Chapter 3

1.8K 53 0
                                    

      Kinagabihan,kinausap naming mabuti ang kapatid kong si Art tungkol sa ibinibintang sa kanya ni Aling Myrna,although alam naman namin na di niya kinuha ang wallet,gusto namin malaman kung ano ang alam niya at kung bakit siya ang napag bibintangan.
    Ngunit ang nasabi lamang niya ay,naglalaro lamang daw sila ni ron ron ng mga robot nitong laruan ng dumating si Aling Myrna galing sa grocery tapos maya maya daw lumabas na sila ni ron ron para pumunta sa isa nilang kalaro.
Kung ganun,nakakapagtaka naman porket ba siya lang ang pumunta dun ay siya lamang ang pagbinintangan?
  Naaawa ako sa kapatid ko pero di ko alam kung paano ko siya matutulungan.

Hindi naman kami mayaman eh,
Si Papa driver lamang sa isang Company.
Si mama naman,paminsan minsan nag aalok ng mga cosmetics sa kapitbahay,pumu porsyento lang siya dun.At yung kinikita niya idinadagdag niya sa mga gastusin dito sa bahay.

Hindi ko talaga matanggap na,pinagsalitaan ng di maganda ang mga magulang ko,ang pamilya namin.Gusto kong linisin ang pangalan ng kapatid ko pero hindi ko alam kung paano.

Andito na ako ngayon sa kwarto,inaayos ko yung mga gamit ko ng malaglag sa shorts na suot ko kanina ang kwintas.

"Uy! Hello necklace, welcome to your new house... Hmmmm
Time to bath!!!!" at dinalo ko ito sa banyo at sinimulang brush-in upang matanggal ang mga anik anik. At ng matapos ay tuwang tuwa ko itong pinagmasdan.

"Bongga ang ganda!!!" Mukhang matanda pa sakin tong kwintas pero wala pang gasgas o sira
Im so swerte talaga hahahaha"
Isinuot ko na ito,at naghanda na para matulog,but before i sleep pray muna syempre.....

Dear Lord,
Salamat po sa araw na ito,salamat po kasi safe po kaming nakauwi mula sa outing at sobrang saya po namin,nga lang yung kasiyahan ko kanina napalitan ng lungkot at galit dahil sa nangyari kanina.
Lord tulungan nyo po akong ipagtanggol ang pamilya ko,tulungan nyo po ako at ituro sakin kung pano kopo mapapatunayan na walang kasalanan ang kapatid ko.
Mahal na mahal ko po ang pamilya ko,gusto kopo silang protektahan.
   Lord parang awa niyo na po,
Tulungan niyo po ako.
I pray all this things in the name of the lord Amen....

      Malalim na ang gabi,tulog na rin ang pamilya nila Anne,walang nakapansin sa pagliwanag ng kwintas na suot ni Anne.

Huh! Asan ako?"
Nakakasilaw na liwanag ang bumungad kay Anne

"Anne... Ako si Ether ako at ang kwintas ay iisa.Ako ang tagapangalaga ng oras at ikaw ang napili kong mangalaga sakin.
Tutulungan kita ano mang oras mo naisin,ibulong mo lamang sakin at ikaw ay aking susundin.
Kapangyarihan ko ay kapangyarihan mo na rin...
Makapaglalakbay sa anumang panahon at oras na iyong nanaiisin,maaari mo rin itong pahintuin.
      Ang tangi ko lamang paalala sana'y iyong dinggin.
Makakarating ka sa nakaraan o hinaharap na iyong naisin,
Ngunit ang pagbabago na maaari mong gawin ay may kalakip na responsibilidad at kapalit." Sabi ng tinig na parang galing sa ilalim ng balon.

"Huh? Sadako ikaw ba yan?
Grabe pagtagalog mo nosebleed!!!
Nasan kaba? Di kita makita eh,paki off ng lights oh,sobrang liwanag naman, di ba kayo nagtitipid ng kuryente?
Nakakasilaw promise!!!..

Hello? Hello? Anybody there?...


" hoy ate,gising na!!!!" Sabay saklob ng unan sa mukha ko.

" huh??? Yung totoo?
Ginigising mo ba ko,o hinahatid mo na ko sa huli kong hantungan? Ayos ka rin manggising eh noh? Pak na pak
Alis jan babangon na ko!" ang sweet naming magkapatid noh?
Masanay na kayo ganyan talaga kami.

Habang nagto-toothbrush ako naalala ko yung panaginip ko,parang totoo eh,pano nga kong totoong me powers tong kwintas ko? Ang astig nun sana totoo pag nangyari yun sisigaw ako ng "IM THE QUEEN OF THE WORLD" hahahaha

At dahil im so damn curious
Testingin natin hehehg

Ibubulong ko lang daw ang gusto ko sa kwintas.
Syempre hindi "fried chicken" ibubulong ko noh? About time nga daw eh
Hmmmm ano kaya

2 times 2= ?
Hmmm corny.
Napatingin ako sa bedside table,nakita ko yung stop watch ko....Alam ko na...

"Magic Necklace, kung totoo ka nga,pahintuin mo ang oras!!!!"
Bulong ko sa kwintas.
Lumiwanag ang kwintas,nanlaki ang mata niya ngunit napapikit din dahil sa silaw.At ng maramdaman niyang wala ng liwanag ay idinilat niya na ang kanyang mga mata.

"Hmmm.... Parang wala namang nagbago dito sa kwarto ko ah?
Ah!!! Sa labas..." at pagbukas ng bintana namangha ako sa nakita ko.

"OMG!!! Its real!!! Nag freeze ang lahat,totoo nga ang magic ng kwintas and it means i already had the power of the necklace to manipulate time!!!
At habang nakastop pa ang time

Ehem ehem....

" YUHOOOO!!!!!
IM THE QUEEN OF THE WORLD!!!"
Oh yeah!
hahaha

First things first,ngayong may powers na ko my 1st task is to clean my brothers name.










A/N

Anne pic at the top

Time Necklace (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon