Chapter 5: A Walk To....The Cafeteria

7 0 0
                                    


Harry's POV

"... I'm courting her. So better back off sa mga nagbabalak manligaw sa kanya. Akin lang sya." Sigaw ni zayn na tila nagpaparinig.

At di ko inasahan ang naging reaksyon ko...

"Tss. Tsk!"

The Fak! What the hell is wrong with me. Tss.

"Tara na sa cafeteria love" pagyayaya ni zayn kay angel na may kasama pang pag-akbay. Tss. Kala mo naman sila na. Tss.

"Ah ano... S-sige" sambit ni angel na tila napipilitan. Haha sabi na nga ba eh. Ligwak naman to si parekuy kay angel eh haha

"Sama kami" nakangiting sambit ni cindy

"Sure!" Nakangiti't proud na sagot ni zayn na kala mo boss

"Yey!" tuwang tuwang sabi ni cindy

Maglalakad na sila palabas ng room ng sumabay ako sa kanila.

"Ako? Pwedeng sumama?" Sambit ko na agad nagpahinto sa paglalakad nila. Napatangin silang lahat sa akin, pati na rin si angel.

"Ay oo nga pala! Tol! Pasensya na! Nakalimutan ko haha tara! Isasauli pa kita sa loves mo" pabirong sambit ni zayn na tila nakakainsulto. Tss. Soli mo 'to!

Hinawakan niya ang braso ko at hinila ako palapit sa kanya, nginitian ako ng dalawang babaeng kasama nila at ng tumingin ako kay angel... bigla na namang nagsimulang kumabog ang dibdib ko. Potek! Ano ba tong nararamdaman ko. Hindi na tama 'to eh. Tss.

Nagsimula na kaming maglakad.

"Ah nga pala, angel ok lang bang gel na lang ang itawag namin sayo para unique? Haha" tanong ni cindy

"Ha? Ah o-oo naman! Ok na ok lang" sagot niya na may kasama pang pagthumbs up. Cool din pala to eh. Mukhang childish haha

"Hoy! Nginingiti-ngiti mo dyan?" Tanong sakin ni zayn na nakatitig sakin na tila nag-oobserba

"Wala, bawal ngumiti?" Sambit ko sabay pasok ng kamay sa bulsa ng pantalon ko.

"Hindi!" Sagot niya sabay tawa

"Syanga pala z, diba nanliligaw ka kay gel?" Tanong ni cindy

By the way. Z ang tawag kay zayn ng karamihan dito sa school.

"Yup" proud na sagot ni zayn with matching ngiti na hanggang tenga

"Teka. Z?" Sambit ni angel na nakatitig kay zayn na tila naguguluhan

"Haha yun ang tawag sakin dito sa school love haha" sagot ni zayn

"Ah"

"Pero z, gano katagal ka ng nanliligaw sa kanya?" Dagdag pang tanong ni cindy na panandaliang nagpakunot sa noo ni zayn.

"Secret!" Pagbibiro niya

"E? Andamot! Kailan nga?" Pangungulit pa ni cindy

"Secret nga"

"E.e sige. Si angel na lang ang tatanungin ko. Angel kailan pa nanliligaw sayo yang si z? Bago lang ba?" Tanong ni cindy kay angel na tila namula ang pisngi at tila nahihiya na naman.

"Ah ano... Secret daw eh haha" maikling sagot niya

"E? Andamot niyo namang dalawa

" haha ganon talaga" sambit ni zayn

"Syanga pala harry, sa cafeteria na lang ba kayo magkikita ni diana? Di mo na siya susunduin sa room nila?" Tanong niya sakin sabay akbay. Napansin kong lumingon si angel para tingnan ako pero agad ding lumingon palayo ng tingin.

"Hindi na. Nagtext siya sakin, nasa cafeteria na daw siya. Dun ko na lang daw siya puntahan. Hihintayin niya na lang daw ako dun" sagot ko

"Ah. Ok. Sabay sabay na lang tayong kumain lahat para masaya" suggestion niya

"O'right! Ok ako dyan. The more the manier! (many-yer)... Ay the merrier pala yun haha" tuwang tuwang sambit ni cindy

"Lelz. Joker haha" sambit ko na agad nagpahinto sa paglalakad niya.

"Biro lang haha galit agad. Biro lang po" pagbawi ko sa sinabi ko

Nagsimula na ulit siyang maglakad. And after 3 minutes ng paglalakad ay nakarating na rin kami sa cafeteria.

"Yehey! Andito na tayo!" Sambit ni zayn na parang bata. Isip bata talaga. Tss

Pagkabukas na pagkabukas ni zayn ng pinto ng cafeteria ay agad bumungad sa harapan ko ang girlfriend ko at nakita niya rin ako.

"Loooovvveeeesss" sigaw niya habang tumatakbo papalapit sakin at agad akong niyapos ng makalapit na siya

"Hi loves" sambit ko ng nakangiti at niyapos ko rin siya kaya lalo pa niyang hinigpitan ang yakap niya

"Oy! Ano ba kayong dalawa? Magsogu  nga kayong dalawa! Dun niyo gawin yan wag dito. Para kayong mga bata! Sa cafeteria pa kayo naggaganyanan! Haha" Pagbibiro ni zayn na naging dahilan ng pagtingin ko sa kanya at sa di ko inaasahang pagkakita sa naging reaksyon at timpla ng mukha ni angel habang nakatingin at nakatitig sakin at kay loves na magkayapos.

What's with that reaction? Teka! Nagseselos ba siya? I wish! Haha Tss.

xxx

When Destiny PlaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon