Chapter 9

1K 33 0
                                    


      Dali daling inayos ni Anne ang mga gamit ng bata,ng maiayos ay ginising niya ang mga ito.
Ni hindi niya na pinagbihis ang mga bata hinayaan niyang nakapantulog lamang ang mga ito.Sapagkat magta taxi na lamang sila hangang manila.

      Hinihintay na lamang niya ang taxi na tinawagan nya gamit ang GRAB A TAXI.Na ilang minuto lamang ay dumating.
Dali dali niyang inilagay ang mga bag sa likod ng taxi at pinasakay na ang mga bata na pinabaunan niya tag iisang unan upang maituloy nila ang pagtulog sa byahe.
       Kasalukuyang alas dos pa lamang ng madaling araw kung kayat mabilis ang byahe nila pauwing manila.
Ipinadiretso nya ang taxi sa marikina kung saan may bahay ang kaibigan niya na matagal ng gustong ibenta sa kanya.

      Pinaplano niyang bilhin na ito ng tuluyan gamit ang savings niya.At dito na sila maninirahan ng mga anak niya.

      Makalipas ang dalawang araw nagulat siya ng biglang dumating si James,hindi niya alam kung paano siya natunton nito ngunit wala na siyang pakialam.
Tinalikuran at pinagsaraduhan niya ito ng pinto.

"Anne,ano ba? bakit kaba umalis ng hindi tayo nakakapag usap?
Pls kausapin mo naman ako,wag naman ganito.
Buksan mo tong pinto pls mag usap tayo Anne....."

"Pwede ba,James umalis kana!!!
Ayoko ng makita yang pagmumukha mo,ang kapal ng mukha mong pumunta pa dito pagkatapos ng kababuyan mo?
Magsama kayo ng kabit mo!
Mga hayop!!!!
Magsama sama kayo sa impyerno!!!
Lumayas ka hindi kita kailangan!!!"

"Anne, pls hindi kita niloloko.
Hindi ko siya kabit. Inakit nya lang ako hindi ko ginusto yun
Pls wag naman ganito
Im sorry kung nasaktan kita,hindi ko ginusto yun,hindi ko sinasadya.hindi ko siya gusto
Ipinipilit niya lang ang sarili niya sakin pls. Maniwala ka naman...."

"Hindi ginusto? Ano yun? Kinantot ka niya,wala kang nagawa ganun? Ulol!!!
Hindi ganun ang nakita ko
Hindi ako bulag,pinabayaan mong mangyari yun dahil ginusto mo rin gago!!!
Pwede ba umalis kana!
Kahit ano pang sabihin mo hinding hindi mo na mabubura sa isip ko ang nakita ko,hindi mo na maayos yung tiwala, respeto at pagmamahal ko na sinira mo!!!
Get lost!!!" At pumunta na sa kwarto si Anne habang umiiyak at ibinalibag pasara ang pinto.


James pov

        Rinig ni James sa labas ng maindoor ang malakas na kalabog ng pinto.Kaya hinang hina itong napaupo at napasandal na lamang sa pinto habang humahagulgol.
   
           Mahal ni james ang kanyang asawa,at hindi niya kailanman ito niloko.Nagulat lang talaga siya ng biglang kumandong  at maghubad sa harap niya si Gemma,supervisor nila.Sa gulat hindi siya nakapag react agad lalo na ng hinalikan siya nito at nagsimulang gumiling sa harap niya.
       Bilang lalake medyo nadarang rin ako ngunit ng ilagay nya ang kamay ko dibdib niya bigla akong natauhan.
Bahagya ko siyang naitulak,lumayo ako at tinalikuran ko siya.
  

"Miss Gemma, pls ayusin nyo na po ang damit ninyo,lalabas po muna ako..." Paalam ko at lalabas na sana ng magsalita siya.

"Whats the matter with you, james? Pangit ba ko?
Why you're rejecting me?..."

"Ms.Gemma everybody here knows that i had a wife,and i love my wife...
Im sorry but can we just be professional here, excuse me."
Pagkasabi ko niyan,dumiretso na ko sa HR department.

        Ng matapos na ang shift ko,diretso na sana ako palabas ng makasalubong ko ang mga kasamahan ko sa may lobby.

"Oh, pre ang swerte mo sa misis mo ah' dinalan ka pa talaga ng dinner ha?" Sabi nito

"Huh? Misis ko?" Ano daw?

"Diba,dinalhan ka ng misis mo ng dinner kanina? Sabi ko nga dumiretso na siya sa stock room eh kasi alam kung andun ka..
Nakita ko pa nga na umalis din siya agad..
Bakit di ka ba niya nakita?
Nasa stock room ka lang naman diba?" Sabi pa nito

Kumalabog ang dibdib ko,shit!
Ngayon lang ako nakaramdam ng takot na ganito,masama ang kutob ko.
         Dali dali akong umuwi
At ganun na lang ang panlulumo ko ng makitang wala na ang mag iina ko dala ang mga damit na.
Sumunod ako sa Manila,ngunit wala siya sa bahay,ganun din sa bahay ng magulang niya.

         Inisa isa kong puntahan ang mga kaibigan niya hangang sa natunton ko siya.

     Kaso ayaw niya na akong pakinggan,wala na,nasira na ng tuluyan ang pagsasama namin.
Kilala ko siya.
Mabait ang asawa ko,hindi siya bayolenteng tao ngunit kapag nawalan na siya ng tiwala mahirap na iyong ibalik pa.

        Pero hindi pa rin ako susuko,ipaglalaban ko pagsasama namin.Hindi ko kayang mahiwalay sa kanila ng mga anak ko ng matagal.Sila ang buhay ko.

         Aalis ako ngayon,pero babalik rin ako.Kahit anong mangyari hindi ko sila pababayaan,mahal na mahal ko sila.


Time Necklace (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon