Father? (Chapter 14)

101 5 0
                                    

Author's Note:

Sa chapter pong ito, naglalaman ng mga alaala ni Jenny sa tatay niya, BINABALAAN KO NA PO KAYO NA MADRAMA ANG PART NA ITO😂 , Happy Reading 😊








Walong taon na ang nakararaan...

Nakita kong nakaburol ang aking ama. Tumambad sa'kin ang mukha niyang namumutla, walang buhay at walang emosyon.

Nakasuot ng barong at nakahiga habang nakadiretso ang kanyang kamay sa magkabilang gilid. 

Nakapikit ang mga mata niya at sinasabi ko noon na...

" Pa! Gumising ka na d'yan pa! Di ba babawi ka pa sa akin, kakain pa tayo sa labas tapos huhuh tapos bibilhan mo pa ako ng huhuhu laruan pa! Gumisng ka na d'yan! " Sabi ko habang tumutulo ng walang tigil ang luha sa aking mga mata.

Sa mura kong edad, pakiramdam ko sa sarili ko na kasalanan ko kung bakit siya nakahimlay, sa isang kahon na parihaba at may kulay puting pinta.

Nakapalibot ang mga bulaklak at kandila.

May sisiw sa salamin ng kahon at pangalan namin sa takip ng kahon.

Sinubukan kong kausapin si mama ngunit hindi ko nagawa dahil nasaksihan ko ang kanyang paghikbi at pagluluksa sa aking ama.

Na sa kabilang upuan naman ay nakaupo si kuya na tulala at hindi man lamang umiimik sa buong araw ng lamay.

At mas lalong nagpasakit ng aking damdamin ang litratong nakapatong dito na nakikita kong masaya ka noon at punong puno ng mga ngiti sa labi pero huli na ang lahat.

Hindi ko na muling makikita ang mga iyon dahil...

Wala ka na.

Pa?

Nakita kong lumingon siya sa akin na gulat na gulat.

Diretso akong pumunta sa kanya at niyakap ng napakahigpit. Hindi ako makapaniwala na darating pa pala ang araw na ito na magkikita kami ni papa.

Sobrang tagal kong nangulila sa kaniya, lumaki ako na nabuhay sa pambubully ng aking mga kaklase dahil sa wala akong tatay. Walong taon na wala akong tagapagligtas at tinatawag na Papa.

Ramdam ko ang init ng kanyang bisig na nagparamdam sa akin ng naguumapaw na kasiyahan. Kasiyahan na halos hindi na ako makahinga. Niyakap ko siya ng napakahigpit at naramdaman ko rin ang pagyakap niya sa akin ng pabalik. At paglapat ng kanyang kamay sa aking ulo na nagpaluha sa akin.

Patuloy na umaagos sa aking mga mata ang mga luhang natuyo sa tagal ng patuloy kong pananaginip sa kanya at pagsisi ng aking sarili sa kanyang pagkawala.

" Oh! Aking munting prinsesa. Ako ay labis na nagalala sa'yo. Saan ka ba nagsususuuot? Akala ko ay may dumukot sa iyo haay." munting prinsesa, tawag niya sa akin yun nung bata pa ako at huli kong narinig sa araw... ng kaniyang pagkamatay.

Pero hindi na ngayon. Kasama ko na siya at yakap yakap ko siya ng mahigpit na halos ayoko nang bumitaw.

" Ang tagal kong hinintay ang pagkakataong ito, " sabi ko, kasabay ng pagtulo ng luha sa aking mga mata muli. Hindi ko mapigil ang aking pag-iyak.

Hinawakan ni Papa yung pisngi ko at pinunsan ang aking luha. At kasabay nito ang pagngiti niya sa akin. Ngiti na kasing liwanag ng araw.

" Haay, wag kanang umiyak aking munting Prinsesa. Nandito na si Papa, hindi ka na muling mangangamba,"

Kumurot ang katagang iyon sa aking puso. Naalala ko yung pangungulila ko sa kaniya nung bata pa ako, pero ngayon napunan na niya.

Naisipan ko itanong kung nasaan si mama.

A Life that is Drawn [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon