Switched (Chapter 11)

128 4 7
                                    

Daniel's POV

Ibig sabihin nawala ko yung sketchpad ni lola?

Hala? Katapusan ko na 'to. Bilin pa naman sa'kin ni lola na itago ko yun pero nawala ko.

Pero pano?

Pano na-

Sa Food court! Hala! Napaupo nalang ako sa sahig at napakamot sa ulo ko.

Dahil nakapagtataka na nawala yun ng hindi ko namamalayan at malaki-laki rin yun para mahulog basta-basta.

Pero pumasok din sa isip ko na. Walang imposibleng mawala, sa siksikan na daanan.

Napabuntong hininga nalang ako at nagdasal na sana lang talaga hindi pumunta dito si lola o kaya naman sa bahay, dahil katakot-takot na palo ang matatanggap ko dun with matching hampas at sermon pa haay.

Ganun na ba ako ka careless? Tsk!

Alam kong wala pa akong naidudrawing dun ngayong matanda ako.

Pero dun sa huling drawing ko nung elementary ako, dun sa napilas na pahina nun may nangyari pa namang kakaiba.

Nagdrawing kasi ako dun.

Actually ang pangit pa nga ng drawing ko dun eh pero ako yun tapos naka-chef costume dahil yun yung pangarap ko since.

Tapos mga 9 minutes ata yung lumipas ay biglang lumiwanag yung drawing ko, napa-wow pa nga ako nun dahil syempre bata at nawala yung papel na pinagdrawingan ko.

Kaya wala tuloy akong naipasa sa teacher ko nun.

Pero alam ko sa sarili ko na pumilas ako dun at tandang tanda ko pa yung drawing ko na kamukha ni finn sa adventure time na tuldok ang mata, mahahaba ang kamay at paa, bilog ang mukha, may chef hat at may hawak hawak na kawali sa kanang kamay niya.

Pagkatapos mga ilang minuto rin ang lumipas, may dumating na isang lalaki sa room namin.

Nag-aalok siya ng workshop para sa amin sa isang restaurant, nakalimutan ko na yung pangalan ng resto pero medyo mamahalin.

Sinabi ko yun kay mama at sa kabutihang palad pumayag si mama.

Tuwang-tuwa ako nun, parang halos abot langit yung ngiti ko dahil sa sobrang saya. Pero kahit ganoon, bumalik parin sa isip ko yung nawalang papel. Kahit namangha ako nun, parang pakiramdam ko na hindi ko na dapat ulitin yun.

Bukod sa takot, parang may tumutulak sa'kin na huwag kong gagawin ulit iyon.

Kaya magpahanggang ngayon blanko parin yung sketchpad, pero paano ito? Nawala ko yung sketchpad.

Hindi ko alam kung anong magiging reaksiyon ni lola dun.

Istrikto si lola pagdating sa ibang bagay. Alam ko na mabait siya sa'kin pag may gusto akong hingiin sa kanya. Grabe talaga magbigay iyon si lola.

Pero sa palagay ko hindi aamo ang mukha ni lola sa ginawa ko. Huwag lang talagang dumalaw si lola.

Biglang dumating si Sung. At pumasok sa kwarto ko, nakita niya yung mukha kong parang nalugi.

" Oh! Anong nangyari sa iyo?"

" Kasi a-"

Hindi ko na naituloy yung sinabi ko nung bigla niya akong inawat.

" Teka lang, may surpresa ako sa iyo..."

Hindi ko alam kung ano yun, syempre surpresa nga pero... Kinakabahan ako ng hindi ko alam. Sa tingin ko hindi ito magandang balita para sa'kin at sisira sa mundo ko...

A Life that is Drawn [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon