Harry's POV
*drip drop* *drip drop*
Nagising ako ng maramdaman ko ang maliliit na patak ng tubig sa mukha ko hanggang sa lalong lumakas ang mga pagpatak. Nakatulog pala ako. Malamang nagsisimula na ang klase kaya naisipan kong manatili nalang na nakahiga at magpaulan. Napangiti ako at muling pumikit. Dinama ko ang bawat pagpatak ng ulan sa buo kong katawan. Kasabay ng pagpatak ng ulan ay ang pagpatak ng mga luhang di ko inaasahan. Napalitan ng hikbi ang ngiti ko.
>>>>>Fast Forward
Andito na ako sa labas ng school ngayon at umuulan parin. Mula kanina, hindi pa tumigil ang ulan kaya't basang basa parin ako. At dahil basang basa ako hinintay ko na lang mag-alas sais para wala ng mga estudyante at kung meron man kokonti na lang. Naglalakad na ako pauwi sa bahay dahil basang basa narin naman ako at nakakahiya ang sumakay sa jeep ng mukha akong basang sisiw.
"Hachuuu!!!"
*singhot* *sighs* bwesit. Sinipon pa ako. At giniginaw narin ako. Patuloy na pumapatak ang ulan sa buong katawan ko at dahil sa ginaw ay niyapos ko na ang sarili ko at nakayuko na ako sa paglalakad.
Patuloy lang akong naglalakad pauwi ng bigla kong naramdaman ang pagtigil ng patak ng ulan sa katawan ko sa kabila ng patuloy na malakas na pagpatak ng ulan sa paligid. Agad ko ring napansin ang taong nakatayo sa harap ko. Dahan dahan kong iniangat ang ulo ko at nakita ko siya...
Nakita ko si Diana...
"Anong ginagawa mo?" Tanong niya habang nakatitig sa mga mata ko
Di ako sumagot at nagsimula ng maglakad ulit at nilampasan ko siya
"Ano bang problema mo?" Sambit niya matapos ko siyang lampasan, naramdaman ko ang lungkot sa boses niya at alam kong pumapatak na ang luha niya.
"Ano bang problema? Di mo na ba ako mahal? May iba na ba? Oh talagang ayaw mo na lang sakin? Ano ba kasing problema? Sabihin mo kasi, ang hirap kasing manghula eh!" Dagdag pa niya.
Naiinis ako sa narinig ko. Ang sakit isipin na dahil sa katangahan ko may nasasaktan ako, nasasaktan ko ang taong nagmamahal sakin, ang taong minamahal ko, ang sakit isipin na nakakasakit ako ng dahil sa katangahan ko. Nakakaputangina!
"Bakit ba ang oa mo?" Sambit ko na halos ibulong ko na pero alam kong rinig niya. Napatiklop na lang ang kamao ko ng dahil sa nasabi ko. Nagsimula na ulit akong maglakad at iniwan ko na siya dun. Pero nagulat ako ng pinayungan niya ulit ako at sumabay siya sa paglalakad ko.
Agad akong huminto sa paglalakad at humarap sa kanya
"Anong ginagawa mo?" Tanong ko sa kanya habang nakatitig sa mga mata niya. Iniwas niya ang tingin niya. Basa pa ang mukha niya mula sa pag-iyak at kitang kita ko ang pilit na pilit na pagpipigil niya sa patuloy na pagluha.
"Ihahatid na kita sa inyo" sagot niya sa mahina't basag na tono ng boses.
"Di mo na kailangang gawin yun. Umuwi ka na" sambit ko at naglakad na ulit ako pero sumunod parin siya kaya't agad akong tumigil at hinarap ulit siya
"Ano bang problema mo? Diba sabi ko umuwi ka na?!" Sambit ko at napansin kong tumataas na ang boses ko kaya agad ulit napatiklop ang mga kamao ko sa inis. Nanatili lang siya dung nakatayo at nakayuko
"Umuwi ka na" sabi ko ulit pero di parin siya umalis
"Basang basa ka na ng ulan. Baka magkasakit ka, may pasok pa bukas, di ka pwedeng magkasakit. Ihahatid na kita sa inyo" sambit niya habang nakayuko parin
"Hindi ako bata para ihatid sa bahay at isa pa, basang basa narin naman ako ng ulan kaya wala na ring silbi kung papayungan mo ako. Please umalis ka na" sambit ko at naglakad na ulit palayo pero hinabol niya parin ako at pinayungan ulit
"Tss. Di ka ba marunong makaintindi? Di mo ba---" pinutol niya ang sadabihin ko
"Pero diba ginagawa mo rin sakin yun. Lagi mo akong ihinahatid samin at di mo ako hinahayaang umuwi mag-isa, itinuturing mo akong bata at kahit kailan di ako nagreklamo kasi alam kong mahal mo ako" sambit niya ng nakangiti habang pumapatak ang mga luha niya.
Di ko na napigilan ang luha ko at kusa na itong bumagsak. Lalo akong nainis sa sarili ko. *sighs* Ano nga ba tong ginagawa ko?
"Ok. Ihatid mo na ako samin" sambit ko at tumalikod na ako sa kanya at nagsimula na kaming maglakad
>>>>>FastForward
"Salamat. Mag-iingat ka pauwi sa inyo" sambit ko matapos kong isarado ang gate ng bahay.
Ngumiti lang siya. Tss.
Naglakad na ako papasok ng bahay at iniwan ko siya dun. Alam ko ang tanga ko. Alam ko dapat ihatid ko siya sa kanila dahil delikado siya sa daan pero di ko magawa. Di ko pa kayang makasama siya ng matagal, dahil alam kong di rin kami mag-iimikin kagaya ng ginawa namin habang pauwi sa amin. Wala sa aming umiimik at naglalakad lang kami na parang di namin kasama ang isa't isa. Naglakad kami na para lang dalawang taong di magkakilala at nagkasabay lang sa daan.
Pagpasok ko ng bahay ay agad napansin ni manang dolores ang basang basa kong katawan.
"Anak! Anong nangyari? Bakit basang basa ka? Saglit kukuha lang ako ng twalya" pag-aalala ni manang at agad siyang tumakbo para kumuha ng twalya.
Maglalakad na sana ako sa hagdan ng makaramdam ako ng hilo at biglang lumabo ang mata ko. Napansin ko na nakabalik na si manang at papalapit na siya sakin ng biglang tuluyang nagdilim ang paningin ko, tila nawala rin ang pandinig ko at bigla na akong nawalan ng balanse at tumaob
------
(The Next Morning...)
xxx
BINABASA MO ANG
When Destiny Plays
Teen FictionA story of love and misfortunes "Its not love if there's no sacrifice" ~JQM