Chapter 23

742 25 0
                                        


Lumapit ako kay Anne.Medyo naguguluhan pa rin ako.

"Hon' tell me..
Are you pregnant???" Tanong ko,at nakita kong nanlaki ang mata niya sa sinabi ko.
Maya maya'y pansin kong napaisip siya pagkatapos ay nag aalalang napatingin sa akin.

"Im two months delayed hon..."
At napaiyak ito.

Nag aalalang pinatahan ko siya,
Naisip kong marahil inaalala niya ang pag aaral niya at ang sasabihin ng magulang niya.

"Hon' nasa tiyan  ko na yata si Jaslie!!!!" At natutuwang niyakap niya ako habang umiiyak.
Hindi ko maintindihan ang sinabi niya.

"What do you mean hon???"
tanong ko.

"Oooppps... ano ba namang bibig to ang daldal" pabulong na sabi niya ngunit dinig na dinig  ko naman,mas lalo akong naguluhan sa ikinikilos niya.

"I mean,kung buntis nga ako feeling girl ito at ang gusto kong ipangalan sa kanya ay Jaslie.."
Excited na sabi nito.

"Hindi ka ba nag aalala sa sasabihin ng magulang mo o sa pag aaral mo?" Tanong ko.
Weird kasi ang kinikilos niya para bang expected na niyang mangyayari ito.

"Dont worry,magagalit sila pero matatanggap din nila,in the end mas magiging mas excited pa sila na makita ang apo nila ok?
Kaya ang dapat mong gawin ngayon ay ihanap na ako ng Spicy Carbonara ko dahil yun ang gusto ni baby okay?" Natutuwang sabi nito.

"Dont forget us okay kami ang ninong at ninang!!!" Natutuwang sabat naman ni Gavin

"Oh my!!! My first inaanak is on the way to this world, wow!!!"
Excited ring sambit ni Shabby.

They're just listening all along.
Parang ang bilis ng pangyayari pero narealize ko...

"Wooooohhhhh!!!!!!
Magiging daddy na ako!!!!!"
Napasigaw ako at natutuwang niyakap si Anne.

"Late reaction ka naman pre' biro ni Gavin.

They congratulate us.
At nag celebrate kami sa condo unit ni Shabby.
Tuwang tuwa naman ang hon ko dahil ipinagluto ito ng Spicy Carbonara ni Shabby.

I felt relief dahil kanina puro chocolate drink lang ang laman ng tyan nito dahil ayaw kumain kung di rin lang yung request niya.

Kinagabihan,
Magkasama kaming humarap sa magulang niya at ipinaalam sa mga ito ang lahat.

Nagalit ang mga ito ngunit kalaunan ay tinanggap na rin ang lahat.

Nais ng papa ni Anne na maikasal kami sa lalong madaling panahon na siyang sinang ayunan naman namin ni Anne.


Lumipas ang dalawang buwan,
Ang mga magulang ni Anne ang pinaka punong abala sa pag aasikaso ng kasal dahil nag aaral pa rin kami ni Anne sa school.
Maliit pa naman at hindi pa halata ang tyan ni Anne kung kaya't pinayagan ko pa siyang pumasok sa school.

Alam na rin sa school ang kalagayan niya at wala namang negative thoughts, excited pa nga ang lahat na dumalo sa wedding namin.

Ang problema ko lang ay ang paglalang tantrums ni Anne.
Minsan ay madaling araw pa lang tumatawag si Anne at inuutusan akong maghanap ng kung ano ano gaya ng makopa,
Pakwan,at ang pinaka malupit ay ang dragon fruit.

Imagine tumawag siya ng alas dos ng madaling araw para pahanapin ako ng Dragon Fruit,
buti na lang nakahingi ako ng tulong kay pareng Google
nakarating pa ako ng divisoria night market dahil wala akong nahanap sa supermarkets.

Twing madaling araw kumakatok ako sa bahay nila para ihatid ang mga pinabili nya at uuwi ako ulit sa apartment ko.

Para sa baby ko naman kaya nagtitiis ako.
Ang hindi ko lang talaga matiis ay ang pagkahumaling ni Anne kay Prof Carl.

Kung noon hanggang tingin lang si Anne,ngayon dinadalhan niya pa ito ng lunch at kulang na lang subuan niya pa.

Kahit gustong gusto kong sapakin ang pagmumukha ng teacher na yun pinipigilan ko ang sarili ko.
Kung di ko lang nadiscover na kasal na pala ito baka kubg ano ng nagawa ko.

Anne's pov

"Sir Carl dinalan ko po kayo ng lunch, kare kare po ito" sabay lagay ko sa mesa nito.

"Pinapataba mo talaga ako Anne.." Sabi nito,nakita kong mukhang may lungkot sa mata si Sir.

"Sir makita lang kitang busog,masaya na kami ni baby ko.." Alam na ni Sir na buntis ako at siya ang napaglilihian ko.
Mabait talaga si Sir kasi pinababayaan niya lang ako at masayang tinatanggap ang mga luto ko.

"Pero Sir,bakit parang malungkot ka po?" ramdam ko ang lungkot sa kabila ng mga ngiti niya.At feeling ko nalulungkot din ako kapag malungkot siya.

"ah may konting mis understanding lang with my wife.." Sabi nito.

"Gusto ko Sir,palagi kang masaya,kasi kapag masaya ka masaya din kami ni baby kaya promise tutulungan kita sa problema mo,ano ba yun Sir?"
Sincere na tanong ko dito.

"Wag mo ng isipin yun Anne,thanks for the concern pero kasi its a mistake from the past kaya hindi ko na mababago.."
Malungkot na sabi nito.

"Sir,may secret akong sasabihin sa inyo at kayo pa lang ang una kong pagsasabihan nito kaya atin atin lang to ha?
" Sir Im a time traveler,I can manipulate time kung naniniwala ka sa akin,sabihin mo lang at tutulungan kita... Oh sige sir aalis na ko.
Yung credit card mo Sir nasa ilalim ng drawer mo,natatakpan ng trash bin..." Sabi ko kay Sir bago ako umalis at iwan siya sa room.

Alam ko kung anong problema niya,dahil sinilip ko na yun sa past.Ang gusto ko lang naman siya mismo ang gumawa ng paraan para baguhin yun.

Two weeks na lang ikakasal kami ni James kaya Im so excited.



A/N

Anne habang nag foodtrip sa multimedia

Time Necklace (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon