Chapter 5

1.4K 34 0
                                    


Future 15 yrs after

    Andito ako ngayon sa tapat ng isang apartment type na bahay.

"Dito na siguro ako ngayon nakatira,cute siya ha?

May humintong tricycle at nakita kong bumaba ako,i mean ako
na 30 yrs old na sa panahong ito.
Tawagin na lang natin siyang
#Anne. At tama nga ako na ang bahay sa harap ko ang bago niyang tirahan.

   Pumasok siya sa loob,at pasimple akong sumunod sa kanya,invisible mode ako kaya carry lang yan.

Inayos nya yung mga pinamili niyang gulay at groceries sa kusina.Pagkatapos nun mukhang hinahanda nya na yung mga ingredients na gagamitin niya sa pagluluto.Im sure base sa ingredients na nakikita ko menudo ang lulutuin niya.

     Tumingin tingin naman ako sa paligid ng bahay,sa salas may simpleng sofa set siya at ang daming stuffed toys display,karamihan mickey mouse.May picture din sa frame,
May mga picture ng bata,me boy at may girl at ang cute nila
Sino kaya ang mga batang ito?
Anak ko kaya? Oh baka naman pamangkin.

Maya maya,dumiretso si #Anne sa isang kwarto,pansin ko tatlo ang kwarto sa bahay na ito.
Andito kaya sila Mama?

" Das? Jade? Kakain na!!!" sabi nito habang kinakatok ang pinto ng isang kwarto.

Bumukas ang kwarto at lumabas ang dalawang batang lalake na sa tantya ko 10 at 8 ang age.

"Kakain na? Anong ulam ma'?"
tanong ng mas maliit

"Menudo jade,kaya maghugas kana ng kamay at magsandok kana dun..." sagot ni #Anne

"Mama si Das puro cellphone kanina hindi pa niya ginawa yung project nya..." Sumbong ni jade

"Project? Eh tapos ko na yun kagabi pa,sumbungero ka na naman epal ka!!!" Sagot naman ni Das na mas nakakatanda.

"Tigil !!! Tama na yan,kain na...
Anong oras na papasok na kayo,bilis bilisan nyo ang kilos niyo..." Sabi ni #Anne

"So anak ko na pala ang dalawang batang ito? Ang aga ko pala nag asawa ah' at the age of 30 nakadalawa na ko?
Panu kaya ko nanganak?
Erase erase erase!!!!!

Time check 11:20am
Tapos ng kumain at mag asikaso ng mga bata,paalis na silang dalawa para pumasok sa school.
Pagkaalis ng dalawa napansin kong nagbihis si #Anne at nag ayos, " mukhang may lakad siya ah' saan kaya? Susundan ko siya"

Walang kamalay malay si #Anne na sinusundan ko siya,invisible mode pa din ako syempre mahirap na baka makita pa nila ako magtataka sila,wala naman akong kapatid na babae,mapagkamalan pa kong doppelganger niya noh?

Pansin ko wala siyang balak sumakay sa transpo,mukhang malapit lang naman ang pupuntahan niya.
Hanggang sa nakita ko siyang huminto sa tapat ng isang Day Care Center. Ano kayang gagawin niya jan?

Nakihilera lamang siya sa ibang parents na obviously nag aantay ng mga anak na lalabas sa school.

"Mama!!!!! May star ako tatlo" salubong ng isang cute na batang babae kay #Anne.
Sinalubong naman ito ni #Anne ng yakap at halik sa pisngi.

"Talaga? Galing galing naman ng baby ko?" Pagkatapos nun naglakad na sila pauwi.

Pero ako well...
"Shocking revelations ito ha?
I cant imagine tatlo magiging anak ko at an early age.
Sino kayang napangasawa ko?
Mabilis siya ha? Gwapo kaya?"
Im excited to meet him na hehehehe"

Pagdating sa bahay,pansin ko bukas ang pinto pagdating namin mukhang may tao sa loob.
"Siya na kaya yan? Yung papa ng mga anak ko???

" oh jaslie,bakit hindi mo na naman iniligpit tong shoes mo? Bungad ni #Anne sa isang dalagita na kasalukuyang kumakain sa dining table habang may nakasalpak na headset sa ulo at nanonood ng mtv sa tablet.
At dahil sa nakahead set nga,tinanggal ito ni #Anne
"Ang sabi ko bakit di mo iniligpit yung sapatos mo? At bakit hindi ka nagbihis muna bago kumain?"
tanong ni #Anne sa dalagitang sa tantya ko ay mga 12 yrs old.

"Nakalimutan ko lang, Ma'    nagmamadali ako kanina eh,kasi naiihi na ko.Tsaka gutom na ko eh,yung baon ko ibinili ko ng materials sa activity namin kanina nakalimutan ko kasing humingi sayo kagabi".. Paliwanag ng dalagita na narinig kong Jaslie ang pangalan.

"Hay naku,ok sige pagkatapos mo jan,hugasan mo na yung mga pinagkainan...

" Asia???" Tawag nito sa bunso
At nakita kong lumabas ito sa isang kwarto na may purple color na pinto.

"Ate,ito ba yung pasalubong mo sakin???" Pakita nito sa hawak niyang Goya chocolate

" di kana nakapag hintay na ibigay ko sayo noh? Ikaw na talaga kumuha,oo yan nga,pero kumain ka muna ng kanin bago yan ha?" Sagot ni jaslie kay asia

"Ohhhh.... Ang cute nila!!!!

But wait,

"O.M.G. apat na ang anak ko!!!!!!"








A/N

30 yrs old #Anne picture on top

Time Necklace (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon