Chapter 21

775 23 1
                                        


Bumalik ako sa present,
At dali daling tinawag si James

"Hon, baka naman pwede natin icheck ang cctv ng kapitbahay.
Malay natin baka nakita kung sino ang kumuha ng titulo diba?"
Alam kong makikita dito si toto pero ako na ang bahala sa kanya.

"Oo nga noh? Saglit at sasabihin ko kay auntie,dahil siya ang nakakakilala sa mga nakatira jan
Halika samahan mo kami..."
Yaya ni James

"Pwede bang dito na lang ako sa bahay hon? Magpe prepare na ako ng lunch natin para pagbalik niyo kakain na alas diyes na oh?"
Hindi ako pwedeng makita ni manong buking ako.

"Ganun ba? Ok sige sarapan mo ha?" Hinalikan ako sa pisngi bago lumabas.

"Hay, ang sweet naman ng hon ko,gagawin ko ang makakaya ko para maging maayos ang buhay natin hon,Thank you Ether kasi dumating ka sa buhay ko."

"Anne ikaw at ako ay iisa na ngayon hindi mo na kailangang tawagin ang pangalan ko,isipin mo lang ang nais mo,magagawa at mararating mo ito" tinig ni Ether sa loob ng isip ko,tama siya kung noon narinig ko ang boses niya gamit ang tenga,ngayon rinig ko na ito sa isip ko.
Weird

"Salamat pa rin ether..."

Matapos kung magluto ng pochero inihain ko na ito.
Alam kong niriyan na sila James kela auntie dahil narinig ko ang mga boses nila kaya lumabas ako at tinawag siya.

"James,kain na tayo? Auntie dito na po kayo kumain nagluto po ako ng pochero..." Aya ko sa kanila.

"Ganun ba? Ay! hindi ko palalagpasin yang luto mo iha.."
masayang sabi ni Auntie

"Masarap pong magluto ang future wife ko auntie,tara na po sa bahay..." sabi naman ni James.

Masarap talaga yan,kasi kasama yan sa mga pinag aralan ko,nagpapaturo ako kay Shabby magluto paminsan minsan.
Pinaghahandaan ko na talaga ang pagiging Mrs.Seah.

"Kamusta ang pagtingin niyo sa cctv? May nakita ba kayong pwedeng makapagturo sa kumuha?" tanong ko sa kanila

"Actually, kilala na ni Auntie ang kumuha at binabalak namin na pumunta sa police station mamaya para ireport ito at ma imbestigahan..." paliwanag ni James

"Eh sino po ang kumuha auntie?"
Tanong ko kay auntie,gusto ko rin malaman kung anong plano nila kay toto.

"Ang batang si toto ang kumuha at ibinigay ito kay Ariel.
Ang batang si toto ay madalas na nakakapasok noon dito sa bahay dahil sa inuutusan ko siya paminsan minsan,masipag ang batang yun.Binabayaran ko siya kapag may iniuutos ako sa kanya at alam kong ibinibigay nito sa ina nitong may sakit ang kinikita niya sakin at sa iba pa naming kapitbahay...." Sabi ni Auntie

"Eh yung may ari po ng sasakyan?" Tanong ni James

"Si Ariel,matagal na niyang gustong bilhin ang lote natin james ilang beses ako noong binalikan ng abogado niya at ng huli ay siya na mismo upang hikayatin ako na ibenta ang lote sa kanila dahil patatayuan nila ito ng pabrika..." Sagot ni auntie

"Ano na pong plano nyo ngayon auntie sa batang si toto?"
tanong ko

"Alam kong napag utusan lamang siya at dahil sa kagipitan ay pumayag siyang magnakaw,hihilingin ko sa brgy. Na bigyan siya ng counseling at nais kong hindi na ito kumalat pa sa mga kapitbahay dahil baka wala ng tumulong sa bata,kawawa naman..."
Mabait talaga si Auntie,mabuti naman.

Kinahapunan pumunta nga magtyahin sa police station para ire-port ang nangyari.Nangako ang mga pulis na sila na ang bahalang mag imbestiga at bumawi sa titulo.

Si toto naman ay ini-schedule ng counseling sa DSWD.

Kinaumagahan,bumiyahe na kami ni James pabalik sa manila,ngunit bago yun hiniling ko kay James na kausapin ang ina ni toto at inalok itong mag care taker sa bahay at sasahuran na lang namin siya ni James monthly para naman makadagdag sa panggastos nilang mag ina.

"Ang swerte ko sayo hon kasi mabait ka at understanding
Bonus ng maganda pa at sexy"
Nakangiting sabi ni James habang nagmamaneho.

"Talaga! Kaya wag kang makakaisip mangaliwala dahil pagsisisihan mo ang gagawin ko sayo.." Biro ko sa kanya

"Never akong titingin sa iba hon'
Una pa lang alam ko ng ikaw na ang makakasama ko sa habang buhay..."  Sabay dala ng kamay ko papunta sa labi para halikan.

"Why so cheesy hon?
Dapat lang,kasi ako hinding hindi na ako magmamahal ng iba.
Ikaw lang kahapon ngayon at sa future...." At sumandal ako sa balikat ni James.Mahal na mahal ko siya.

Ilang araw ang nakalipas nagkayayaan kami nila Shabby at Gavin ng double date.
No cars this time,only single bike.

"Exciting!!!! Pero hon' kaya mo ba akong iangkas? Mabigat ako baka mamaya hingal kabayo kana agad ha?" Biro ko sa kanya

"Mukha ba kong weak sa paningin mo hon? Ofcourse kayang kaya kahit ilang milya pa yan basta ikaw ang kasama ko,no sweat.."

"Hmmm yabang, lets see..."
Pang aasar ko pa.
Paglingon ko sa lovebirds..

"Mahal,anong weight mo? Na flat ata'!!!" si Gavin

"Ang kapal mo!!! Mukha na ba kong mataba sa paningin mo?
Hindi na kita ipagluluto bwisit ka.." Sabay upo ni Shabby sa kalsada.tampururot

"Mahal naman di ka na mabiro,
Wag mo naman ako gutomin oh!"
Paawa effect ni Gavin

"Gutumin agad? May cook naman kayo sa bahay nyo! Tigil tigilan mo ko jan mahal ha?" Nakasimangot na sabi ni Shabby

"Alam mo namang nasanay na kong makikain sa condo mo eh' wag ka ng magtampo mahal binibiro lang naman kita eh,tara sakay kana..." Pang aalo nito

Papunta kami sa River Park ngayon,magba bike lang kami,maganda ang panahon ngayon para mag biking kasi maulap sa himpapawid,at mahangin.

Kasalukuyan na kaming nagba bike,nakaupo sa may angkasan at patagilid na nakaupo,habang ang isang kamay ay nakayakap kay james.

"Hon kapag kasal na tayo,ilang anak ang gusto mo?" Tanong ko kay James

"Only child ako,malungkot,kaya gusto ko apat para kampihan hahaha...." Ganun? Plano pala talaga niya yun ah' kung alam niya dream come true yun.

"Ok sige,bibigyan kita ng apat na anak... 2 boys and 2 girls,ok ba yun sayo?" Sure na sabi ko,hahaha sabihin ko kayang nameet ko na mga anak namin?
Baka pagkamalan akong baliw nito.

"Hahaha talaga? Thanks hon'
The best ka talaga.
Di pa ba nabubuo ang panganay natin?" Parang balewalang sabi nito.

Hala grabe siya,agad agad?
Napa isip naman ako,malay ko.
Irregular kasi ang date ng mens ko eh magpapanic na siguro ako pag 2 mons ako di nagkaron.

"Grabe ka naman agad agad!!!"
Tinawanan lang ako ng loko.

Maya maya pa'y nagka kantyawan ang dalawa at nagkarera.Kami ang panalo siyempre kaya si Gavin ang taya sa merienda.


A/N

James and Anne while biking
On top, anime version

Time Necklace (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon