Harry's POV
*sighs* pagbuntung hininga ko matapos kong makahiga. Nasa rooftop ako ng school ngayon. Akala ko magiging maganda ang araw na 'to dahil sa mga nangyari nung maga, hindi rin pala, panandalian lang pala lahat yun. Matapos nang klase namin ay agad na nagsimula ang gulo. Gulo na ako ang dahilan. Ngayon, paniguradong kung ano-ano ng pinagsasasabi ni z sa kanya. *sighs* napabuntong hininga nalang ako ulit ng biglang sumagi sa isip ko ang mga nangyari kanina
.....
"Z ano ba!? Nasasaktan na si Queen!"
.....
"QUEEN?! WOW! Hahaha"
.....
*slap*
.....
"Harry! Sinong kasama mo kaninang umaga? Kitang kita ng dalawa kong mata na may kasama kang babae?! Sino yun?! Ingungudngod ko sa basurahan once na makilala ko yang babae mo!"
.....
"Ano ba Diana! Wag ngayon please lang?! Wala ako sa mood makipag-usap sayo! At wala akong ibang babae! Kaya please lang?! Itigil mo pagiging immature mo ngayon!"
.....
"Aaahhhh!" Napasigaw na lang ako sa mga naalala ko.
-----
Zayn's POV
"Ano bang problema mo?" Galit niyang tanong matapos bitawan ang braso ko
"Bakit galit ka? Diba ako ang dapat magalit?" Sagot ko sa mahinahong boses. Ayokong sabayan ang panggagalaiti niya
"At bakit ka naman dapat magalit ha? May ginawa ba akong mali? Kasi last time I check wala naman!" Galit niya paring tanong.
Sa loob ng isang taon bibihira ko siyang makitang maging ganito at alam kong kapag ganito na siya ay talagang galit siya.
Niyapos ko siya at di naman siya pumalag
"Pasensya ka na. Alam mo naman na seloso ako diba? At alam mong di ko mapigilan ang emosyon ko pag nagsimula na akong magalit dahil sa selos. Nakita kasi kitang kasabay pumasok si harry, tumatawa pa kayo, hindi ko napigilan ang emosyon ko. Tapos tinawag ka pa niyang queen. Nakakainis eh. Ganun ba kayo kaclose? Eh parang ngayon lang naman kayo nagkakilala eh. *sighs* Pasensya ka na talaga. Nadala lang ako ng emosyon. Sorry" bulong ko sa tenga niya habang lalong hinigpitan ang yakap ko.
Mahal na mahal kita gel at di ko hahayaan na makuha ka ng iba. Lalo na pag kaibigan ko pa. Di ako makakapayag...
Akala ko ok na kaming dalawa ng bigla niyang inalis ang yakap ko at dahil sa gulat ko ay di ko na siya napigilan. Agad siyang tumakbo palayo.
"Teka loves! San ka pupunta?" Sigaw ko habang hinahabol siya pero patuloy lang siya sa pagtakbo kaya't lalo kong binilisan ang takbo ko.
Naabutan ko siya at agad na hinawakan ang kamay niya
"Loves. Bakit ka tumakbo?" Tanong ko matapos kong makapunta sa harap niya. Tumingin siya sa mata ko atsaka yumuko.
"Zayn. Pwede bang pabayaan mo muna akong mapag-isa? Please" nakaramdam ako ng lungkot sa boses niya. Hindi ko alam kung bakit pero nakaramdam ako ng sakit sa dibdib ko. Ayokong paluhain siya. T*ngina naman eh! Bakit kasi napakaseloso ko.
*sighs* napabuntong hininga ako bago ko binitawan ang kamay niya at pagkatapos nun ay agad na siyang tumakbo palayo at di ko na siya hinabol. Napayuko nalang din ako sa inis.
xxx
BINABASA MO ANG
When Destiny Plays
Novela JuvenilA story of love and misfortunes "Its not love if there's no sacrifice" ~JQM