Chapter 6

1.3K 36 0
                                    


Lumipas ang dalawang araw,at hindi dumating ang asawang inaantay kong makilala.Nakakapagtaka,stay in ba siya sa work? Bakita wala?Nasa abroad ba siya?Hindi rin siya pinag uusapan ng mag iina.

"Kailangan kong mag imbestiga,
Ether? Kaya ko bang mag disguise?" Nag isip ako ng mukha na pwede kong gayahin,pero wala akong maisip.huhuhuhu
"Artista kaya?kpop?astig
Pwede ba yun ether?

"Hindi mo maaring hiramin ang katauhan at kaanyuan ng iba ngunit matutulungan kitang hiramin ang iyong kaanyuan sa iyong hinaharap o nakaraan.
Pumikit ka Anne..." Narinig ko ang boses ni Ether. At sinunod ko ang kanyang sinabi.
Pagdilat ko,tiningnan ko ang aking sarili napansin kung parang tumanda ang aking balat.
Dali dali kong hinanap ang salamin ko sa bag,
"O.M.G. ganito ba ang itsura ko pagtanda ko? Kamukha ko yung isang tita ko ah' hehehe anyway atleast success.Ngayon pwede na kong lumapit kay #Anne...."
At dali dali akong naglalakad papunta sa bahay nila #Anne.
Invisible mode off muna,aacting ako eh.

"Tao po? Anne? Tao po?" Tawag ko mula sa labas ng bahay.
Bumukas ang pinto at sumilip si Asia kasunod ang Mama niya.

"Sino po sila?" tanong nito.

"Ako ito ang tita alma mo,hindi mo na ba ako natatandaan? Pinsan ako ng mama mo,nabalitaan kong dito ka nakatira kaya naisipan kong dalawin ka...." Sagot ko naman.

"Ay ganun po ba? Buti at nakilala niyo po ako? Pasok po? At magmeryenda muna kayo,tamang tama nagluto ako ng hotcake..." Paanyaya sakin ni Anne.

"Ganun ba? Sakto pala ang dating ko,mahilig din ako sa hotcake eh..." Pinaupo niya ako sa sofa at dumiretso siya sa kusina.
Pagbalik ay may dala ng hotcake at orange juice.

"Kain po, san na po ba kayo nakatira ngayon? Ang alam ko po halos lahat ng pinsan nila mama sa leyte nakatira..." tanong ni Anne

"nasa makati kasi nag wowork ang anak ko,at pinaluwas niya na ako dito para may makasama siya.Nabalitaan kung dito ka nakatira kaya naisip kung bisitahin ka at makibalita na rin...
Hmmm anak mo na ba ang cute na batang yan?" Q & A starts now

"Ah opo anak ko,siya po si Asia
Bunsong anak ko po,
Actually apat po sila,saglit lang po at tatawagin ko yung tatlo sa kwarto nila" at pumunta nga ito sa kwarto ng mga bata,maya maya'y kasunod niya na ang mga nakaoantulog pang mga bata.

"Oh mag mano kayo sa lola niyo?
Tita siya po ang panganay si Jaslie, pangalawa po itong si daskie,at si jadie po itong pangatlo ko po..." At magkasabay na nagmano sakin ang mga bata
"I feel like oldies talaga ha? Acting mode on" nag smile lang ako sa mga bata.

"Ang ganda naman nitong dalawang apo ko,mana sakin hahahaha!!! Ay joke lang mana pala sayo" Palusot.com mga mards. Nagtawanan na lang kaming lahat.

"At itong mga boys naman syempre gwapings din,mana sa papa???" Panghuhuli ko,nakita kong napangiti lang si Anne at pasimpleng niligpit ang pinagkainan namin.
Maya maya pa'y nagkanya kanya ng pinagkaka busy-han ang mga bata.Naisip kong itanong na ang pakay ko talaga.

"Anne? Ang asawa mo nga pala,nasa trabaho ba?" Ayan natanong ko na rin finally.

"Hiwalay na po kami tita magta tatlong taon na din po..." Sagot niya

"HA??????!!!!" Ehermmm.. Sorry mejo exaggerated ang reaction ko ha?" Tinawanan niya lang ako
(Pouts)
"Pero,kasi,bakit?" Parang ang bata mo pa para maging single parent, apat pa ang anak mo,kinaya mo yun?"
Sorry naman noh? Di ko lang talaga mapigilan eh,i cant imagine,pano ko pag dadaanan yun sa future.

"Nambabae po kasi siya tita,kaya nakipaghiwalay ako sa kanya,nakamove on na ko,dont worry..." Nakangiting sabi nya pa.

"Paano mo binubuhay ang mga bata? May work ka ba?" Pansin ko kasi andito lang naman siya sa bahay.

"Networking po tita,kung ano anong online jobs po ang pinapasok ko.At luckily kumikita po ako sa pag eencode.
Namuhunan din po ako sa mga group invites at sa totoo lang po halos lahat ng groups pinatos ko na.
Kumikita po ako kahit andito lang ako sa bahay,naaasikaso ko pa ang mga bata..." Mahabang paliwanag niya.

"Ah ganun pala,sabagay sa nakikita ko mukhang okay nga ang pamumuhay nyo.Malusog at nakapag aaral ang mga bata.
Eh yung papa nila dinadalaw ba sila?
Sustento,nagbibigay ba?"
Tanong ko pa.

"Paminsan minsan lumalabas sila ng mga bata para mamasyal at mag shopping. Every month naghuhulog din siya sa bank account ko ng pera, sustento nya para sa mga bata..." Kwento pa ni Anne

"Hindi nyo ba naisip na magbalikan? Kahit para sa mga bata?
Teka,
me bagong asawa naba siya?

Ikaw wala ka na bang balak mag asawa ulit?" Dami kong tanong noh? Sensiya na curious lang talaga.Tinawanan nya lang ako.(pouts)

"Para kang reporter tita hahahaha ehermm ok
hmmm
Nung una nagmamakaawa siyang tanggapin ko siya ulit,lumuhod pa nga siya actually.
Pero ayoko na tita. I believed that 'once a cheater is always a cheater'.
Baka mapatay ko pa siya noh?
Panu kapag naging kriminal ako at makulong?panu na ang mga bata diba?"

Ang OA ko pala minsan hehe.

"Im serious tita,i won't let that happen....'and i dont trust him anymore."

Speechless ang lola nyo.
Ang strong ko na pala,kapag 30 yrs old na ko.Siguro nga faith ko na pagdaanan lahat ng yun,para umabot ako sa puntong ganito.

"I admire my future self, yiiih
Ako na talaga...hahahaha" wait
May last hirit pa ko sa kanya.

"Anne,kung magkakaron ka ng power na ibalik o baguhin ang nakaraan.... Anong babaguhin mo?.... tanong ko sa kanya.
I need to know her point of view about this kasi kung anong sasabihin niya yun ang gagawin ko,she knows very well right?
After all,she's the mature version of me.

A/N
Sad
#Anne photo on top


Time Necklace (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon