Chapter 2

2.2K 62 0
                                    


Hay grabe napagod naman ako kakatakbo,kung san san na ko nagsuot,napunta ko dito sa may malaking puno ng balete,wala naman sigurong kapre dito noh?
Selfie selfie muna pero bago yun syempre
"Tabi-tabi po.....
Makikiraan lang po at makikiselfie na din,pasintabi po...." Siyempre respect mother nature and other living creatures.Mahirap na noh?
Okay...... Selfie time!!!

     After some shots,rest muna.
Tingin tingin sa paligid,malay mo may gold hehehehe
Bakit? 'diba sa tv sabi sa dulo ng rainbow may pot of gold.
Malay mo naman diba? Aha aha

    Infairness,ang bango at ang lamig ng simoy ng hangin,
I love nature kaya,siyempre dapat lang na injoyin ko to kasi minsan lang to pre'
Nakapolluted na kasi sa lugar namin.But if you will ask me,siyempre gusto ko pa rin tumira sa city kasi malapit sa school,sa market at sa lahat ng bagay,nga lang,polluted and crowded.

     Anyways,magpi feeling Dora the Explorer muna ang lola nyo ok?

"pssssst...." Hala! sino yun?
shit! Anjan na ata si baklush!!!
Dali dali akong nagtago sa likod ng isang puno,shit may antik ang lalaki.

Silip sa kaliwa....  Clear
Silip sa kanan.....  Clear

"Wala namang tao eh!!!"...
ng biglang may nalaglag sa likuran ko...

"Ahhhhhhhhh!!!!!!!?!!!!"

Napatakbo ako papunta sa kabilang puno,wala namang humabol sakin.
Shit baka ahas yun ah',kumuha ako ng putol na sanga,at inihanda ko sa kung anumang maaaring sumalakay sakin,
'better be prepared noh!
At dahan dahan akong lumakad papalapit dun sa pwesto ko kanina para makita ko kung ano yung nalaglag.

      Nang makalapit na ko,wala naman akong nakitang kahit anong hayop o anuman,kaya tuluyan na kong lumapit.
Malapit sa kinatatayuan ko kanina,napulot ko ang isang kwintas.

"Mukhang ok pa tong kwintas na to,puro putik pero mukhang maganda,ang ganda ng pendant relo ang style...Astig!
Finders keeper!!!
Atsaka baka pwede tong isanla hehehe.... Ang swerte ko naman..."
Ibinulsa ko na ang kwintas,tapos naglakad na ko pabalik sa grupo.

Inabutan ko silang nagkakainan na at inaya na rin nila akong kumain.
Magsasandok na sana ako ng kanin ng...

"Ikaw,na bruha ka,kakalbuhin kita?!!!" sigaw ni bakla,habang sinasakal ako.

"Waahhhh sori na bakla,bibilhan kita lipstick promise!!!!!peace be with you na hahahahah..." at tinantanan na ko ng bakulaw.
Kahit inaapi namin yan si roberto,love namin yan.
Edi boring ang buhay namin kung wala siya,sino pang aasarin namin at pagtatawanan diba?
Pero syempre,secret lang natin yan ok?
Oh siya,im hungry na at nakakaengganyo makipag
Budolfight sa kanila.You know,something like they put the food on the big banana leaves tapos paikot kami nakahilera kumakain.Naglatag lang kami ng sapin at mga nakasalampak kami sa sahig.

(A:N
I dont know if thats the correct term or spelling ok?)

4PM na ng nag pack up na kami at nagdecide umuwi,mahirap maglakad kung madilim na.
Pagdating sa residential area,naghiwa-hiwalay na kami ng uwi at commute pauwi.

Nang makarating ako sa lugar namin,nakita kung parang ang daming tao sa tapat ng gate ng  bahay namin.Bago pa ko makalapit ng tuluyan narinig ko na ang Mama ko na nakikipagsigawan  kay  Aling Myrna,na kilalang masungit at matapobre naming kapitbahay.

Dali dali akong tumakbo at pumagitna sa kanila.

"bakit mama,anong nangyari?" tanong ko

"Yang babaeng yan,makabintang sa kapatid mo ng magnanakaw wagas!!! Akala mo kung sino makapang lait satin,wala namang ebedensiya yang punyetang yan!!!!" naku hi-blood na sabi Mama

"Punyeta ka rin,letse kayo,kayo na may kasalanan kayo pa matapang ha? Ipabalik niyo yung wallet ko sa anak niyo ha?
Ang kapal ng mukha niyo,magnanakaw!!!
Yan ba tinuturo niyo sa bata?Magnakaw???" Sigaw ni Aling Myrna na nakapagpainit din sa ulo ko, josko kahit sino naman siguro noh?

"Hoy!!! Ayusin niyo yang pananalita niyo samin,makabintang kayo wagas ah, bakit sigurado ba kayong kapatid ko ang kumuha ha?" Apila ko sa matanda.

"Yang kapatid mo lang ang ibang tao na pumunta sa bahay kahapon,at siya lang ang kalaro ng anak ko nung nawala yung wallet ko kaya alam kung walang ibang kukuha kundi yang magaling na kapatid mo lang!!! sagot ng matabil na ginang.

" bakit may cctv ba kayo? At nakita niyong kapatid ko ang kumuha? Para sabihin ko sa inyo hindi malikot ang kamay ng kapatid ko!!! Sumusobra na tong Aling Myrna na 'to,pigilan niyo ko,pigilan niyo ko!!!
Kapag ito sinaktan ako kakaratehin ko to.Di niyo naitatanong nag aral ako ng taekwondo,mga 2 months hehehe

"Sus,tigil tigilan niyo nga ko sa mga alibi niyo,sige inyo na yung laman ng wallet ko!!!
Ang higpit siguro ng pangangailangan niyo kaya yung anak mo natututo ng magnakaw, pweh..(sabay dura pa sa sahig na mukhang diring diri habang nakatingin ng masama samin)

" makalayas na nga,wala naman akong mapapala sa inyo,mga walang kwenta!!!" Putak pa ng putak ang matanda habang naglalakad paalis,halatang nagpapapansin sa mga kapitbahay.

"Ang kapal ng mukha mo gaga!
Kala mo kung sino kang mayaman,kung pakapanglait ka ng kapwa,
Wag ka ng bumalik!!! nanggagalaiting sigaw ni mama.





Time Necklace (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon