Angel's P.O.V
Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko kung bakit diko na pinatapos yung sinasabi ni Zayn. Mabilis akong kumalas sa pagkakayakap nya saken at tumakbo. Nakailang tawag sya ngunit diko sya nilingon. Dahil malalaki yung hakbang nya kesa saken, naabutan nya parin ako at hinawakan ang kamay ko.
"Loves. Bakit ka tumakbo?" Tanong nya. Humarap ako at tumingin sa kanyang mga mata. Naiiyak na ko pero no. Hindi ko pwedeng patuluin ito.
"Zayn. Pwede bang pabayaan mo muna akong mapag-isa? Please" Sinabi ko sa kanya ng diretso, binitawan nya ang kamay ko at nakita ko kung paano sya nasaktan ng sobra sobra. At yung mga mata nya, unti-unti ng may namumuong luha kaya tumalikod na ako at nagsimulang tumakbo muli dahil ayokong may makitang umiiyak sa harapan ko.
"I'm sorry Z.. I'm sorry.." bulong ko kasabay ng pagbagsak ng aking mga luha.. at ng ulan..-----
*Hours later*
Nakauwi na ko sa bahay. Basang basa ako ng ulan dahil tinakbo ko mula sa school papunta sa sakayan. Wala kaseng dumadaan na sasakyan kaya dun ako sa mismong terminal ng jeep naghintay. Wala na kong pakialam sa mga sinasabi ng mga nakakita saken. Pagkarating ko sa bahay, napagalitan ako ng mama ko dahil basang basa ako. Kesho baka magkasakit daw ako at kung ano ano pa. Kaya sabi ko nalang "Ma, aakyat na po ako.. Sorry." at natahimik sya dahil naramdaman nya atang wala ako sa mood at may problema. *Sighs* Inayos ko yung sarili ko. Naligo at nagpalit na ng damit. Inisip ko yung mga pangyayare at napaiyak na namn ako.. Halos ilang oras din akong umiyak at nakatulog na.. Hindi na ko ginising ni Mama at alam nyang pagod siguro ako kaya maagap nakatulog..*Kinabukasan*
Hindi ko.. Teka. *kuha ng salamin sa kalapit na lagayan.* *tingin* +_____+ =______= -________- Muntik ko ng maibato ang salamin at taging 'Hala' nalng ang nasabi ko dahil para akong nakakita ng aswang sa sarili kong repleksyon. Pugto ang mata, anlaki ng eyebags at sobrang pangit ko! As iiiin. -________- At bigla ko na namang naalala yung kahapon. Nagmadali akong nagbihis at naligo. At bumaba upang magalmusal. Napansin ni mama yung itsura ng mata ko.
"Queen, Okay kalang ba? May nangyare ba sayo? Umiyak kaba? Bakit ganan itsura mo anak??" Pagaalala nyang tanong.."Okay lang po ako Ma. Puyat at napagod lang po." Ngumiti parin ako kahit alam kong hinang hina parin ako..
"Sigurado kaba? Wla ka bang sakit? Okay ka lang? Di mo kelangan ng Doctor?"
"Opo. Okay lang po ako. Don't worry" *Smiles* Perks of having a loving Family! Super thankful ako kay God for giving them to me. Ooops. Sya nga pala, Si Papa nga nasa work sya kaya wlaa sya dito sa bahay, at yung kuya ko, I don't know kung nasan sya. Hahaha Joke! He's too busy sa kung ano anong bagay. Kase sya yung susunod na maghahandle sa business namin. Minsan lang sya nakakauwi. Kaya lagi lang kaming solo ni Mama dito sa bahay. Pero safe naman kami dahil may ilang kasama naman kami sa bahay. At laging sinisugardo ni papa na ligtas kami. Si Kuya? Hmm. Halos magkaparehas lang kami ng itsura na mala-anghel daw. Kung ako, may pagka-makulit, sya sobrang seryoso na akala mo laging galit.. Wag na kayong magtaka kung wala yang makakasundong lalaki na lumalapit o nagtatangkang manligaw saken. 😂😂Si Z? Actually, Ayaw nya kay Z pero mapilit si Z. Idk kung bakit ayaw nya. Medyo naaangasan sya pero wala na syang nagawa. And speaking of that guy, nakailang chat, text, at missed calls sya. Hindi ko sya nirereplyan at sinasagot dahil buo na desisyon ko.. Hindi ko muna sya kakausapin dahil kelangan ko munang mapagisa. Kelangan kong magisip at maging sigurado sa lahat lahat lalong lalo na sa nararamdaman ko. Mahal ko ba sya? O gusto ko ba sya? Sasagutin ko ba sya? O ano pa man.. At sa mga tanong kong iyon.. Si Harry. Sya ang nagiging sagot sa lahat ng yon.."Fvck! Hindi maaari to." Bulong ko sa sarili ko at nagmadali ng pumasok sa school. Hindi na ko nagexpect na makikita si Harry sa tapat ng bahay namin dahil ayoko rin muna syang makita sa ngayon..
---
*Classroom*
Nakita ko na agad si Z, nakatingin sya at basang basa ko yung sinasabi ng mga mata nya pero umiwas ako ng tingin..Kung muka akong aswang ngayon, Si Z, ganon din. Thou anlaki din ng eyebags at halatang nagiiyak sya magdamag, hindi parin nawala yung kagwapuhan nya.. Nilibot ko ang paningin ko sa buong klase, napansin kong wala si Harry.. Absent daw usap usapan ng iba kong kaklase.. Lalo akong nalungkot ng mapagtanto iyon.. Napatingin muli ako kay Z, at this time. Sya naman yung umiwas. Nasasaktan sya. Nasasaktan na naman sya nang dahil saken.. Tinanong ako ni Cindy at Anne kung okay lang daw ba ako. Sinabi ko nalng na oo para di na sila mangulit..
Habang naglelecture, ang tanging nasa isip ko lang" I'm Sorry Z. I'm sorry.. 😭 Hindi ko ginusto lahat ng nangyayare.. At lalong hindi ko ginustong main-love sa kaibigan mo.. I'm sorry.." Yan ang mga bagay na gustong gusto kong sabihin ngunit walang lumalabas.. Natatakot ako sa mga mangyayare.. Oo nga pala. May girlfriend sya.💔
SANA. MAGING. OKAY. ANG. LAHAT.
xxx
BINABASA MO ANG
When Destiny Plays
Teen FictionA story of love and misfortunes "Its not love if there's no sacrifice" ~JQM