Chapter 20

771 19 0
                                    


Andito ako ngayon sa kwarto nila Auntie, tiningnan ko ang time and date sa cellphone ko.
March 12**** 2:45pm
Isang buwan ang nakakaraan dahil April 20 na sa kasalukuyan.

"Nasaan ba ang mga tao dito?
Lumabas ako sa sala,wala ngang tao.
" so,malamang may magnanakaw sa titulo..kailangan ko lang na antayin siya...."

Di nagtagal,dahan dahang bumukas ang bintana sa banyo at pumasok ng dahan dahan ang isang bata.

Dire-diretso ito sa kinalalagyan ng titulo,maingat niya itong kinuha at ibinalik sa dati ang mga nagalaw niyang gamit at umalis na parang walang nangyari.

Hindi mo nga aakalain na may kawatan ng nakapasok sa bahay.

Sinundan ko ang bata at nakita kong pumasok siya na naghihintay na revo na kulay black.

Nakapasok ako sa loob ng hindi nila alam,ibinigay ng bata ang titulo sa lalakeng nasa loob.
At binayaran siya nito ng 2,000.
Bumaba na ang bata at tumakbo.

Babalikan ko na lang siya mamaya,aalamin ko lang kung sino tong lalakeng kaharap ko.
Pinaandar na ng driver ang sasakyan.

"San kaya ang punta namin nito?
From tagaytay pumunta kami sa Ayala.Pero siyempre nag fast forward ako noh? Inaantok na kaya ako.

Nang huminto ang sasakyan sa tapat ng isang building sumunod ako sa lalake ng naglakad siya papasok.

Sa 5th floor room 52
Inilagay nito ang titulo sa isang kaha de yero.
Password 122586

Maya maya'y pumasok ang isang may katandaang lalake.
" nakuha mo na ba ariel ang titulong kailangan natin?" tanong nito.

"Yes dad,ipapaasikaso ko na kay Atty. Mendoza ang mga papeles na kakailanganin para sa cleaning operation ng area.."
Paliwanag ni Ariel

"Mabuti naman at napapayag mo ang mga residente duon na ibenta ang lupa nila,Im really proud of you son..." Sabay tapik sa balikat ni Ariel bago lumabas ng office.

"Im never gonna disappoint you dad.." Seryosong sabi ni Ariel
Bago nito nagsimulang harapin ang mga papeles sa desk niya.

"Ether,balik tayo sa bata.Gusto kong malaman kung kaano ano siya nila Auntie..."bumalik ako sa oras na tumakbo ang bata at paalis na ang kotse ni Ariel.

Nakita kong tumakbo na ang bata dala ang pera.At nang makarating sa isang kubo ay pumasok ito.

Nakita ko ang isang ginang na nakahiga sa kawayang papag.
Ginising ito ng bata.

" mama may pera na po tayo,maibibili ko na po kayo ng gamot..." Nagmulat ang ginang,at nanghihinang bumangon.

"Saan galing ang perang yan toto?" Pagkakita nito sa perang hawak ng bata.

"Bayad po ito sakin ni Mr.Gonsales,kasi inutusan nya po ako ang bait po niya mama,bili na po tayo ng gamot nyo tsaka pagkain..." Sabi ng batang si toto,
Si toto ay walong taong gulang na bata,ulila na siya sa ama at ang kanyang mama na lang ang kasama sa buhay.

"Mukhang hindi naman salbaheng bata itong si toto,nagamit lang siya ni Ariel...
Ether,balik na tayo sa present oag iisipan ko muna kung ano ang mas makabubuting gawin..."
At bumalik ako sa kasalukuyan,
Tumabi ako kay James.

Kinabukasan,

"Hmmm... Hon? May itatanong lang sana ako sayo..." Naisip kong humingi sa kanya ng advice, baka sakaling alam niya ang dapat gawin.

"Ano yun hon?"

"Paano kung ninakaw ang titulo?

" hindi ko rin alam Anne,kailangan maibalik yun kela auntie para hindi mawala sa kanila ang lupaing ito..."
sabi ni James.

Anong gagawin ko?
Kapag hindi nakuha ni toto ang titulo hindi siya magkakaron ng 2,000.
Pwede ko naman tulungan si toto
pero sa nakita kong determinasyon ni Ariel alam kong di siya titigil hanggat di nakukuha ang gusto niya.
Mayaman siya,at kaya niyang magbayad ng tao para makuha ang titulo.

Paano kung sa susunod masamang tao na ang ipadala niya para kunin ito?
Baka mapahamak pa sila auntie.

Sa tulong ng kapangyarihan ni Ether marami akong pwedeng gawin,natatakot lang akong magkamali.

Kailangang maging polido ang gagawin ko.
"Oh God please guide me..."

Natetense ako,para akong inahing di mapaanak na naglalakad paroot parito sa labas ng bakuran ng bahay.

"Kung may cctv lang sana sa area na to gaya sa may labasan hindi na ako mahihirapan...." Tama!!!
Palalagyan ko ng cctv dito
Kagaya ng napapanood ko sa mga balita.

"Ether,balik tayo sa bahay kailangan kong bawasan ang savings ko huhuhu...

Bumalik ako sa bahay,at kinuha ang perang kakailanganin ko.
Tapos sa mall para bumili ng cctv camera tatak sony,dinalawa ko na para sigurado.
At ang huli,umorder ako ng uniform na may tatak rin ng Sony   at humingi na rin ako ng mga flyers nila.

Ngayon handa na ang lahat ng props at ang camera.
Ang pagkakabitan na lang.

Bumalik ako sa panahong tatlong araw bago manakaw ang titulo.
Suot ang uniform,dala ang  camera at mga props kumatok ako sa bahay na katapat ng bahay nila Auntie.
Sakto ang lokasyon ng bahay na ito para sa anggulo na kailangang makunan ang bahay nila auntie at ang lugar kung saan pinarada ang kotse ni Ariel.

"Magandang umaga po.." bati ko sa manong na lumabas sa target kong bahay.

"Anong kailangan mo iha?"

"Ahmmm... ako po si Anne Reyna
From Sony Corporation,napili po ang bahay niyo para mabigyan ng free sample ng Sony CCTV..."
Sabi ko sa matanda sana maniwala si Manong.

"Talaga? Sigarado ka libre yan?
Baka naman may bayaran kami jan ha?"

"Ah wala po kayong ilalabas na pera,mamayang hapon po may darating po dito na magkakabit niyan sa harap ng bahay nyo.
Malaking tulong po ito manong para sa security ninyo at ng lugar niyo..." Sana gumana ang acting ko.

"ay oo nga gaya ng sa napapanood ko sa balita,malaking tulong sa mga kaso ang nahahagip ng cctv ang mga kawatan,sige iha papayag ako na ikabit niyo yan sa harap ng bahay namin.." YESSS!!!!!

"Thank you Sir,antayin nyo na lamang po ang magkakabit nito mamaya at siya na rin po ang mag iinstruct sa inyo kung paano po ito gagamitin.
Sige po balik na po ako sa opisina,iwan ko na po yan jan."

Buti na lang pumayag si Manong,
Ang kailangan ko na lang  ngayon ng mag iinstall ng camera.

Sa tulong ng kapangyarihan ni Ether nakahanap ako ng taong nakakaalam sa pag install ng cctv,sinabi ko sa kanya ang mga dapat gawin matapos nito'y binigyan ko siya ng 2,500.

"Masakit sa bulsa ang adventure kong ito pero carry lang,para sa future kids ko naman ito,sila lang din naman ang magmamana ng lupa eh..."








A/N

Ariel on the multimedia

Time Necklace (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon