, at hindi tunog ng metal na sapatos ang naririnig kundi ordinaryo lamang.

Hindi siya kawal... Ngunit sino kaya ang taong ito.

A Life that is Drawn [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon