Chapter 16

906 29 1
                                    

James pov

        Sa unang pagtatagpo pa lang ng mata namin ni Anne.Alam ko na sa sarili ko na siya na ang babaeng matagal ko ng inaantay.
Tinamaan ako ng Love at first sight.

Kaya ganun na lang ang panlulumo ko ng makita kong salubungin nya si Gavin.
Nung lumapit ako sa kanya ang gusto ko talagang itanong ay,
Kung boyfriend na ba nito si Gavin ngunit iba ang lumabas sa bibig ko.

      Lumayo na lang ako,at piniling pagmasdan na lamang siya lagi ng patago.Nakita ko kung palagi silang magkasama at kung gaano siya kasaya.

    Stalker na nga niya ako eh sa totoo lang,alam ko na kung saan siya sa nakatira dahil palihim ko siyang sinusundan sa twing pauwi siya.Gusto ko lang namang safe siyang makauwi sa bahay nila.

       Suki na nga rin ako sa grocery nila,at kabiruan ko palagi ang kapatid niya.

Kaya ganun na lang ang sayang naramdaman ko ng malaman ko at mapatunayan mula mismo kay Gavin na mag bestfriends lang sila.

Ngayong may chance na ako kay Anne di ko na siya pakakawalan pa.

To Anne
>    "Hi Anne...".        Sent.
Wala pang isang minuto nag reply na siya.

< "Hello James"
> "busy ka ba tomorrow?"
<"hindi naman,bakit yayayain mo ba kong makipag date?"
>"hahaha manghuhula ka ba? How did you know?"
<"secret, pwede ako sa hapon"
> "that's great.I really want to know you more anne"
>"should i bring a bio data then?"
<"you're really funny Anne,and i really like you"
>"like lang? You should love me lol! :)
<"Gavin is right,you're special"
<"hoy james hindi ako sinto sinto ah!"
>"sira ka talaga Anne"
<"pinapatawa lang kita,sige na see you tom"
>"yeah,good night"
<"nyt :)"

        Napapangiti akong humiga sa kama ko.Sounds gay pero kinikilig ako.First time ko pa lang magyayaya ng date.
Pero teka,
"San kami pupunta???

[End of james balik tayo kay Anne]

"Oh anak,ang aga mo ah' tanong sakin ni Mama

"Sasaglit lang ako sa mall ma'
May date ako mamaya eh,kailangan ko ng new outfit!!!"
sabi ko habang nagmamadaling isuot ang doll shoes ko.

"Ha? Bakit may boyfriend ka na ba? Bakit hindi mo ipinapakilala samin?" Tanong nito

"Magiging boyfriend, asawa at manugang nyo pa lang po siya s future kaya kailangan kong magpaganda ng bongga ok ma' bye" at nagmamadali na akong lumabas ng bahay at dumiretso sa mall.
Actually, nakapili na ako at na order  ko na ito online kagabi kaso hindi ko na maantay pa ang delivery kaya pick up in ko na.
After ko makuha ang dress at makabili ng ipapares ditong sandals dumiretso na ako salon.

Nakaabang na si bakla dahil nakapag pa appointment na ko.
Sinabi kong nagmamadali ako,
1hr and 30 mins ang ibinigay kong oras sa kanila kaya naman pinagtulong tulungan na nila ko,
Sinabi ko sa kanilang kailangang maging perfect ang lahat dahil first date ever ko ito at ng future husband ko na tinawan lang nila.
"Hmmmp totoo naman eh..."

   After 2hrs nakabalik na ko sa bahay, at hinintay ang pagdating ni james para sunduin ako.

"Ang ganda ganda naman ng anak ko!!!" Puri ni mama.

"Thanks Ma' sa tingin niyo ba mai-inlove talaga sakin ang future ko? At nagkatawanan na lang kami.

" bulag na lang ang hindi anak,hahahaha" sagot nito.

"Tao po???"

"Andyan na siya Ma..."

"Ako na magbubukas ng mapintahan na yang future mamanugangin kong pinagmamalaki mo" sabi ni papa na parang kabute na biglang sumulpot.At inunahan si mama na pumunta sa gate.
Kasunod naman nito si mama.

3mins na di pa pumapasok,ano ba yan bat ang tagal?
Lumabas na rin ako baka ini interrogate na ni papa at mama mag back out pa ang lovelife ko.

"Ayos lang naman daw po,next week daw po magpapadala sila ng staff sa inyo para list.." Si James yan.

"Ah ganun ba,mabuti naman.
Pasok ka muna at ng magka kwentuhan tayo.." Sabi naman ni papa

What is happening in this country!!!!

"Ah sige po.." Sagot naman ni James. Hindi man lang ako napansin kasi pinagigitnaan ni mama at papa,dumiretso sila sa loob.

Arrrggghhh!!!!! Para saan pa ang lahat ng pag paroot parito ko kanina at ang pag aayos ko ng bonggang bongga kung aagawin nila papa ang moment ko!!!

"Papa Mama!!!!!
Ako ang ipinunta ni James dito hindi naman kayo eh!!!!
Nagpapa padyak na reklamo ko.
Ina agawan nila ko ng moment eh

" Alam namin,sinabi niya nga.
Eh ini- entertain lang naman namin bisita mo eh" pout
Si papa nag pout hindi bagay.

"Tara na nga James akala ko ba may date tayo???" Sabi ko kay James na tatawa tawa lang sa isang tabi.

Tumayo na ito at nagpaalam na kami sa kanila at sumakay sa kotse ni James.

"Bakit mo naman inaaway ang parents mo Anne? Ang cute nga nila eh.." Natatawang sabi nito
Habang nagmamaneho.

"Buti pa sila napansin mong cute eh ako na nag effort ng bonggang bongga deadma ka lang"
pabulong na reklamo ko.

"Anne,I have an confession to make...."
Huh? Magpo proposed na ba siya?Agad agad? OMG

"Ano yun?" Kinakabahang tanong ko. ( sasagot ba ko kaagad ng yes? O magpapakipot pa ko ng konti? )

"Kasi Anne 1st time ko pa lang makikipag date at hindi ko alam kung saan kita dadalhin..."

Napa make face naman ako ng dahil sa sinabi niya.

"Eh first time ko rin to eh'
Hmmm di ko rin alam...." Sabi ko sa kanya.

"Ang naisip ko,puntahan natin yung mga lugar na di pa natin napupuntahan para memorable diba?"

"Tama! At alam ko na kung saan tayo pupunta!!! Excited na sabi ko.

Time Necklace (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon