Liam's PoV
"LIAM?!?"
"LIANA?!?"
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya at umupo siya sa tabi ko
"Inatake si mama sa puso" pabulong kong sagot habang nakayuko
Biglang tumahimik ang paligid. Di siya nagsalita... Dahan dahan kong inangat ang ulo ko at tiningnan siya. Nagulat ako sa nakita ko. Ang lungkot sa mukha niya, sa mga mata niya, kitang kita ko ang lungkot sa mga mata niya. Napansin niyang nakatingin ako kaya agad siyang ngumiti
"Kamusta na siya?" Tanong niya matapos mawala ang ngiti sa labi niya
"Nakacoma siya ngayon" sagot ko at yumuko nalang ako ulit...
Naramdaman ko ang kamay niya sa balikat ko
"Wag kang mag-alala, magiging ok din si tita" sambit niya at inalis niya na ang kamay niya sa balikat ko
"Kamusta ka na nga pala? Antagal nating di nagkita? Kamusta ka na ba?" Tanong niya sa tila masiglang tono
Inangat ko ang ulo ko at tiningnan siya
"Ok naman. Ikaw kamusta ka na?" Sambit ko ng nakangiti
"Ito. Ok din naman, madalas pagod sa trabaho pero ok naman, ikaw na ba naghahandle ng kompanya ng papa mo? Siya nga pala, kamusta na si angel? Kasama mo ba siya dito ngayon?" Sunod sunod niyang tanong
"Nandyan siya sa loob ng room, malamang hanggang ngayon umiiyak parin yun" sagot ko
"E? Eh bakit iniwan mo siya dun? Dapat samahan mo siya kailangan ka niya ngayon" sambit niya at tumayo na siya
"Sige na. Puntahan mo na siya dun. Kailangan ka niya ngayon. Kwentuhan ulit tayo sa susunod ha! Marami pa akong gustong itanong sayo eh hahah sige na. Alis na ako. Bye" sambit niya ng nakangiti at tumakbo na palayo
Naiwan ako dun na nakatulala hanggang sa matauhan ako at bumalik na sa loob ng kwarto
---
Dwayne's PoV
*sighs* buntong hininga ko habang nakaupo sa bangko sa tabi ng kama ng lalaking tinulungan ko. Mabuti na lang at nakita ko siya sa daan habang papunta ako sa bahay ng kuya ko dahil kung hindi baka naubos na dugo nito dun. Kaso pano to? Di ko 'to maiiwan dito ng walang kasama *sighs*
Tiningnan ko ulit ang cellphone niya at tiningnan ang mga text messages niya at agad napukaw ang attensiyon ko ng pangalawang pangalan sa sent messages niya.
[Hi. Kaibigan po ba ito ng may-ari ng cellphone na 'to? Naaksidente po kasi siya, naandito po siya ngayon sa hospital sa St. Lukas, room 206 po. Naandito po ako ngayon sa kwarto kasama niya. Kailangan niya lang po ng makakasama dito]
-Sent-Sinend ko ang mensahe sa pangalan na kapareho ng pangalan ng kuya ko...
---
Diana's PoV
(Phone rings)
Nagising ako sa pagkakaidlip ng marinig ko ang pagtunog ng cellphone ni harry. Agad ko itong kinuha at tiningnan. Tumatawag si tita... Agad kong sinagot ang tawag
"Hello po tita" sambit ko
"Diana?... Diana iha! ikaw ba yan?" Sambit ni tita mula sa kabilang linya
"Opo tita" sagot ko
"Ay iha kamusta na si harry?"
"Tita nasa hospital po kami ngayon, nakaconfine po si harry eh. Nagcollapse po siya sa kanila kaninang maga. Pero wag ka pong mag-alala ok naman na daw po siya sabi ng doktor kailangan niya lang daw pong magpahinga. Atsaka babantayan ko po siyang mabuti" sagot ko
"Ah ganun ba? Sige iha maraming maraming salamat, saang hospital ba kayo atsaka anong room? Papupuntahan ko sa kapatid niya, di kasi ako makaalis ng bahay, may lagnat kasi si elia kaya di ako makapunta sa kanya, pasabi na lang din kay harry, magpagaling siya"
"Opo tita. Nandito po kami sa St. Lukas Hospital sa room 204 po ang room niya"
"Ah sige iha. Maraming salamat ulit" Sambit ni tita at binaba niya na ang tawag
Ibabalik ko na sana ang cellphone niya sa lamesa ng napansin ko na mayroon siyang text mula kay zayn. Hindi ko alam kung bakit pero agad kong binuksan ang text at binasa ang mensahe...
[Hi. Kaibigan po ba ito ng may-ari ng cellphone na 'to? Naaksidente po kasi siya, naandito po siya ngayon sa hospital sa St. Lukas, room 206 po. Naandito po ako ngayon sa kwarto kasama niya. Kailangan niya lang po ng makakasama dito]
- 2:18pm---
Nandito na ako sa harap ng room 206, pinabantayan ko muna si harry kay manang dolores para puntahan si zayn. Dahan dahan kong binuksan ang pinto at nagulat ako sa nakita ko...
"Dwayne?!?"
"Ate Diana?!?"
---
Dwayne's PoV
"Ate diana! Anong ginagawa mo dito atsaka bakit? Teka! Kasama mo ba si kuya?" Tanong ko sa girlfriend ng kuya ko matapos niyang pumasok sa kwarto kung saan nakaconfine itong si zayn.
"Oo, at nabasa ko yung text galing sa number ni zayn. Ikaw ba nagsend nun?" Tanong niya habang lumalapit at tinitingnan ang kaawa-awang itsura ni zayn
"Opo. Pero teka ate, bakit nandito ka kagad? Nandito rin ba sa hospital si kuya?" Tanong ko at agad siyang tumingin sakin
"Oo, nakaconfine din siya dito" sagot niya
"Bakit po? Anong nangyari kay kuya? Anong sakit niya?" Tanong ko pa
"Hindi ko pa rin alam, tinetest pa ng mga doktor ang kuya mo para malaman sakit niya pero magiging ok din naman daw siya kailangan lang daw niya ng pahinga at bumababa naman na lagnat niya" sagot niya at tumingin ulit siya kay zayn
"Anong nangyari sa kanya?" Tanong niya at agad ulit tumingin sakin
"Nagmomotor siya sa gitna ng ulan kaya ayun nabunggo sa poste at tumilapon, mabuti na lang at papunta ako sa bahay ni kuya ng mangyari yun kaya nadala siya agad sa hospital at mabuti na lang din dahil ilang mga buto lang ang nabali sa kanya at magiging ok na din siya" sagot ko
"Mabuti na lang pala nandun ka, na sayo pa yung cellphone niya? Pwedeng pahiram?" Tanong niya
"Opo" sagot ko at iaabot na sana sa kanya ang cellphone ng biglang nagbukas ang pinto ng kwarto...
.
.
.
.
.
.
......."Diana?!?"......"Angel?!?"
xxx
BINABASA MO ANG
When Destiny Plays
Teen FictionA story of love and misfortunes "Its not love if there's no sacrifice" ~JQM