Profile (Chapter 5)

216 10 14
                                    

July 15, 2017
Saturday, 7 p.m

Jenny 's POV

Nandito ako ngayon sa kama, katatapos ko lang gawin yung lahat ng assignments ko, syempre need ng rest time nagcheck ako ng facebook ko sa cellphone.

At guess what, 0 notifications, 0 messages and lastly 0 friend request. Akala ko pa naman nagmessage yung mga bespren ko.

Si Hanzel, tulog na yun panigurado.

Si Jessi, ayun pwede pang online kaso ano namang paguusapan namin? Paprangkahin lang ako nun at si Mary naman nagbi-beauty sleep na rin yun.

May bigla akong naalala... si Daniel. Masearch nga facebook account nun.

" O. N. G space Da. Ni. El, " sabi ko habang tina-type.

Ayun! May nakita ako, kaso hindi siya ito .

Wait, Naalala ko nga pala. Kung nasa Korea ka at doon ka last year? Syempre iba yung sulat nila. Kaya ayun nagsearch pa ako ng alphabet nila at sobrang nakakabobo pag-beginner ka.

옹 다녤

ayan nagawa ko na, yan yung pangalan niya sa ha- ano ulit... yung... hangul? Oo yun yata. Dahil fast learner naman ako, kinopy paste ko nalang ito dun sa search at sa wakas nagpakita narin.

Ayan yung Profile Picture niya nung pagkabukas ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ayan yung Profile Picture niya nung pagkabukas ko. Artistahin pala, tapos gulantang din ako sa cover pero di na ako nagtaka.

Kasama niya lang naman yung bestfriend niya sa cover niya, 'di na nakapagtataka

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kasama niya lang naman yung bestfriend niya sa cover niya, 'di na nakapagtataka. Napalapit narin yung loob niya sa bestfriend niya, araw-araw niya ba naman kasama.

Syempre kung na-i-stalk ko na, add friend na, aacept kaya ako nun? Well, think positive.

Tinry kong magscroll down. At hindi ko nagustuhan ang sunod kong nakita. Pero wala naman akong pakialam kung inadd niya o inadd siya, but definitely may gusto 'to kay Daniel.

Yup, si Jyabami, Lucky guess.

Naalala ko tuloy yung kanina sa classroom, iba tingin niya kay Daniel. May pahagod pa ng buhok malapit sa tenga.

Hayaan nalang, demokratiko naman ang bansang Pilipinas na aking minamahal.

Back to Ong's account, ang mamaw niya sa pagdrawing.

Sketch talaga siya. Gusto ko nito, tapos ito pang isa tsaka ito. Ganun ako ka-obsesse sa mga drawings. Marunong din akong tumingin kung ano ang emotion niya habang nagdidrawing siya.

Pero, halos lahat naman matingkad yung kulay eh means graceful yung mood niya all the time.



Daniel's POV

"Bakit late ka na naman?" sabi ng mama ko.

"nagover time ak-" sabi naman ni papa ngunit sinabat siya ni mama.

"may babae ka 'no? Sabihin mo, naoobserbahan ko alam mo ba ..." sermon ni mama, pahina ng pahina yung mga boses nila, dahil tinakpan ko ng earphone ang tenga ko at nilakasan ang  volume nung tugtog.

Hindi ko na pinansin kung ano yung tugtog. Kung gusto ko ba o hindi, basta may marinig naman akong iba bukod sa away nila kada-gabi.

Tinutuon ko yung sarili ko sa pagdu-drawing, hanggang sa naging passion ko na at sandigan ko sa buhay.

Marahil nagtataka kayo ba't nandito ako sa bahay ng pamilya ko.

Umuwi lang ako, namimiss ko rin naman sila kahit nagaaway sila.

Nagiisa lang nila akong anak, pero meron daw akong kapatid sa labas na laging suspetya ng nanay ko.

"Malaman ko lang talaga na totoo yung mga tsismis na kumakalat tungkol sa anak mo sa labas at sa kabit mo. Ingungudngod kita sa inidoro, tandaan mo yan." sabi ng mama ko.

"ano ba hon! Rinding-rindi na ako sa pagsususpetya mo sakin!" sabi naman ni papa.

See! Yan ang lagi nilang pinagaawayan. Kahit may earphone na ako naririnig ko parin yung pagaaway nila. Hindi narin ako makapagconcentrate.

Kaya napagdesisyunan ko nalang bumalik sa dorm...

Pagkalabas ko ng pinto ng kwarto ko as expected nagaaway sila.

"Ma! Pa!" sigaw ko.

"oh! Bakit anak!" sambit naman nila sa akin.

"Balik na po ako sa dorm ko. Ahh eh nagtext si Jisung. Natatakot daw s-siya *kahit hindi* tsaka magpapaturo siya sa isang assignment *kahit wala*," paalam ko, para ma-convince si mama na paalisin ako.

" A-ah sige pero ang bilis mo namang mag-stay dito sa bahay. Hindi mo man lang pinaabot ng bukas," sabi sakin ni mama.

" Oh eto nak, allowance mo yan whole month. Tipid-tipirin mo para may mabili ka pang mga kaylangan sa school."

"Opo" sabi ko.

Noong palabas na ako sa pintuan.

"Ma! Pa! Alis na po ako."

"Sige nak," sabay nilang sabi.

"Hindi pa tayo tapos... " biglang dakdak ni mama noong isinara ko na yung pinto.

Napagdesisyunan kong mag-bus dahil sobrang init sa Pinas. Hindi ako ganun ka sanay.

Pumara na ako ng bus. Kulay puti ito na may asul na linyA sa gitna ng bawat gilid, medyo magaling na akong magtagalog tinuruan kasi nila ako ni mama mula... pagkabata kaya medyo sisiw na sa'kin yung pagtatagalog.

" Oh may isa pa dun sa bandang gitna oh" sabi sakin nung konduktor.

Umakyat na ako sa bus, buti hindi siksikan ngayon ramdam ko pa yung aircon at yung palabas na kita-kita sa tv sa bandang taas ng driver.

" Two less lonely people in the world and it's gonna be fine 🎶" tumugtog na yung theme song nung movie.

Yung iba nakisibay at yung iba nag-humming nung tono nung kanta, Pilipino nga naman.

Umupo na ako dun sa bakante. Maya-maya nilapitan na ako nung konduktor. May mga nakatuping perang papel sa kamay niya sa kaliwa at mga ticket naman sa kanan habang nakakapit sa hawakan, para hindi siya matumba habang umaandar yung bus.

" Saan kayo boss?" sabi niya.

" Sm megamall po,"

Nagtaka kayo bakit dadaan ako sa SM? bibili lang ako ng grocery para may supply kami sa dorm.

" Sige hoh 15 pesos boss."

Buti may barya ako saktong 15 yung ibinigay ko kay kuya.

Binigay niya na sakin yung ticket. Kinuha ko yung cellphone ko para mag-facebook, at para hindi ako mahilo.

Binuksan ko na yung account ko. Buti may data ako. Ang bagal magloading tinatamad na tuloy ako.

Salamat after 1000 years, nagopen din. Nabigla ako may nag-add sakin. Syempre hinala ko hindi ko 'to kaklase kasi naka hangul yung pangalan ko.

Nabigla na nga lang ako nung i-add ako ni jyabami siguro nag-aral yun ng korean. In-open ko yung nag-add.

"Sino ito?"

Author's Note:
(Hangul - writing sa south korea)
Happy reading! :)

A Life that is Drawn [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon