Prologue

24 1 0
                                    

Harry’s POV

“Fafa Harry! Anakan mo ako!”
“Liam ang hot mo! Ako na lang mahalin mo!”
“Fafa Zayn! Asawahin mo ako!”

Sigaw dito, sigaw dun. Huta naman oh. Di ko mapakinggan yung kanta eh.

“Loves! Ok ka lang ba? Bakit nakakunot yang noo mo may problema ba?” Tanong ng girlfriend ko habang pinipisil-pisil ang kamay ko

“Ang ingay kasi loves, wala na akong naintindihan sa kanta” sagot ko

“haha ang cute naman ng loves ko nakikinig sa 1d” sambit niya habang nakangiti atsaka sumandal sa balikat ko

“Syempre naman loves. Favorite band mo yan eh at mahal mo sila at lahat ng mahal ng mahal ko ay mahal ko na rin” pambobola ko at mukha namang effective. Kinilig eh

“Ikaw talaga loves ha! Mahal na mahal mo ako” sambit niya habang tinititigan ako

“Aba syempre! Loves kita eh” sagot ko na lalong nagpapula sa kanina pang nangangamatis sa pulang mga pisngi niya

“Ikaw talaga!” sambit niya na may kasama pang paghampas
“Teka lang loves ha. Magsic.r lang ako” paalam niya at agad siyang tumayo sa kinauupuan niya. Bibitaw na sana siya sa kapit ko ng hinigpitan ko lalo ang kapit.

“Saglit. Samahan na kita palabas hatid narin kita” sambit ko ng nakangiti at ginantihan niya rin ako ng ngiti.

Tumayo na ako at naglakad kaming dalawa papunta sa comfort room ng Mall of Asia.

+++

Kasalukuyan akong parang timang na mukhang guard ng c.r na naghihintay sa girlfriend ko na lumabas. Pinagtitinginan at pinagtatawanan na ako ng mga dumadaan at pumapasok sa c.r. Aalis na sana ako ng biglang may  pumukaw sa atensyon ko. Parang tila telenovela ang lahat, biglang bumagal ang lahat, biglang nagkaroon ng kakaibang ningning ang paligid at tanging siya lang ang nakikita ko. Palapit siya ng palapit sakin at palakas ng palakas ang kabog ng dibdib ko. Huta! Ano ‘to? Anong nangyayari? Shemay! Palapit na siya ng palapit. Tumingin siya sakin. Nagtagpo ang mga mata namin.

………………………………………….

“hoy loves! Ok ka lang?” agad akong natauhan matapos ‘kong marinig ang boses ng girlfriend ko.

“ah ano. O-oo ok lang ako, ok lang ako. Tara na!” sambit ko habang sinusundan parin siya ng tingin hanggang sa makapasok na siya sa c.r

“sinong tinitingnan mo dun?” tanong niya pagkahawak sa kamay ko

“Ah wala-wala yun loves. Tara na” sambit ko ng nakangiti

Naglakad na kami pabalik sa concert pero di parin maalis sa isip ko yung mukha niya. Tss. I will find her! I promise…

-------

Angel's P.O.V

*Tumatakbo sa isip ni Angel habang naglalakad papuntang CR*

Shete! Kung kelan andito ang mga asawa ko, ngayon pa ko nagiihi! Haays! Kainis! Horan mah loves! Liaam babyy! Harry mygosh honeeyy! Zaaayyyn babeee!!  Louuuissss hubbyyy.!! Loveyou all!! Nakakainis naman! Nakailang balik na ko dito sa CR na to! Kaasar! Tapos nakatingin pa saken yung mga tao. Nagtataka siguro kung bakit nakangiti ako tapos biglang sisimangot na naman. HAHAH! Pero may isang taong nakakuha ng atensyon ko. Diko alam kung bakit sya nakatingin saken. Okay. Nakatitig pala. Err. Awkward. Pero infairness, gwapo syaa.  Kaya habang papalapit ako ng papalapit sa pintuan ng CR, tiningnan ko din sya. Ayaw paawat ng titigan eh. HAHAHA

Habang magkatitigan kami, may lumabas na babae. Nakinig ko yung usapan nila..
"hoy loves! Ok ka lang?”
Tapos si koyang nakatitig saken, bigla atang natauhan kaya umiwas na sya ng tingin. At ako? Pumasok na sa loob ng CR.
*sigh* *Tingin sa salamin*
"Halaaa! Teka. Bakit? Bakit ganito pakiramdam ko? Bakit bigla ata akong nalungkot at naasar nung nakita kong may girlfriend pala si Koyang gwapo. Hala. Kainis naman! Haaay. Di pwede yon. Di pwedeng makrasan ko kaagad yon ng ganong kabilis. Hahahaha! Bayan! Nababaliw na ko. Nevermind na nga lang yon.. diko na namn makikita ulit yon. Pero sana.. sana magkita pa kami. Hahahah Joke! Teka! Makabalik na ngaaaa. Papakasalan ko pa si Louis my lovessss hubby eh! Or kahit sino na sa kanila. Basta sila laaangss. Hahahah “

xxx

When Destiny PlaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon