Chapter 28

1.9K 46 10
                                    


Mabilis na lumipas ang panahon,
30 years old na si Anne.
Malaki na ang apat na anak nila ni James.
At ito ang scenario nila halos sa araw araw.

"Mama si Daskie,kinuha na naman yung tablet kanina pa nga siya naglalaro eh huhuhuhu" jadie

"Hindi mama kanina pa siya pagkagising niya naglalaro,ngayon ko lang kinuha" daskie

"Mama anjan na yung taho bili mo ko!!!!" Asia

"Wait lang,Asia..." Anne
Sabay kuha ng barya sa ibabaw ng ref at iniabot dito.

"Hon,yung necktie na gray???" James

"Nasa sampayan pa hon'!!!" Sigaw ni Anne habang nagluluto ng pancake.

"Ma! Si daskie oh ayaw ibigay???"
Jadie

"Heh kanina kapa" at nagrambulan na ang magkapatid.

"Jaslie pakibatukan mo nga yung dalawa dun sa kwarto!!!"
Utos ni Anne na abala sa pagluluto.

Makalipas ang ilang minuto.
Si daskie at jadie nagrarambulan pa rin.

"Jaslie!!!!????" Pagkaharap ni Anne,si Jaslie sitting pretty sa sofa habang naka headset.

Dali daling lumapit si Anne dito at tinanggal ang headset

"Sabi ko patahimikin mo yung mga kapatid ko,masakit sa tenga ang ingay nila!!!!" At bumalik na si Anne sa kusina.

Maya maya'y maririnig ang iyakan ng magkapatid.

"Anong ginawa mo dun sa dalawa?" Tanong ni james na kalalabas lang ng kwarto at nakabihis na pang opisina.

"Papa si ate pinalo kami!!!!"
Sumbong nung dalawa.

"Wag kasi kayong mag away"
Nakangiting sabi ni James sa dalawa.

"Alam niyo naman kung sinong mga bossing dito sa bahay diba?"
Natatawang biro ni James sabay sulyap kay Anne na nag hahain na sa lamesa.

"Papa..." Sabay pakalong dito ng bunso.

"Papa ako bumili ng taho mag isa,sabi ko kay manong walang sago..." Sabi ni Asia ang bunso.

"Oh kakain na maghugas na kayo ng mga kamay!!!" Tawag ni Anne.

"Hon,hanggang kailan daw mawawala si yaya?" Tanong ni James.

"Sa makalawa pa raw ang balik niya kaya si bakla na muna ang bahala sa salon..." Sagot ni Anne.

"Sa sunday mag outing tayo hon'
Kasama ang mga bata pati sila mama at papa...." Suggestion ni James

"Yehey!!!!"
"Swimming swimming"
Masayang sigawan ng mga bata.

"Ang matigas ang ulo hindi kasama..." Pananakot ni Anne.

At tahimik na kumain ang mga bata,takot lang nila.
Dahil alam nilang pag sinabi ng mama nila tinutotoo nito.

Beach Resort

Masayang nag outing ang mag anak kasama ang magulang at kapatid ni Anne,kasama na pati na ang yaya ng mga bata at si bakla.

Magkatabing pinagmamasdan ni James at Anne ang kanilang pamilya.

"Hon, thank you for giving a happy family.Mula ng mawala ang mga magulang ko namuhay akong mag isa,until you came.
Binigyan mo ng kulay at halaga ang buhay ko,Thank you Anne..."
Masayang sambit ni James habang yakap ang asawa.

"James,ikaw rin naman ang nagbigay ng ligaya at kumompleto sa buhay ko...
Ikaw at ang mga bata ang katuparan ng mga pangarap ko..." Naluluhang sagot ni Anne.

"Kung ano pa man ang mangyayari sa hinaharap magkasabay nating haharapin ito...."

At naglapat ang kanilang mga labi.







____The End_____



Special Chapters
Na sa susunod...

Time Necklace (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon