Leafera ( Chapter 17)

106 5 0
                                    

Sa mundo ng mga tao...



Jenny Leafera's POV

Ito na ba ang sinasabing mundo ni Jenny Amara? Malayong malayo sa aking pinagmulan. At ano itong suot ko? Napakaikli.

" Huy Jenny, anong sino ka? Nanaginip ka 'ata eh."

Sino itong lalaki na nasa aking harapan. Talaga namang hindi ko siya kilala, pero magkukunwari na lamang ako. Dahil yun naman talaga ang rason kung bakit ako dapat nandito.

" A-ano iyon?" wika ko.

" Kumain ka na sa ibaba, naghanda ng makakain si mama dun," wika ng lalaki.

" Sige."

Tumayo na ako mula sa aking kinauupuan, naninibago talaga ako sa aking kasuot. Damit na nakikita ko lamang sa kalalakihan roon, at pangibaba na malayong malayo sa paldang aking nakasanayan roon mula pa noong ako'y musmos.

Nauna nang lumabas ang lalaki, at sumunod ako sa kaniya. Binuksan ko ang pintuan gamit ang aking kapangyarihan, dumistansya muna ako ng kaunti at itinutok ang aking palad ngunit...

Bakit wala paring nangyayari? Dapat ay bukas na ito. Inulit ko ang aking ginawa at itinuon ang aking sarili.

" Wala parin."

Wala akong kapangyarihan sa mundong ito? Ano ang aking gagawin, hindi ako marunong bumukas ng pinto ng wala ang aking kapangyarihan.

Naalala ko ang ginawa ng lalaki kanina, tila hinawakan niya bilog na nasa gilid nakapwesto at pinihit ito ng paikot.

Sinubukan ko ito at walang paano anoy bumukas ang pinto.

Pagbukas ko ay nakita ko ang isang pares ng hindi ko mawaring bagay, kakaiba ang disenyo nito at hugis na hindi ko mawari, at kulay rosas, at may tila dalawang tila tali sa bawat isa.

Hindi ko na ito pinansin at dumiretso na paibaba sa hagdanan. Nakita ko ang isang babae na kamukhang kamukha ang aking ina. Sinalubong niya ako ng ngiti.

" Oh Jenny anak, kain na," wika niya habang patuloy na naglalagay ng pagkain sa mesa.

Tutungo na sana ako sa kinaroroonan niya subalit bigla siyang nagsalita.

" Teka, bakit nakapaa ka lang? Mag-tsinelas ka nga, malalamigan ka niyan eh."

"Tsi- tsinelas?"

" Oo, nasa labas ng kwarto mo 'yon ah,"

Tsinelas pala ang tawag sa bagay na iyon subalit para saan kaya iyon?

" Mag-tsinelas ka muna bago ka kumain, nakapagtataka bakit nakalimutan mo eh ayaw mong nadudumihan yung paa mo ah?"

Paano ito, sana'y di niya mapaman na nagpalit kami ng upkaniyang tunay na anak.

" Nakaligtaan ko lamang, babalikan kong muli sa itaas."

" O-oh sige, sabihan mo yung kuya mo ah baka nagugutom din, kumain lang siya dito."

" Oo, iyan ay aking gagawin."

At dumiretso na ako paitaas, nakita ko ang sinasabi niyang tsinelas.

" Paano kaya ito isuot?... Ah alam ko na."

Isinuot ko ito sa aking mga kamay at sukat na sukat.

May naalala pa akong sinabi niya, may sasabihan ako sa aking kuya. Oh? Mayroon akong nakatatandang kapatid na lalaki? Nakapapanibago, nasanay akong ako ang panganay.

Nadaanan ko ang isang kwarto kung saan nakabukas ito ng bahagya. Binuksan ko ito at nakita ko ang lalaking nagsabi sa akin kanina ngunit kagagaling niya pa lamang sa banyo. Nakita ko ang kaniyang makisig na katawan, mapulang labi at mapupungay na mga mata, nakita ko rin ang basa niyang buhok na kaniyang hinawi patalikod na nagpadagdag ng kaniyang kakisigan. Sandali ano bang nangyayari sa akin? May kailangan pa akong gawin.

A Life that is Drawn [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon