Message (Chapter 8)

194 6 9
                                    

Daniel's POV

You received a message from Jyabami Velasco

Nagulat ako nung pagkatingin ko sa phone ko. Nagmessage ba naman sakin si Jyabami, ba't kaya ako minessage nito? Di naman kami close eheh sabagay di lang naman mga kaclose mo lang yung minemessage.

Nung pipindutin ko na sana yung message ni Jyabami biglang may nagmessage ulit sakin.

You received a message from Cute ko powxsz XD

Huh? Eheh sabay pa talaga sila? Wait first come, first serve policy ako kaya ioopen ko mu a yung kay Jyabami baka importante 'to.

" Are you free tomorrow? "

Nagulat nanaman ako, ano kaya sadya nito ba't ako niyayaya. Hindi ko muna pinansin inopen ko naman yung message ni Jenny.

" Pwede ka ba Bukas? "

Napatakip nalang ako sa bibig ko dahil parehas sila ng sinabi, iniba pa nila yung lenggwahe pero ganun parin naman yung meaning ahah,

Pumasok si Jisung sa kwarto niya kaya napansin niya tuloy ako at sabay nilapitan.

"Oh daeng daeng bat ganyan yung mukha mo, para kang may nakitang multo sa cellphone mo. Patingin nga! " Sabi niya.

" Eh ayoko nga," sabay hawi ng kamay niya.

" Ahy may niligawan ka noh? Tapos umOo ayieee," asar niya sakin.

Nagiba yung mukha ko, yung mukha na naasar. Yung mata ko pinagmukha kong galit na nakatirik sa itaas tapos tumingin sa kanya tapos yung ilong ko pinalaki ko tapos naka-pout, ganun ako magpakita ng galit ahah.

"Oo na alam ko na yang mukha mo, mali yung suspetya ko hm!" Sabay talikod sa akin at labas ng pinto.

Alam niya na kasi yung ibig sabihin ng mga pinagmi-make face ko sa kanya sa tuwing may sinasabi siya.

Balik tayo, naku ano kayang sasabihin ko sa dalawang ito. Binuksan ko yung message ni Jyabami at nag-isip ng sasabihin.

Tumingin pa ako sa itaas na parang nadun yung sagot hanggang sa may naisip na akong paraan sa kanilang dalawa nang walang masasaktan sa kanila.

"Sige, what time? " sabi ko sa kanilang dalawa.

" 1pm " parehas pa nilang nireply.

Magkasama ba itong dalawang 'to at magkaparehas yung sinasabi nilang dalawa? Hindi ko na alam ang gagawin ko at napapakamot nalang ako sa ulo. Napapatingin nanaman ako sa itaas at ang tanging nakikita ko lang ay ang kisame with matching butiki ahah.

Hanggang sa may naisip nanaman akong paraan, omo ang talino ko talaga ahah joke.

" Uhm sige" sagot ko kay Jyabami.

" Pwede bang 3 o'clock nalang? " Sagot ko naman kay Jenny.

" Okay, sa Mc Donald tayo malapit sa school, " sabi ni Jyabami.

" Sige, sa Jollibee tayo malapit sa Divisoria," sabi naman ni Jenny.

Parehas na nga silang pumayag magkaiba nga lang sila ng venue at ang mas malala, ang layo ng distansya. Ano yun galing dun sa sinabi ni Jyabami magcocommute ako ng tatlong jeep papuntang Divisoria? Grabe naman yun.

Kaya ang naisip ko nalang...

" Ahh pwede bang sa Mega Mall nalang tayo? " Sabi ko sa kanilang dalawa para maglalakad nalang ako pag natapos ako sa isa ahah.

At nga pala ba't pala nagsabi ako ng TAYO eh wala namang kami ahah joke, nakikiuso lang talaga ako sa mga banatan ngayon kahit wala naman akong experience sa love na 'yan.

A Life that is Drawn [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon