Chapter 10

1K 32 2
                                    


Sa kabilang banda,lahat ng pangyayaring ito ay nasaksihan ni Anne.
Andun siya ng mahuli sa akto si James at ang co-worker nito ng kanyang asawa.

Ngunit ng umalis na si #Anne at sumakay ng taxi pauwi,nagpaiwan siya dahil nais niyang malaman kung ano ang buong pangyayari.
Kaya naman ganun na lamang ang tuwa niya sa nadiskubre,na hindi naman pala planong lokohin ni James si #Anne.

"Narinig ko at nakita ang lahat,
Kasalanan to ng malanding babaeng yan eh! Ano ka ngayon bruha pahiya ka noh?
Epic fail ang pang aakit mo,kahit maghubad kapa hindi ako ipagpapalit ni James sayo!
Hmmmp...
Ether uwi na tayo sa bahay,check natin si #Anne baka mag suicide yun, ay, oo nga pala buhay pa siya sa future hehehe" paglabas nya ng stockroom,nasa bahay na siya nila #Anne.

Nakita niya si #Anne na umiiyak
Galit na galit ito at narinig niya ang lahat ng sinabi nito.
Hindi niya ito masisisi dahil sa eksenang inabutan nito kanina.
Naiiyak din siya sa paghihirap na dinaranas nito ngayon.Saksi siya sa future kung paano nito itinaguyod ang mga bata at alam niyang mahirap para dito ang mag isa sa pagpapalaki ng mga bata.

Nakita niyang nag eempake na ito ng mga damit ng bata.
Maya maya may tinawagan,rinig niyang umorder ito ng pick up taxi.
"Mukhang desidido na siyang umalis ah! Hindi ba niya hihintayin si James? Sabagay hindi naman niya alam na kasalanan lang yun ng malanding bruha dun sa office.
Ether,pano ba to? Pipigilan ko ba siya sa pag alis? Sasabihin ko ba ang totoong nangyari?
Anong gagawin ko?" Ito talaga si Ether minsan snob,di ako sinasagot.

Pinagmamasdan ko lang siya hanggang sa ginising niya na ang mga bata at pinasakay na sa kararating lang na taxi.
Naiwan ako dito sa bahay,ramdam ko ang lungkot.

"Ether,fastforward naman natin oh sa pagdating ni James dito sa bahay..."

Wala pang isang minuto narinig ko na ang yabag ng paa ni James,nagmamadali itong pumasok.
Dire diretso ito sa kwarto nila,maya maya'y sa kwarto ng mga bata.Naiiyak ako sa itsura niya,awang awa ako sa kanya.
Kahit nakita niya ng walang tao,pumunta pa din siya sa may kusina maging sa likod ng bahay.
Nagbabaka sakali marahil ito na baka andun ang mag iina niya at ng walang makita ay bumalik siya dito sa loob ng bahay,tapos pasalampak na naupo sa sahig at humagulgol ng malakas.

"Anne,bakit mo ko iniwan?

Bakit hindi mo ko hinintay?

Sana kung galit ka sinugod mo ko,sinampal o sinapak man lang..

Magpapaliwanag naman ako eh
Bakit umalis ka naman agad?

Bakit ganito?



" Ganun ba kalaki ang galit mo sakin???

Na ayaw mo na kong makita?"



"Anne,bumalik kana pls..."

Parang dinudurog ang puso ko sa mga naririnig ko kay James.
Kasabay niya akong humahagulgol sa isang tabi.
Karamay nya ko ngayon ng wala siyang kaalam alam.

"Bakit kailangang pagdaanan natin ito James???

Maya maya pa ay tumayo ito at nag impake rin,malamang hahanapin nito ang asawa.

"Ether,dun naman tayo sa time na magkikita na sila please..."

Dinala ako ni ether sa labas ng apartment, ang bahay na tinitirhan din ng mag iina sa furure na una kong pinuntahan.

Palabas sana si #Anne ngunit nakita niyang bumaba sa kotse si James at palapit sa kanya kung kaya't dali dali niyang isinara ang pinto at ini-lock.Dali dali namang kumatok si James at nagmamakaawang kausapin siya ngunit nagmatigas si #Anne hindi nito hinarap si James pilit na pinaalis.

Makalipas ang ilang minuto'y bigong umalis si James.

"Paano ko kaya maayos to?
Ano ba ang dapat kong gawin,ngayong alam ko na ang lahat???
Nakaka stress...
Ether bumalik na muna tayo sa present pls..." Parang napagod ako sa lahat ng nasaksihan ko.
Kailangan kong pag isipang mabuti ang lahat.Kaya mabuti pang bumalik na muna ako.

Present time

Ilang araw ang lumipas bago ako nakagawa ng pasya.

First things first...
At ang una kong dapat ia-accomplish ay

"Help my parents bago mag asawa..."

At dahil kailangan pasok sa timeline,
remember maaga ako nag asawa
kaya kung aantayin ko pang mag graduate ako ng college at magkawork hindi ako yayaman agad.Magugulo ang timeline.
So ang solution lang na naisip ko ay tadahhh...
"Manalo ng jackpot sa lotto!!!
Aha aha yes you heard it right
Sisilipin ko kung anong winning number combination para bukas at tatayaan ko yun at tadahhh sakin na ang premyo!!!!"
Kung alam nyo lang kung gano ako nangulit at nagmakaawa kay Ether payagan niya lang ako,
Pumayag siya basta dapat daw walang winner,ibig sabihin
Kapag in- announced na yung winning numbers pati jackpot prize at walang nakahula ng tama o winner dun ko lang pwede kopyahin at tayaan yung winning numbers ganun.

At ganun nga ang ginawa ko,at as expected. Nakuha ko ang jackpot prize na 1.5 million.












Time Necklace (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon