Chapter 14

920 29 0
                                        

School?

"Eh school pala namin to eh,ibig sabihin dito rin nag aaral ang destiny ni Gavin..." Andito ako ngayon sa labas ng Food Tech Room.

Pumasok ako sa loob,carry lang kasi invisible mode ako ngayon.
Nag iisa lang ang tao dito kundi ang babaeng nakatalikod sakin ngayon.
Kasalukuyan itong nag mimix ng kung ano sa bowl,ang dami ring ingredients na nakakalat sa lamesa mukhang mag bi bake siya.
"In fairness, napakaganda niya..
Ang swerte naman ni friend sa destiny niya maganda sexy at mukhang magaling pang magluto.
Sakto matakaw rin yun si Gavin eh,isa yan sa pinag kakasunduan namin. Pagkain.." Kailan kaya sila mag kaka in-love an?Alam ko na!

"Ether, gusto ko makita yung meet up nilang dalawa..."
At dinala ako ni Ether sa labas ng Mc Donalds na palagi naming kinakainan ni Gavin.
Tiningnan ko ang Date at time sa cellphone ko.
"Nasa Future ako ngayon,Saturday 11 of April kailangan kong tandaan to'"
Tumingin ako sa paligid inaantay ko ang pagkikita ng dalawa.

Di nagtagal nakita kong dumating na si Gavin kasama ako.Siguro nagyaya na naman akong mag Mc Do hehehe
Saktong pag upo namin ni Gavin sa 2nd floor siyang pasok naman ng destiny ni Gavin sa entrance.
    Nakita kung bumaba si Gavin at naiwan ako sa taas.Malamang oorder na siya.Si destiny naman sa sandaling ito ay nakapila na cashier.Sa likod nito pumwesto si Gavin.

Pinagmamasdan ko lang sila.
Ngunit hangang sa matapos ng umorder yung dalawa ni hindi man lang napansin ang isat isa.

Patapos na kumain si Gavin at ang other self ko,wala pa ring nangyayari.
Paano sila magmi-meet?

Maya maya'y nakita kong tumayo ang future version  at nagpunta sa toilet.Ganun din yung babaeng binabantayan ko.Sumunod ako sa kanila.
Nakita ko ang other version ko na  palabas na sa toilet ng biglang madulas siya.

Blag!!!

"Ahhhh.... Aray!!!!!!"
Namimilipit na sigaw ng other version ko,sa nakikita ko napapangiwi ako.

"O.M.G. tanga ko naman!!!
Nadulas ako,pwede kayang next time i skip ko na lang yang pagkadulas ko? Mukhang masakit eh... Oh no! my prescious feet magagas gasan baka ipag-palit ako ni James my loves huhuhu

Maya maya'y  lumabas si destiny girl at inalalayan siyang tumayo.
Dumating si Gavin at tinulungan nito si destiny girl na dalhin si Anne sa clinic na malapit lang sa school.

"Ngayon alam ko na,na dahil sakin kaya sila magkakakilala...
Balik na tayo sa present Ether."
Ang gagawin ko na lang ngayon ay paghandaan ang araw ng meet up nila.

"Kyaaaahhhh im so happy for my friend....



Lumipas ang araw at dumating ang araw na hinihintay ko.
Breaktime namin,niyaya ko na si Gavin na kumain sa Mc Donalds
At gaya ng inaasahan sumama siya.

Umakyat na kami sa 2nd floor at pinaorder ko na si Gavin.At ng matapos na kami kumain ay pumunta na ako sa toilet.

" okay this is it? Acting mode on"
Pagkahugas ko ng kamay naglakad na ko palabas.Napansin kong palabas na si girl sa cubicle kaya nagmadali ako sa paglalakad at dahil sa pagmamadali ko nadulas ako dahil sa wet floor.

"Ahhhh... Aray!!!!!!!"
Alam ko namang mangyayari to,actually pinagpraktisan ko pa ang bagsak ko arghhh palpok
Tadhana ko talagang magkapilay ngayon huhuhuhu

Lumabas si girl at ng makita niya ko ay tinulungan niya kong makatayo,pero grabe masakit talaga promise hindi na akting to.
Dumating si Gavin na alalang alala ng makita ako.Binuhat niya ako at dinala sa clinic na malapit dito,kasama pa rin yung girl.
Shes so nice and sa tingin ko magkakasundo talaga kami.

At the clinic

"Thank you sa inyo ha? Pasensiya na kayo,ng dahil sakin naabala pa kayo di na tuloy kayo nakapasok sa next subject niyo" sabi ko sa dalawa

"Ok lang yun miss,ah hindi pa nga pala ako nakapagpakilala
Hi Im Shabby Pearl Cruz, kayo ang name niyo?" Finally, alam ko na ang name nya.

"Hi Shabby, Im Anne Reyna and this is my bestfriend Gavin Right
Nice to meet you,pwede ka din ba namin maging friend?"
Diba Gavin?" Sabay siko ko kay Gavin na kanina pa tahimik.

"Ah oo naman nice to meet you shabby..." At inilahad nito ang kamay kay Shabby para makipag shake hands.

Nagkatitigan ang dalawa.

"Alam niyo,bagay kayong dalawa
Kinikilig ako sa inyo grabe...
Ako ang no.1 fan nyo
#teamgabby ako!!!!" Masayang tukso ko sa dalawa na parehong nag blush

"O.M.G. mission accomplished!!!"

My next goal now is,
Tadah....

"Akitin si James!!!"









A/N

Shabby on the multimedia

Time Necklace (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon