Harry's POV
"Oy loves! Tulala ka nanaman, ano bang iniisip mo at kanina ka pang natutulala?" tanong ni Diana, ang girlfriend ko.
"Wala loves, napuyat lang ako kagabi kaya tulog parin ang diwa ko haha" pag sisinungaling ko, ang totoo kasi niyan nung lingo pa ako natutuliro at nalilito sa nararamdaman ko nang dahil dun sa babaeng nakita ko sa concert ng 1d. Nalove at first sight yata ako eh. Potek! Ang bading!
"E? sorry na loves di mo naman sinabi sakin na napupuyat ka pala ng dahil sakin. Sorry" pabebe niyang sambit sabay yapos sa braso ko."haha Ano ka ba loves? Lahat ng puyat, pagod at sakit ng ulo ay worth it basta para sayo" pambobola ko na agad nagpapula sa pisngi niya
"Ikaw talaga loves. Kaya mahal na mahal kita eh" lalo niyang hinigpitan ang yakap niya sa braso ko
Syanga pala haha di pa nga pala ako nakakapagpakilala. Ako nga pala si Harry Reyes; labing anim na taong gulang, nakatira sa bahay namin at nagtatrabaho sa krusty krab haha biro lang, anyways, I'm 16 at nag-aaral ako sa FATE University bilang isang grade 12 student. Nandito kami ngayon ng girlfriend ko sa cafeteria ng school. Kasisimula lang ng pasukan kahapon kaya wala pa kaming masyadong ginagawa at wala pa rin kaming mga teacher sa ibang subject kaya tambay muna kami dito.
"Oy! Tulala ka na naman" sambit niya habang hinahampas-hampas ang pisngi ko
"Sorry na loves haha" sambit ko at niyapos ko siya ng mahigpit na agad nagpangiti sa kanya ng wagas
"Hoy! Keaga-aga, naglalandian na kagad kayo dyan. Humanap nga kayo ng kwarto" pagbibiro ng kaklase't kaibigan kong si Zayn. Hinawe at pinaghiwalay niya kami at umupo siya sa gitna naming dalawa.
"Ang lalandi niyo!" dagdag pa niya
"Inggit ka lang!" sabay naming sambit at agad kaming natawa sa isa't isa
"kailangan talaga sabay? haha Wag niyo nga akong ginaganyan ha! Atsaka anong inggit? lolz bakit ako maiingit eh meron naman ako haha" pagdedepensa niya sa sarili
"E? talaga ba? Bakit? Sinagot ka na ba? haha" pang-aasar ko at natawa naman bigla si loves sa sinabi ko
"che! Oo hindi pa pero malapit na, I can feel it, I can sense it and I believe it haha" pagsagot niya na nakakatanga
"Edi wow! Haha Che pati. Ang bading eh haha Goodluck sayo pre!" pang-aasar ko pa
"Tandaan mo to! Magbebreak din kayo!" Sambit niya at tumayo na mula sa pagkakaupo
"Sensya na Diana ha hihiramin ko muna si parekuy, wag kang mag-alala isosoli ko din naman agad haha" pagbibiro pa niya at hinila na ako patayo mula sa pagkakaupo.
"E? ayoko nga! Akin lang si loves, akin lang!" sagot niya at agad hinila ang kamay ko at hinila ako paupo sa tabi niya. Wala akong ibang nagawa kundi ang umaray.
"Edi iyo na, saksak mo sa ilong mo!" pangbibiro pa ni zayn
"haha loves ipahiram mo na muna ako kay parekuy at baka mapagalitan ako ni miss Capia kapag nalate kami" sambit ko at agad niya din namang binitawan ang kamay ko.
"sige na nga. Basta isosoli mo agad sakin si loves ko ha" pabebe niyang sambit habang nakapout ang mga labi.
"Opo ma'am! Tss. Parang bata!" pagsagot ni zayn at hinawakan ang braso ko at naglakad na kami paalis
"Alis na kami ma'am!" pahabol pa ni zayn bago kami tuluyang lumabas ng cafeteria at tumakbo papunta sa room, narinig ko pang sumigaw si loves ng "babye loves!"
+++
Andito na ako sa room namin ngayon at saktong kararating lang din ni ma'am Capia, syanga pala, kung nagtataka kayo kung bakit di ko kasama si loves sa klase, simple lang po. Di po kami pareho ng track. Pareho kaming grade 12 pero sa humms ako at siya naman ay sa abm.
"GoodAfternoon ma'am" pagbati naming lahat kay ma'am pagkapasok niya sa room.
"GoodAfternoon class, by the way bago ako magproceed sa klase I would like to introduce first ang bago niyong kaklase, transfer siya mula sa KIR Academy. She's a girl, so boys and girls please treat her nicely, ok?" mahabang daldal ni ma'am sa bagay na wala naman akong pake.
"Saglit lang ha, susunduin ko lang siya" paalam ni ma'am at lumabas na siya ng room.
Wow! Disundo! VIP naman po pala si ate girl haha. Nangungulangot ako ng bigla akong kuhitin ni zayn sa balikat, sa likod ko lang kasi siya nakaupo. Agad ko siyang nilingon at hinawakan ko ang braso niya, di niya alam na pinahiran ko na siya ng kulangot XP
"Ano at kuhit ka ng kuhit?" tanong ko matapos kung tanggalin ang kamay ko sa braso niya."Erp, diba gusto mong makilala yung nililigawan ko?" tanong niya habang abot tenga ang ngiti
"Oo, bakit pupunta ba siya dito ngayon?"
"Hindi tol" maikling sagot niya at hanggang ngayon ay di parin naaalis ang abot tenga niyang ngiti
"Oh eh bakit mo naitanong kung gusto kong makilala? Bakit? Magkikita ba kayo ngayon at isasama mo ako?"
"Hindi siya pupunta dito tol kasi nandito na siya, ayan na siya oh!" sambit niya at itinuro ang babaeng pumasok sa room kasama ni ma'am Capia.
"You've got to be kidding me!" ang unang lumabas mula sa bibig ko unconsciously, matapos kong makita kung sino yung tinutukoy niya. My Ghad! Is this destiny?
"Ha?" narinig kong sambit ni zayn pero wala akong pake dahil nagsimula nanamang dumagungdong ang puso ko. Huta! Answered prayer!
Nalove at second sight na yata ako...
xxx
![](https://img.wattpad.com/cover/122113077-288-k224496.jpg)
BINABASA MO ANG
When Destiny Plays
Teen FictionA story of love and misfortunes "Its not love if there's no sacrifice" ~JQM