Chapter 17

853 26 0
                                    

Eh kung dalhin ko kaya siya sa future, for sure hindi pa niya napupuntahan yun.
Pero syempre hindi pa pwede kasi bago pa lang niya ko nakilala noh?Baka mawindang ang lolo niyo.

Kaya andito kami ngayon sa
Enchanted Kingdom.

"James, sa roller coaster tayo!!!"

"Sige,tara..." At magkaholding hands kaming pumila para makasakay.

"Wooooohhhhhh!!!!"
"Ahhhhhhhhhh!!!!"
Nakakabinging tilian,pero masaya.

Nakatatlong rides pa kami bago nagpasyang magmemeryenda.
At ang inorder namin ay XL size na pizza for take out at bumili kami ng Dalawang XL iced tea.

Pumunta kami sa open space ground at duon kami nakihilera sa ibang grupo ng mga nagpi picnic.

"Selfie tayo James!!!" At tumabi ako sa kanya.Iba ibang pose.
Kabilaang cp ang gamit namin
Para pareho kaming may kuha.

After non,ofcourse post sa internet.

Wala pang 5mins dami ng like at comments. Nangunguna na sina Gavin at Shabby

"Daya nyo nag solo kayo di man lang kayo nag aya :( "  Gavin

"Ang sweet! Kayo na talaga!!!
#teamjan "   Shabby

"Bagay ba bagay kayo ms.anne"
Chloe

"Fans na ko ng loveteam nyo #teamjan" sophy

"Taken na ang crush ko huhuhu"
Andrei

"Wag ka ng umasa pre' " James

Huh? Pagtingin ko kay james nakatutok din sa cellphone nya.

"Nag comment ka talaga ha?"
Pang asar kong sabi

"Para hindi na sila umasa pa"
Sabay subo ng pizza sakin.

Possessive din pala tong lalakeng ito eh pero ok lang sakin.

"Anne, alam kong bago pa lang tayong makilala pero kakapalan ko na ang mukha ko.Pwede ba kitang ligawan?"

Kyaaaahhh this is it!

"Oo naman..." Nahihiyang sabi ko  kunyari,pero deep inside
( "gusto mo sagutin na din kita ngayon eh")

[A/N]
Ngayon alam niyo na kung bakit maagang nag asawa si Anne at kung bakit apat na agad ang anak niya kapag 30 yrs old na siya.

    Lumipas ang tatlong buwan na parang nasa cloud nine lagi si Anne. Palaging dumadalaw si James sa bahay nila at kung minsan tumutulong pa itong mag assist sa grocery.
Kaya naman kasundong kasundo ito ng pamilya ni Anne.

      Madalas din silang mamasyal,at kung minsan kasama rin nila sila Gavin at Shabby na tamang MU ang status.

Hanggang sa dumating ang birthday ni Anne.

Ipinasya nilang sa bahay na lang maghanda,nagpa cater na lang ang mama niya ng pagkain dahil medyo busy din ang mga ito sa grocery.

Hindi naman masyadong marami ang bisita ni Anne,
Ang tropa nya ng high school remember sila shane,liza at ang iba pa.
Ilang piling classmates,
ang buong basketball team ng university kasama si Gavin dun syempre.Si Shabby at syempre ang my loves kong si James.

Simpleng salo salo lang
Kainan,pagkatapos kantahan at inuman.
Pumayag si papa sa inuman basta light beer lang at siyempre bawal pakalasing ang lahat.

Kasalukuyang nagkakantahan ang mga kaibigan ko habang nagkakasayahan.
Maya maya pay kinuha ni james ang mike.

Hiyawan agad ang lahat,
Take note kasali jan si Mama.

"I dedicate this song for Mr.Reyna"

Ganun!!!! Para kay papa? Kala ko sakin,batuhin kita jan ng bote eh.
Basag trip.

Lakas ng kantyawan ng mga kaibigan namin.
Napasimangot ako,pero dagli ring napalitan ng pagkabigla ng makita ko ang title ng kakantahin niya sa videoke.

"Marry your daughter"

Kasunod nito ang malakas na kantyawan at malakas na tilian ng mga kasama namin ritong babae.

Kahit hindi pang singer ang tema ng boses ni James,tagos sa puso ko ang kinakanta niya.

Kaya palalagpasin ko ng si papa ang hinaharana niya ngayon.
Pout :p
Nang matapos ang kanta niya,
Lumapit siya sakin at pinatayo ako,habang hawak ang kanang kamay ko sinabi nya

"Papa' pwede ko po bang pakasalan ang prinsesa niyo balang araw???" Sinabi niya yan habang nakatingin sa mga magulang ko.

"Ano kaba james,hindi pa nga kita sinasagot hinihingi mo na ko sa mga magulang ko.." pabulong na sabi ko sa kanya.Pinisil niya lang ang kamay ko,ang atensiyon niya na kela papa.

"Sige boto naman kami sayo eh!!!"
Sagot ni papa.

At kinuyog na ng basketball team mates niya si james.

"Lupit mo pre'
Mga damoves mo!!!"

"Ang swerte mo girl"   lisa
"Ang haba ng hair"      shane
"Ikaw na talaga bhe'.   Jen
" oh? Eh bakit nanghahaba yang nguso mo jan. Anne?".  Shabby

"Eh kasi naman palagi na lang akong inuunahan nila mama at papa sa moment ko, di pa nga nya ko napapasagot kasi hindi naman siya nagtatanong.Inuna niya pang tinanong sila papa bago ako.
Ang totoo? Ako ba nililigawan o magulang ko????" Himutok ko
At mga loka loka pinagtawanan lang ako.
"Kaibigan lo ba talaga kayo???"

"Ano ka ba naman Anne,napaka slow mo" shane

"Syempre, inuna niya ang parents para sure na wala ng problema kapag kayo na..." Lisa

"Pampa good shot nga yun eh,atleast nire respeto niya ang parents mo..."  Jen

"Napaka swerte mo bhe kay James wag mo na siyang pakawalan,kung ako sayo sagutin mo na"  shabby

"Pano ko naman sasagutin eh hindi naman ako tinatanong???
Sagot ko naman

"Basta wait ka lang jan girl,malay mo balak ka niyang suprise on day?"

Hmmm oo nga noh?




A/N

Anne and James picture on top
Kuha sa birthday party ni Anne.


Time Necklace (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon