Chapter 19: Old Ties part 1

9 0 0
                                    

Liam's PoV

Nasa kwarto na kami sa hospital kung saan nakaconfine si mama. Agad na tumakbo at humagulgol si angel sa tabi ng natutulog na si mama...

"Ma! Andito na ako... Gumising ka na!" Sambit niya habang nakahawak ng mahigpit sa kamay ni mama at bumubulong sa tenga nito

Nacoma si mama matapos niyang atakihin sa puso, napatiklop na naman ang mga kamao ko matapos kong tingnan ang itsura ng natutulog kong mama at ang nakaka-awang pagluha ng kapatid ko. Napangitngit ang mga ngipin ko at di ko na kinaya...

Agad akong lumabas ng kwarto at umupo sa isang bench sa labas ng kwarto...

Hindi ko kaya... Hindi ko pa kaya... Ayokong maalala ang sakit... Hindi ko pa kaya...

#Flashback

"I love you! I love you! I love you"
Paulit-ulit niyang sambit habang nakayapos ang mga bisig niya sa leeg ko at hinahalikan ako sa pisngi

"Hahah mahal din kita, pero nagmamaneho ako, baka maaksidente tayo" pagrereklamo ko habang nakangiti

"I love you! I love you! I love you!" Paguulit niya sa ginawa niya kanina

"E? Tama na, sige ka, ikikiss kita sa lips pag di ka tumigil" sambit ko at hinalikan niya ulit ako sa pisngi sabay bulong ng i love you...

Agad ko siyang nilingon at hahalikan ko na sana siya ng mapansin ko ang sobrang liwanag na tumatama sa harapan ng sasakyan namin kaya agad akong lumingon pabalik at nagulat ako sa sunod kong nakita......

(Screeeecccchhhhh!!!)

(BLOG!!!)

#EndOfFlashBack

Ayoko na!!!!

---

(Diana's PoV)

"Wag ka ng mag-alala, magiging ok din si harry, kailangan niya lang magpahinga, gagawa lang kami ng iba pang test para makita kung ano ba talagang sakit niya pero bumababa naman na ang lagnat niya, wag kang mag-alala gagawin kong lahat para gumaling na siya at ipinapangako ko sayong magiging ok din ang boyfriend mo" sambit ng ate ko ng nakangiti

"Salamat ate" sambit ko habang tinutuyo ang luha ko

Hinawakan niya ang balikat ko...

"Wag ka ng umiyak. Laki-laki mo na eh hahah, sige ha. Alis muna ako. Bantayan mo bf mo ha" sambit niya

"Opo ate" sagot ko ng nakangiti

"Good. Sige alis muna ako" sambit niya at lumabas na siya ng kwarto

Pinunasan ko ang mga tumutulong luha sa mukha ko at agad akong humarap sa kanya. Mukha siyang sanggol na natutulog. Nilapitan ko ang mukha niya at hinawi ang buhok na napupunta sa may mata niya...

Nilapit ko ang mukha ko sa mukha niya at hinalikan ko ang pisngi niya...

---

(Dwayne's PoV)

"Doc. Kamusta po yung pasyente?" Tanong ko sa doctor na gumagamot dun sa lalaking naaksidente sa kalsada

"Ligtas na siya, mabuti na lang dahil di masyadong malala ang nangyari sa katawan niya, wala naman siyang injury sa internal organs niya may mga buto lang na nabali pero malayo naman na siya sa kapahamakan. Sa ngayon kailangan lang naming ayusin yung mga nabali niyang buto at pagkatapos nun ay kailangan niya lang magpahinga at magiging ok na siya" paliwanag ni doc

"Salamat po doc"

"Walang anuman. Siya nga pala, kaanu-ano mo yung pasyente?" Tanong niya

"Dati niya pong kaibigan" sambit ko ng nakangiti

---

(Liana's PoV)

Pagkalabas ko ng kwarto kung saan nakaconfine ang boyfriend ng kapatid kong si diana ay agad kong napansin ang lalaking umiiyak sa labas ng isang room. Dahan dahan akong lumapit sa kanya...

Tumayo ako sa harap niya...

"Ah... Sir. Ok ka lang po ba?" Sambit ko

Dahan dahan niyang inangat ang ulo niya at nagulat ako sa nakita ko...

"LIAM?!?"

---

(Liam's PoV)

"Ah... Sir. Ok ka lang po ba?" Sambit ng taong nakatayo sa harapan ko

Pinunasan ko ang mga luha ko at dahan dahang inangat ang ulo ko at nagulat ako sa nakita ko...

"LIAM?!?"

"LIANA?!?"

xxx

When Destiny PlaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon